Part 18

1.3K 61 1
                                    

Dean's POV

Sunday...

Maaga palang nandito na kami kila Bei, nandito na din si Jema at aaminin kong natuwa ako nung nakita ko sya.

Ilang araw ko din kasi syang hindi nakita at aaminin kong namiss ko sya.

Noong gabing umalis si Jema sa bahay pinuntahan ako nila Bei sa bahay, nag inuman lang kami, malalang sermon din yung natanggap ko kay Bei, galit na galit sya dahil sa ginawa ko. Lahat ng sermon nya tinanggap ko dahil alam kong mali talaga ako.

Sinabi ko na din sa kanila yung totoong nararamdaman ko kay Jema, pero pinakiusapan ko sila na hayaan nila na ako yung mag sabi kay Jema tungkol sa nararamdaman ko.

Noong nagkita kami ni Ate Jho nasermonan nya din ako, inamin nya din na naiinis sya sakin, nasermonan din ako ni Ced, Kyla at Ate Mela, pero ngayon okay na kami.

"Ang sarap naman ng niluluto nila Ced sa kusina, nagugutom tuloy ako" sabi ni Tots habang naka pout

Tumutulong kasi sila Jema sa mommy ni Bei sa paghahanda ng mga pagkaen na ipapakaen sa mga bata sa orphanage, habang kami naman nila Bei naghahanda ng mga ipapamigay sa mga bata katulad ng mga laruan, books at iba pa.

"Dean, ikaw na yung bahala sa pictures mamaya ha, may tiwala ako sayo kasi alam kong maganda kang kumuha ng mga pictures" sabi ni Bei sakin, tumingin ako sa kanya

"Ready na ba yung DSLR mo?" tanong ko sa kanya

"Oo naman! Nasa car na." sagot nya

"Good!" sabi ko

"Okay na siguro to? Pwede na nating dalhin sa sasakyan?" tanong ni Tots

"Sige, dalhin nyo na yung iba don" sabi ni Bei

"Kaye, yung song mo mamaya ha... dala mo ba yung gitara mo?" paalala ni Bei kay Kaye

"Oo, nakaready na!" sagot ni Kaye kay Bei

"Thank you!" sabi ni Bei, tumango lang si Kaye habang nangiti

Maya maya natapos na kaming lahat, nailagay na din namin sa sasakyan yung mga dadalhin sa orphanage.

"Guys, ready na ba kayo??" tanong ni Tito Elmer

"Yes po!" sabay sabay naming sagot

"Let's go na" sabi ni Tito Elmer

Isa isa na kaming pumasok sa van, nang makaupo ako nagulat ako nang makita ko si Jema sa tabi ko, napatingin din sya sakin at halata din yung gulat sa mukha nya, hindi na din sya makalipat ng upuan dahil nakapwesto na kaming lahat dito sa van.

"Deans, ito na yung camera, kung kailangan mo ng tripod dala ko din yung tripod nyan" sabi ni Bei sakin habang inaabot yung camera agad ko namang kinuha iyon.

Habang nasa byahe kami dino-double check ko yung mga battery ng DSLR kung full charge, tiningnan ko din yung memory kung may space pa.

Sila Bei naman nagkukwentuhan tungkol sa mga pinuntahan naming orphanage dati, pinagkukwentuhan nila yung mga nakakatawang nangyare samin doon kaya ang ingay ingay nila, minsan natatawa ako sa topic nila dahil naaalala ko din.

"Naalala nyo yung baby na pinabuhat kay Dean dati? Hahah! Tawang tawa talaga ko nung inihian ng baby si Dean! Hahahah!" kwento ni Tots, napangiti naman ako

"Oo! Hahaha, badtrip na badtrip sya non eh!" sabi ni Ced

"Pero kanino ba sya nagalit non??" tanong ni Kaye kay Tots

"Syempre kay Jema! Hahahaha!" sabay sabay nilang sagot, napangiti uli ako pagkatapos lumingon ako sa kanila

"Bakit kasi sakin pinabuhat?" tanong ko sa kanila

Life After MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon