Part 4

1K 60 9
                                    

Dean's POV

Wedding day...

Nakatayo ako sa harapan ng altar habang hinihintay si Jema.

Kinakabahan ako habang nakatayo

Katabi ko sila Tots, Bei, at Kaye.

"Hahaha, natatawa ako kay Dean, kasal to pero parang daig pa yung namatayan hahahah!" bulong ni Tots kaya tiningnan ko sya ng masama

Maya maya biglang bumukas yung pintuan ng simbahan kaya napatingin ako doon, nakita ko si Jema na nakatayo at nakasuot ng napakagandang gown.

Biglang kumanta yung choir ng simbahan.

🎶Sabi nila, balang araw
Darating ang iyong tanging hinihiling
At noong dumating ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli🎶

Dahan dahang naglakad si Jema sa aisle kasama yung mommy at daddy nya.

Bigla akong napalunok.

Si Jema ba talaga to? B-Bakit ang ganda??

Naramdaman ko yung pagtapik ni Bei sa balikat ko

"Iyak kana bro! Matatali kana eh haha!" pabulong na asar ni Bei sakin, pero hindi ko sya pinansin dahil hindi maalis yung mga mata ko kay Jema

🎶Ang pag-asang nahanap ko sa 'yong mga mata at ang takot kung sakali mang ika'y mawawala🎶

Ang tagal naman maglakad uy!

🎶At ngayon, nandiyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang-hanggan
'Di paaasahin, 'di ka sasaktan🎶

Nang nasa harap ko na si Jema nag mano ako sa parents nya pagkatapos hinawakan ko na yung kamay ni Jema at inalalayan ko syang maglakad papunta kay father.

🎶Mula noon hanggang ngayon
Ikaw at ako🎶

Maya maya nagsimula na yung kasal hanggang sa....

"You may now kiss the bride!" sabi ni father habang nakangiti

Humarap ako kay Jema at itinaas ko yung belo nya

Tumingin ako sa labi nya kaya bigla akong napalunok.

Hahalikan ko ba sya??

Sige na nga... mag asawa na din naman kaming dalawa...

Hinawakan ko yung magkabilang pisngi ni Jema pagkatapos dahan dahan kong inilapit yung mukha ko sa kanya hanggang sa maglapat yung mga labi namin, kasabay non ay yung pagpalakpakan ng mga tao

Habang magkadikit yung mga labi naming dalawa para bang nakaramdam ako ng kuryente na gumapang sa buong katawan ko kaya naging mabilis lang yung halik ko sa kanya.

Humarap kami sa mga tao na pumapalakpak, lahat sila ay nakangiti lalo na yung mga kaibigan at pamilya namin.

"Yehey!! congratulations!!" sabi nila

Maya maya dumeretso na kami sa venue ng wedding reception.

Nagsaya lang sila buong magdamag maliban sakin.

Nakangiti ako pero hindi ako masaya... Hindi ko maramdaman yung saya...

Pagkatapos ng kasal agad kaming hinatid ng driver ni daddy sa hotel kung saan kami magha-honeymoon ni Jema.

Nang nasa tapat na kami ng room namin napangiti ako.

Mapagtripan nga tong babaeng to..

Humarap ako kay Jema at mabilis ko syang kinarga, yung pangkasal na karga kaya napasigaw sya dahil sa gulat.

Life After MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon