Part 15

1.4K 76 13
                                    

Jema's POV

"Alam mo nagtataka talaga ako haha!" sabi ni Jho sakin, "Feeling ko kasi hindi to para sa baby namin" dagdag nya pa

"E-Ewan ko din" sagot ko kahit parang nagkakaroon na ako ng idea

Hindi kaya napagkamalan nyang buntis ako??

Pero diba dapat magalit sya??

Maya maya nakita kong naglalakad pababa si Bei

"Oh, nasaan na si Dean?" tanong ni Jho sa kanya

"Hahah! Nandon nagkukulong!" sagot ni Bei kay Jho habang natatawa

"Seryoso ba talaga sya love? Sa baby natin tong pinamili nya? Eh pano kapag girl yung baby natin?" tanong ni Jho kay Bei, napansin kong pinipigilan ni Bei yung tawa nya

"Haha, oo nga, saatin daw yan, bakit pwede namang magsuot ng blue yung girl diba?" tanong ni Bei kay Jho

"Dapat pink kasi!" sabi ni Jho

"Love, mag thank you nalang tayo kay Dean, haha!" sabi ni Bei

"Sige na nga!" sabi ni Jho habang nakangiwi

"Bei, anong ginagawa ni Dean sa kwarto nya? Hindi pa sya bababa?" tanong ko kay Bei, kumuha sya ng pizza pagkatapos sumubo sya

"Ayon nag-mumukfSCKNFsncasnacbVbSNV" sagot nya pwero hindi ko naintindihan dahil may laman yung bibig nya

"Ano??" sabay naming tanong ni Jho, nilunok nya muna yung kinakaen nya pagkatapos uminom sya ng water

"Ang sabi ko natutulog" sagot nya, "Mamaya na daw sya bababa, napagod ata sa pamimili ng mga gamit ng baby ny--namin... hehehe namin yon heheh!" sabi nya sakin

Ayon! muntik ng madulas... sabi ko na nga ba eh...

"Hoy! de Leon! Umamin ka na nga! Alam kong may alam ka eh..." pagsusungit ni Jho kay Bei

"Love naman... wala nga... Napagod lang talaga sya" pagsisinungaling ni Bei pagkatapos tumingin sya sakin, "Jema, sa Sunday pala meron feeding program yung family namin sa The Children's Joy Foundation Inc. sa Quezon City, sama kayo nila Dean ha..." sabi ni Bei sakin

"Ay oo nga pala Jema, sama kayo" pangungumbinsi din ni Jho sakin, ngumiti ako at tumango

"Sige, sasama ako, mukhang masaya yan hehehe, pero hindi ko alam kung sasama si Dean, kayo nalang yung magsabi" sabi ko sa kanila

"Osige, wait pupuntahan ko uli sya" sabi ni Bei pagkatapos tumayo sya at pumunta uli sa kwarto ni Dean

Habang hinihintay namin si Bei hinalungkat pa ni Jho yung mga pinamili ni Dean.

"Ang gaganda naman ng mga binili ni Dean, sana lang talaga boy yung baby namin hehe!" sabi ni Jho

"K-Kaya nga hehe" sabi ko, tiningnan ko din yung mga damit na nilalabas ni Jho

Maya maya narinig namin yung boses ni Dean at Bei

"Ahahah! Tara na kasi sa baba, kakaen tayo!" pamimilit ni Bei kay Dean kaya napatingin kaming dalawa ni Jho sa kanila, nakita namin na nakaakbay si Bei kay Dean habang naglalakad, nakita ko din na nakasimangot si Dean

"Oo na! Pwede bang dahan dahan lang?! Mamaya malaglag tayo dito eh!!" inis na sabi ni Dean, natawa nalang ako dahil sa nakita ko

"Oo na! Haha!" sabi ni Bei habang natatawa, "Oh! Ito na si Dean! Haha!" sabi ni Bei nang makalapit sila samin

"Bakit ba?! Nananahimik ako sa kwarto ko eh!" kunot noong sabi ni Dean

"Hala, bat galit ka??" tanong ni Jho kay Dean

Life After MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon