Chapter 33: #BAOneLastCry ~

132 6 1
                                    

A/N: Play niyo po yung music sa taas. Promise kapag ginawa niyo yun, ramdam na ramdam niyo 'tong chapter 33. =)

Brace's POV

Bumangon ako kaninang unaga nang hindi manlang ngumingiti. Hanggang ngayon dama ko pa din ang masasakit na salita na binitawan sakin ng Papa ni Janine.

Sa kakaisip ko about doon, nakalimutan ko na rin matulog. Pero kaya ko naman, malakas naman ako. Yun nga lang, parang may kulang. Hindi kumpleto araw ko.

Magdamag akong nag-isip kung papayag ako sa gusto ng Papa ni Janine. At ngayong sumikat na ang araw, nakapagdesisyon na ko na kailangan ko talaga siyang layuan. Kailangan ko rin siguro makapag-focus sa pag-aaral ko pati na rin sa trabaho ko. Pinaalalahanan rin ako ni Mama kagabi na dapat hindi ko rin pinapabayaan ang sarili ko. Bukas may taping kami. Sa susunod na araw, Exam naman namin sa school. Sa sabado reahersal namin. Kailangan ko raw ng sapat na kain at tulog dahil kung hindi baka magaya na daw ako kay Janine na mahospital na rin.

Sana nga ako na lang 'tong nasa hospital eh. Kung may powers lang ako para pagpalitin ang posisyon namin ni Janine edi sana hindi na siya nahihirapan ngayon.

Habang inaayos ko ang buhok ko tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito na nasa kama ko lang at tiningnan kung anong meron.

From: Mama

Anak, pumunta ka na dito sa Hospital! Gising na si Janine!

Halos mag-panic ako at pinaulit-ulit ko pang basahin yung text ni Mama. Wala na kong sinayang na oras pa at nagmadaling magmaneho papuntang Hospital kung nasaan si Janine. Halos mahulog na nga ko sa hagdan namin sa pagmamadali.

Pagkadating na pagkadating ko sa Hospital, pinark ko agad yung kotse ko sabay takbo sa room ni Janine.

Nang marating ko na ang tapat ng pinto ng room ni Janine, napatigil ako bigla. Hindi ko alam kung ano yung uunahin kong maging reaction. Mix emotions kunno.

Kitang kita ko sa mga mata niya na masaya siya. Kahit ako nahahawa na sa kasiyahan ng girlfriend ko. Yung tipong kahit may problema ka, makita mo lang yung taong mahal mo, happy ka na.

Ang ganda niya talagang tingnan kapag naka-ngiti. I miss her smiles!

Lalo pa kong napa-ngiti nang mapansin niya kong nakatayo lang sa tapat ng pinto.

"Brace.." Ugh her voice. 😍

I hugged her tightly. I miss her soooooooo much!

"Na-miss kita.." I whispered.

Bumitaw muna kami sa pagkakayakap dahil nakakahiya naman kasi ang dami pang nakapalibot na tao.

Nagkwentuhan lang kami, Tawanan, Kulitan, Biruan. Kaya lang sa gitna ng tawanan namin, may naalala ako.

Naalala ko yung sinabi ng Papa ni Janine. Kusang naglaho yung mga ngiti ko sa labi nung naalala ko yun.

Maya-maya rin iniwan na kami nina Mama para naman daw ma-solo ko si Janine. Pero syempre bago sila maka-alis sinenyasan na ko ni Tito Fred (Papa ni Janine). Alam niyo naman siguro kung ano tinutukoy niya. Ayoko na ulitin masyado na nasasaktan kaluluwa't puso ko.

Nagbilang muna ako ng 5 minutes bago ko damdamin yung lahat ng sakit na binitawang salita ni Tito Fred kahapon.

Kinuha ko yung gitara niya na niregalo ko sakanya nung third monthsary namin.

"Baby, gusto mo kantahan kita?" Tanong ko alam kong hindi naman siya makakatanggi sakin kaya tumango rin siya.

Gabi na rin kasi, gusto ko lang na bago siya matulog eh marinig niya muna ang boses ko. And i think last moment na namin 'to. So sagarin na natin mga Tsong!

~ Para kang asukal, sintamis mong magmahal

Para kang pintura, buhay ko'y ikaw ang nagpinta..

Para kang unan, pinapainit mo ang aking tyan..

Para kang kumot na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot..

Kaya't wag magtataka kung bakit ayaw kitang mawala..

Kung hindi man tayo hanggang dulo wag mong kalimutan,

Nandito lang ako laging umaalalay, Hindi ako lalayo..

Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw... ~

Kalalaki kong tao, iyak ako dito ng iyak. Ayoko kasi ng ganitong scene. Masyadong masakit. Hindi ko kaya. Nakakabakla 'tong ginagawa ko.

Nakatulog rin pala si Janine sa mala-anghel kong pagkanta.

Hay, anubayan. Ang tagal ko siyang hinintay magising at ngayon namang nagising na siya saka namang pinapalayo ako ng Papa niya.

Yung totoo Tadhana, ginagago mo ba kami ng mahal ko? Wag naman ganun.

Nanahimik lang ako at tinitigan ang buong mukha ni Janine ng 5 minutes.

Habang ginagawa ko yon, nagf-flashbacks lahat. Una ko siyang nakilala, nung naging kami, hanggang ngayong pakakawalan ko muna siya.

Bago ako tumayo sa kinauupuan ko, bumulong muna ako kay Janine...

"Don't worry babe, babalik ako.." And last, i kissed on her forehead.

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon