Chapter 30: #BAEchantedKingdom ~

193 5 4
                                    

Aisha's POV

Hay jusko Author, mabuti naman naisipan mo pang magka-Pov ako ane? Tapos na ang Christmas at New Year ngayon mo palang naisipan gawan ng Pov ang pinakamagandang bestfriend ng Bida dito. Okay, shut up na ko. Moment ko na 'to eh!

Anyway, nandito kami sa Van nina Nash. And ohmypinkgosh! Ang saya ko guys! Eh kasi naman natupad na yung isa sa mga wish ko na makasakay sa Van ng idol ko. Aaaaahh!

Tapos emeged katabi ko pa si Grae! Huwalangya kanina pa tuloy ako hindi maka-galaw dito. Yung ulo kasi ni Grae eh! Nakapatong sa balikat ko kapareho ng pwesto nung kina-Brace at Janine. Kaso silang dalawa kasi magkaholding hands pa habang tulog eh kami ni Grae hindi kaya Sadlayp! Tara bigti tayo.

Nagulantang ako nung biglang nag-ring yung phone ko. Dali dali ko yun kinuha dahil baka magising yung katabi ko.

Babe Drei <3 is Calling...

Accept or Decline?

Pakshet Accept na lang baka ikabreak pa namin 'to eh hindi pa naman ako nagpaalam sakanya na mage-EK kami.

Hello?

[Babe nasaan ka ba? Pinuntahan kita sa bahay niyo pero wala ka.]

Uhm, Babe sumama kasi ako kina-Janine mag-EK.

[Di ka manlang nagpaalam sa'kin?]

Ahh, hindi.. ano.. kasi.. biglaan kaya hindi ko sayo nasabi. Ano nga palang kailangan mo?

[Tsk may ipapagawa lang sana ako sayong project namin. Eh kaso wala ka so wala din akong grade na makukuha dito.] Sabi niya na medyo sarcastic.

Sorry babe, uhm bukas! Pupunta na lang ako sainyo para gawin yan. I love you!

[K fine]

Bigla na niyang in-end yung call. Wala na ngang Bye, Wala pang I Love You Too. Hay na ko masanay na kayo dyan sa boypren ko. Wala naman akong magagawa. Kahit ganyan siya mahal ko pa din siya.

Kahit nga sobrang hirap nung mga projects or homeworks na pinapagawa namin sakanya rh ginagawa ko pa din. Siya nga College na hindi alam ang gagawin, Ako pa kayang Second year highschool pa lang?

Hay balik nga tayo dito sa Van, so yun nga pupunta kami ngayon sa Echanted Kingdom. Eh nagyaya kasi 'tong Gimme 5 na 'to eh. Next week na daw kasi magsisimula yung taping nila para sa isang teleserye kaya ayun sinama kami ni Janine.

"~Ba't di papatulan. Ang pagsuyong nagkulang. Tayong umaasang. Hilaga't kanluran. Ikaw ang hantungan. At bilang kanlungan mo. Ako ang sasagip sayo.~" Nakakadala naman 'tong kanta na pinapatugtog sa radio. Theme song pa naman namin yan ni Grae. Charrr.

"Ang galing mo pala kumanta." Muntik na kong mapatayo sa kinauupuan ko nung nagsalita bigla si Grae. Ohgod.

"Kanina ka pa gising?"

"Hindi naman. Narinig ko lang kasi yung boses mo kaya napamulat ako bigla." Sabi niya. Pakshet kasalanan ko pa yata.

"Ha? Naistorbo ko ba yung tulog mo? Nako, sorry!" Sabi ko habang nakahawak kunwari sa batok.

"No it's okay. Malapit na rin naman tayo." Sabi niya. Tinanguan ko na lang siya at umayos na ng upo.

Ganto pala yung pakiramdam ng magkaroon na kayo ng conversation ni Crush. Ang saraaaaaaaaap sa feeling.

Ngayon lang kasi ako nakakuha ng lakas ng loob tumabi at kausapin 'to eh. Nakakahiya kasi pagminsan.

Tsaka matagal ko na ring tinatanggap yung loveteam nila ni Andrea kaso hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap. Pakshet masakit mga beh! Alam niyo yung feeling na hanggang fangirl ka lang. Sarap mag-mura! Wooh!

Nandito na kami sa EK. Si Janine at Brace gising na pati na rin yung tatlo pang itlog. Unang bumaba si Grae kasi siya mas malapit sa pinto nung kotse eh.

"Oh guys, ano uunahin natin?" Tanong ni John.

"Tara sa Anchors Away?" Aya ni Nash.

"Game!"

Janine's POV

Uwian naaaaaa!

Yes, uwian na. Bilis noh? Haha. Sobrang saya guys! Kaso dun sa Junggle Log Jam halos lumabas na yung puso ko sa sobrang taas nung babagsakan namin! Para kasi siyang Roller Coster tapos may tubig sa gilid. Basta yon na yon! Pero dun rin naman ako sobrang nag-enjoy tsaka sa Extreme Tower. Jusko bigla ko tuloy namiss yon huhu. Tapos binilhan pa ko ng Minion na Stuff Toy ni Brace. Aaaaahh! Sayang hindi ko katabi ngayon si Aisha, wala akong mahahampasan. Lol.

"Kanina pa tunog ng tunog yang cellphone mo ah. Sino ba ka-text mo?" Tanong ko kay Brace kasi simula nung pumasok na kami dito sa Van, naging busy naman siya sa cellphone niya. Eh nacu-curious lang naman ako kung sino ba katext niyan malay ko ba kung sindikato na pala kausap niyan.

"Ahh, wala. Si Zorene lang." Ano yun, nung una sabi wala. Tapos sa huli may Zorene pa pala.

"May problema ba? Kanina pa siya text ng text sayo ah." Sabi ko.

"Wala 'to babs. Tsaka wag ka na magselos wala naman kaming ginagawang hindi mo gusto." Sabi niya at tinaas-taas pa yung dalawang kilay niya.

"I know. I trust you." Sabi ko. Nginitian ako ni brace at nararamdaman ko yung kamay na na gumagapang sa-- Wag kayong ano ha! 'Di porket may sinabi akong 'i trust you' tapos gumagapang yung kamay ni brace eh ANO na yung ibigsabihin non. Nako nako nako!

Balik tayo, so yun nga nararamdaman ko yung kamay ni brace na gumapang sa kamay ko. Hinawakan niya 'yun at pinalabas nanaman ang kanyang malalim pa sa pinaka-malalim na dimples niya.

LIBING KO NA PO BUKAS! Ay char hahahahahaha.

Kinikilig pa rin ako kahit araw-araw naman 'tong ginagawa sakin ni Brace. Wala eh, Arquiza yan eh!

~*~

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon