Jema's POV
"Ate! ate! Pinapabigay po ni Kuya, yung asawa nyo po!" nagulat ako ng may lumapit na bata sakin, inaabot nya yung flowers sakin, agad kong kinuha iyon pagkatapos napatingin ako kay Dean, natawa ako kasi bigla syang tumalikod at nag act na may ginagawa.
Tumingin uli ako sa bata, umupo ako para magpantay yung ulo naming dalawa
"Pakisabi sakanya thank you" utos ko sa bata
"Okay po ate ganda!" sabi ng bata pagkatapos tumakbo sya palapit kay Dean
"Kuya, thank you daw po heheh!" sabi ng bata kay Dean
"Hmm! Wala ka na bang mas irurupok dyan Jema?" asar sakin ni Ate Mela
"Ito naman si Mela, hayaan mo na nga sila!" sabi sa kanya ni Jho, natawa nalang ako
Tiningnan ko uli yung flowers na bigay ni Dean pagkatapos ibinulsa ko iyon.
Magdidilim na ng matapos yung program.
"Guys! Guys! Doon na kayo samin mag dinner ha!" sabi ni Bei samin
"Yown!! Yan yung gusto ko sayo Bei!" sabi ni Tots kay Bei
Maya maya nakabalik na kami sa bahay nila Bei, nakaready na din yung dinner namin.
Sabay sabay kaming kumaen, habang kumakaen kami nag aasaran sila kaya natatawa nalang din ako. Napapansin ko din na panay yung sulyap sakin ni Dean kaya nakakaramdam ako ng kaba.
Pagkatapos naming kumaen pinagpatuloy namin yung kwentuhan hanggang sa naglabas na ng inumin si Bei.
"Inom tayo! Heheheh" sabi ni Bei
"Ay gusto ko yan!" sabi ni Kaye
"Oo nga! Mukhang kailangan yan ng isa dyan! Hahahah! Pampalakas ng loob!" sabi ni Tots sabay sulyap kay Dean
"Oy! Oy! Oy! Sino yan??!" tanong ni Kaye
"Hahahaha ewan ko, tanong natin si Dean, baka kilala nya hahahah!" sagot ni Tots, nakita kong tiningnan ni Dean ng masama si Tots
"Ewan ko sayo Tots!" sabi ni Dean habang nakasimangot pagkatapos uminom sya ng alak
Katulad kanina, habang nag iinuman kami nahuhuli ko si Dean na nakatingin sakin, kapag nahuhuli ko syang nakatingin sakin para bang kinikiliti yung puso ko.
"Eheeem!! Walang mangyayare kung titingin-tingin ka lang dyan Dean, Simulan no na..." sabi ni Bei habang nakangiti
Ang alin??? Shit! Kinakabahan tuloy ako!
Uminom uli si Dean ng alak pagkatapos tumayo sya at naglakad palapit sakin, bigla akong napalunok dahil sa kaba..
"Yowwwn!!! Hahahah!" sigaw ni Tots
"Sssshhh!! Tots! ingay ha!" saway ni Bei kay Tots
Tumabi sakin si Dean at nagulat ako ng bigla nyang hinila yung upuan ko palapit at paharap sa kanya.
Dugdug! Dugdug! Dugdug!
Ang bilis ng tibok ng puso ko
"A-Ano to??" naguguluhang tanong ko
"Jema, listen to me..." sabi ni Dean, nakaramdam ako ng ilang nang tingnan nya ako sa mata
"A-Ano nanaman??!" tanong ko sa kanya habang nakakunot noo
"Makinig ka nga kasi muna sakin... please..." pakiusap ni Dean
"Aaccckkkkk!! Kilig ako love!" rinig kong bulong ni Jho kay Bei