Chapter 13: #BAAyokoNa ~

321 19 8
                                    

Janine's POV

2 PM.

Nandito ako sa garden, wala kasi kaming klase. Mag-isa lang akong naka-upo dito sa bench. Nasa library si Aisha eh. Busy daw siya.

Okay na rin sakin yung mag-isa lang ako ngayon hanggang ngayon kasi iniisip ko pa din yung 3 Bitchy Witches na yon.

Yung black rose? Ayun tinapon ko na.

Ang dami namang kachuchuan ng nagimbento nun. May pa-3 Bitchy Witches pang nalalaman.

Ako pa talaga ang naisip nilang pagtripan huh? Ano bang meron sakin at ako na lang lagi? Di naman ako kagandahan at sikat ah. Tss.

Tahimik lang akong nakaupo dito hanggang sa may nagbato ng bilog na papel. Sakto pa talaga sa ulo ko ha? -___-

Pinulot ko 'yon at binasa ang nakasulat sa loob.

Hi dear! Natanggap mo ba ang gift namin sayong Black Rose?

Yan lang ang nakasulat sa papel pero biglang may nambato ulit ng isa pang papel. Taray, may part 2 yung message nila sakin. Hanggang part 3 'to hula ko. LOL!

Nagustuhan mo ba? Alam mo Janine, hindi lang yan ang gift namin sayo. Marami pa kaming pasabog!

Naks madami daw silang pasabog! So, uutotan nila ko harap-harapan?

Oh see? Ayan pa! May Part 3 pa!

Magbabayad ka Janine! Amin si Brace, ilagay mo yan sa utak mo!

Magbabayad ako? Sa pagkakaalam ko never pa kong umutang sa isang tao. Joke lang.

Eh kasi naman masyado silang seryoso. Ang OA nila masyado. Parang si Brace lang? Yang tataa.

Naghintay lang ako ng ilang minuto ngunit wala nang papel ang nambato pa saakin.

Sabi sainyo eh, hanggang part 3 lang yon! Hula ko, 3 Bitchy Witches may pakana nun. Fave number yata nila ang 3. LOL!

Nakarinig naman ako ng kakaibang tunog. Ayy, galing yata sa tyan ko yun. Cereal lang kasi kinain ko kanina. Wala lang trip ko lang, bakit ba.

Pumunta na ko sa canteen. Konti lang yung tao. Yung iba may klase, yung iba tambay-tambay muna ganon.

"Ate pabili nga ng is-" Whoa.

"Diba Hungry ka na? Oh ayan lamunin mo yang spaghetti! Haha!"

"You're so ugly. Yuck!!"

"Bagay sayo, B!tch! Haha!"

Ano bang problema ng mga to? Ipahid ba naman sa mukha ko yung tatlo nilang spaghetti na nasa plato.

Nagmukha tuloy akong mascot sa Mcdo. Yung si Hetti? Lol!

Ginamit ko na lang ang palad ko para punasan ang sauce na nasa mukha ko.

Nakita kong nagtatawanan sina Lyssa, Shelle at Sel. Sila nanaman? Ano ba guys, di pa rin ba kayo nakakamove-on sa pagiwan sainyo ni Brace?

August pa yon, September na ngayon. Duh!

"Ano bang problema niyo?!" Naiirita kong sabi.

"Ikaw. Ikaw ang problema namin!" Sigaw nung Shelle.

Ako naman lagi eh! -__-

"Alam mo bagay lang sayo yan eh, kasi haliparot ka!" Wow ah, ako pa talaga ang naging haliparot ha? Nahiya ako sakanila.

"Alam niyo girls, kulang pa yan eh. Ang dapat sa babaeng yan, kinakalbo!" Sigaw ni Alyssa. At pinagsasabunutan ako. Pati yung dalawa ganun na din ang ginawa sakin.

Ang sakit. Kulang na lang masama na yung anit ko sa sobrang lakas nila.

Isa lang ako, tatlo sila. Mahina ako. Ni hindi pa nga ako nakakakain eh.

Gusto kong umiyak. Pero kelangan kong maging matapang.

"Bitawan niyo siya!" Sino naman to? Ano dadagdag din ba siya sa pagsabunot sakin? Tama na, please.

Di ko siya makita dahil sa malabo kong mata. Umiiyak na pala 'ko. Tss sabi ko hindi ako iiyak eh! Azar ka din Janine eh!

"Sabi ko, Bitawan niyo siya!" Sabi ulit niya pero this time sobrang lakas na kaya napatigil na sina Alyssa.

"Bakit pa Joaquin? Hindi ka ba nandidiri sa babaeng to? Una, nilalandi ka lang niya. Pangalawa, boyfriend na niya ang bestfriend mo!" Si Selinna yata nagsabi nun.

Nakarinig ako ng mga yapak na papunta sakin. Tama nga ko, papunta siya sakin. Hinawakan niya yung kamay ko.

"Hindi niya ko nilalandi kaya pwede ba tigilan niyo na siya!" Sabi ni Joaquin. Kahit kelan talaga si Joaquin ang taga-pagligtas ko.

"Hmp!" Sabay irap nung tatlo at umalis na.

Kasalukuyang niyayakap ako ngayon ni Joaquin. Pero sa yakap na yun, lalo lang ako naiyak.

Ang bango-bango niya. Tapos ang hot niya pa sa suot niya. Naka-plain white t-shirt lang kasi siya. Galing yata sa practice ng basketball.

Dahil siya naman ang nangunang yumakap edi niyakap ko din siya. Anoba guys, wala nang hiya-hiya 'to! Pakapalan na ng mukha!

"Stop crying." Shet yung voice niyang husky. Langya!! Lalong naging hot si kras!!

Nang mahimas-masan na ko, naglakad-lakad na kami ni Joaquin Lucas Miguel Saavedra Reyes.

Kaso bwiset, di na siya nakahawak sa kamay ko. Di na kami magka-holding hands. Tss tiisin ko na lang mamaya sabihin nanaman nila, two timer nanaman ako! -_-

Hanggang ngayon wala paring nakakapagsalita saming dalawa. Para saakin ang awkward. Kasi diba crush ko nga siya tapos may girlfriend na siya. Tapos magkasama pa kami ngayon. Tss basta!

"Nasaan ba yung boyfriend mo?" Tanong ni Joaquin.

"Ahh, ewan ko." Shunga ko talaga. Minsan na nga lang ako kausapin ng kras ko, ganyan pa isasagot ko. Yang tataa Janen, Yang tataa?

Naging tahimik nanaman. Wala nanamang imikan. Hay anong klaseng pag-ibig ba to. Oo nga pala wala namang kami ni Joaquin.

Nabaling ng atensyon ko ang lalaki at babae na magkausap sa labas ng room namin. Si Brace at may bago nanaman siyang nilalandi.

Akala ko ba girlfriend niya na ko? Akala ko ba kami na? Ayy, fake nga lang pala. Tss!

Ikaw Janine ha, masyado mong sineseryoso ang pagiging kayo ni Ipis. Tsk tsk!

Nagulat ako ng lapitan ni Joaquin si Ipis at sinuntok sa pisngi. Kahit gulat na gulat ako kung bakit niya ginawa yon. Hinawakan ko pa din si Joaquin sa braso.

"Inaaway na't lahat lahat yung girlfriend mo nakuha mo pa ring makipaglandian." So ginawa yun ni Joaquin kay Brace para sakin? O.O

Tiningnan ko si brace na hawak-hawak yung pisngi niya. Medyo natakot naman ako ng tingnan niya rin ako. Nakasimangot siya.

"Kung hindi mo kayang protektahan yung sarili mong girlfriend, palayain mo na. Malay mo may ibang tao palang mas kaya siyang alagaan at protektahan." SANA ikaw na lang yun Joaquin. SANA. Ang daming umaasa sa salitang SANA. Kaya SANA naman wag mo kong paasahin. :(

Pagkatapos sabihin yun ni Joaquin hinila na niya ko paalis dun. Mas gugustuhin ko namang sumama sa isang Gwapong nilalang kesa sa isang Mayabang na Ipis.

9 days palang kami naging mag-fake girlfriend and fake boyfriend ni Ipis.

Pero parang..

Ayoko na.

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon