Part 2

1K 58 0
                                    

Jema's POV

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. 

Ayaw ko din namang pakasalan si Dean, napakababaero kaya non! Sari - saring babae na yung dumaan don nuh! Oo mahal ko sya pero hindi talaga eh! Hindi ko maimagine na sya yung mapapangasawa ko!

Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa inis. 

"Jema, relax! Alam kong malalagpasan mo din yang problema mo" sabi ni Jho sakin

"Oo nga Bes..." sang ayon naman ni Kyla

Ako nga pala si Jessica Margarett Galanza, Jema yung tawag nila sakin.

Matagal na nilang alam na may utang kami sa mga Wong, noong araw na pinahiya ako ni Dean sa Campus, halos gusto ko ng matunaw noong araw na yon. 

Aaminin kong si Dean yung first love ko, sobrang gwapo nya kasi at ang lakas ng dating, bata palang kami nakikita ko na sya. Pero simula noong pinahiya nya ako sa school namin dati nasaktan ako ng sobra, may galit na nabuo sa dibdib ko, pero ewan ko ba kung bakit hindi parin nawawala yung pagmamahal ko sa kanya.

Pero ayaw ko talaga syang pakasalan, saka ayaw non sakin!

Bakit nga ba kami nagkaroon ng utang sa mga Wong? 

Sa company kasi ng mga Wong nagtatrabaho ang daddy ko, sya din yung pinagkakatiwalaan ng mga Wong pagdating sa pera, pero dumating yung araw na may nag traydor sa daddy ko, na frame up sya ng isa nya pang kaibigan at natangay yung halagang  15 Million. Nawala yung tiwala ng mga Wong sa daddy ko. Muntik din syang ipakulong dahil sa nangyare pero nakiusap sya sa mga Wong na pagbigyan sya ng isa pang pagkakataon, papatunayan nya daw na wala syang kasalanan, handa nyang bayaran yung nawala, dahil mabait si Sir Dean hindi nya na pinakulong yung daddy ko.

Noong nakatapos ako sa pag aaral sa company nila ako nagtrabaho para naman makatulong ako sa daddy ko. 

Pinahiya ako ni Dean sa buong campus ng pinapasukan naming college noon, nalaman nya kasi na meron akong gusto sa kanya dahil nag tapat ako sa kanya, hindi ko naman alam na may galit na pala sya sa family namin dahil nalaman nya yung ginawa ng daddy ko. Dahil sa galit nya hinila nya ako paakyat ng stage at nag tawag sya ng mga student, dahil sikat sya sa school namin dati ang daming pumunta para makinig sa sasabihin nya.

Tandang tanda ko pa yung sinabi nya dati sakin.  

Flashback...

Hinila ako ni Dean paakyat ng stage

"Aray! Dean Wong ano ba?! Nasasaktan ako!" sabi ko sa kanya, kinuha ni Dean yung mic pagkatapos nagsalita sya

"Student! Attention please!!" sabi nya

Dahil breaktime maraming student na nakakalat, nang marinig nila yung boses ni Dean agad silang nagsilapitan. 

Napatingin ako sa mga kaibigan namin at halata sa mukha nila na nag aalala sila. 

"Dean! Stop it!" saway ni Bei sa kanya pero hindi sya pinakinggan ni Dean

"OMG! Si Dean may sasabihin ata!" sigaw ng mga tao

"Guys! Listen!" seryosong sabi ni Dean

"Dean! Maawa ka naman kay Jema!" sabi ni Tots

"Shut up Tots!" sabi ni Dean kay Tots

"Guys! Itong pangit  na babae na nasa tabi ko ay nagtapat sakin ng nararamdaman nya! Mahal nya daw ako! Pagkatapos ng ginawa ng daddy nya sasabihin nya sakin na mahal nya ako??! Para ano? Para pagtakpan yung ginawa ng daddy nya?!" inis na sabi ni Dean

Life After MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon