Part 8

1.2K 81 12
                                    

Dean's POV

Dahil naboring ako sa babaeng kausap ko kanina agad akong bumalik kung nasaan sa mga kaibigan ko.

"Oh, asan yung isa?" kunot noong tanong ko sa kanila kaya nagsitinginan sila sakin

"Ha? May kasamang lalaki kanina eh, na invite ata sya" sagot ni Kyla sakin

Inis akong nagpamewang at iginala ko yung paningin ko sa paligid para hanapin si Jema.

Nasaan nanaman maya yung babaeng yon??!

Maya maya nakita ko si Jema kasama yung isang grupo ng magkakaibigan kaya agad na nagsalubong yung dalawang kilay ko.

Aba!! Wala akong pake kung lumalandi sya! Pero ang concern ko lang baka may nakasunod ditong mata ni daddy! Yari kami pagnagkataon!

Dali dali akong naglakad palapit sa kanila.

"Dean!" tawag sakin nila Tots pero hindi ko sya pinansin.

Nang makalapit ako kila Jema agad ko syang tinawag.

"JEMA!!" lumingon sya sakin

"Oh, Dean, bakit?" tanong nya sakin

Ahh magtatanong ka pa ha...

"Jema, sino sya?" tanong ng lalaki kay Jema

Ahh so ito yung nakabangga nya kanina??

"Kaibigan ko/ASAWA KO!" sabay naming sagot ni Jema kaya nagkatinginan kaming dalawa

Dahil sa inis ko tumingin ako sa lalaki.

"Asawa nya ako! Okay?!" sabi ko sa lalaki pagkatapos hinawakan ko yung kamay ni Jema para ipakita yung singsing naming dalawa pero hindi ko yon nakita sa kamay nya

"Talaga? Eh bakit sabi ni Jema friends lang daw? Hahah!" pang aasar sakin ng lalaki kaya mas lalo akong nainis, nakuyom ko yung kamao ko, gustong gusto ko na syang suntukin, "Saka kung kasal na kayo bakit walang wedding ring si Jema?" tanong uli ng lalaki sakin

"Hindi ka titigil??!" banta ko sa kanya, nginisihan nya ako

"Haha! Chill bro!" sabi nya sakin, dahil sa inis ko lalapitan ko na sana sya para suntukin pero pinigilan ako ni Jema

"Dean!! Wag!" sigaw nya sakin kaya napatingin ako sa kanya

Nakita kong ang sama ng tingin sakin ni Jema.

Huminga ako ng malalim dahil sa inis pagkatapos hinawakan ko din yung kamay nya at hinila palayo sa mga magkakaibigan, nang makabalik kami sa mga kaibigan namin tumingin ako kay Jema

"Dean! Ano ba? Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!" sigaw sakin ni Jema, pinagtitinginan na din kami ng mga nadadaanan namin

"Oh, hanggang dito ba naman nag-aaway parin kayo?! Ilagay nyo naman sa lugar yan!" sermon samin ni Ate Jho

"Sya kasi eh!" sabay naming sabi ni Jema

"Anong ako??!" sabay uli naming sabi

"Totoo naman ah! Bakit hindi pa ba sapat yung kasama mo ngayon yung mga kaibigan mo?! Ha?! Kung saan saan ka pa pumupunta!" sigaw ko sa kanya habang nakakunot noo, napahawak si Jema sa ulo nya at napangisi pagkatapos tumingin sya sakin

"Wow! Dean, anong nangyare sa walang pakielamanan?! Ha?! Bakit?! Bawal bang makipagkaibigan??! Hindi naman kita pinapakialaman kapag may kasama kang iba ha?!" sunod sunod na tanong nya sakin, halata din sa boses nya yung inis

"Jema may asawa ka!!" sigaw ko sa kanya

"Sa papel!! Dean hindi kita magets eh! nagseselos ka ba??!" kunot noong tanong nya sakin biglang lumaki yung mata ko pagkatapos itinuro ko yung sarili ko

"A-Ako??! N-Nagseselos??! Hah! Ang kapal ng mukha mo! Hindi ako nagseselos!!" sagot ko sa kanya habang naka fake smile

"Hoy! Tama na yan!" saway samin ng mga kaibigan namin

"Eh anong tawag dyan?! Ha?!" inis na tanong nya sakin

"Jema nag iingat lang ako! baka mamaya may makakita sayo na kakilala ni daddy at baka magsumbong!" sigaw ko sa kanya

Napailing si Jema at para bang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Wow! Alam mo hindi dapat ako yung sinasabihan mo nyan! Yung sarili mo dapat!" sabi nya sakin, "A-Alam mo dyan ka na nga!! Nabubwisit lalo ako ehh!" sabi nya pagkatapos tumalikod na sya at naglakad papasok sa hotel

"Jema! Hindi pa tayo tapos!" sigaw ko pero hindi nya ako pinakinggan

Huminga ako ng malalim at napahawak ako sa noo ko.

Nakita kong tumayo sila Ate Jho at sinundan si Jema kaya kaming mga boys nalang ang natira dito.

"Psst!! Ano bang problema?" tanong sakin ni Bei kaya tumingin ako sa kanya

Umupo ako sa tabi nya.

"Eh sya kasi eh!" sabi ko

"Wala naman syang ginagawang masama Dean" sabi ni Kaye

"Kaya nga, baka naman nagseselos ka?" tanong ni Tots, nakikinig samin si Angel, hindi pa kasi namin masyadong close ito.

"Hindi ako nagseselos!" sabi ko sa kanila

"Haha! Weh?? Kung makikita mo lang yung sarili mo kanina halatang nagseselos ka, aminin mo nga, nahuhulog ka na ba kay Jema?" tanong ni Tots sakin

"Hindi ako magkakagusto sa kanya Tots! Itaga mo pa sa bato yan!" sabi ko sa kanya

"Edi hindi! Makatanggi ka naman hahah! Saka pwede bang iwasan nyo muna yang pag aaway nyo?? Birthday ko diba? Bigay nyo na sakin to!" sabi ni Tots sakin

"S-Sorry" sabi ko

"Hay! Hayaan na natin yung nangyare, basta Dean wag muna kayong mag aaway ni Jema ha" sabi ni Bei sakin

"Oo na!" sabi ko

"Dean, mamaya pala may party tayo, dun tayo sa bar mamaya heheh!" sabi ni Bei

"Okay!" sabi ko sabay ngiti

"Haha mukhang ginanahan ha!" sabi ni Kaye

"Malamang! Bar yon! Ibig sabihin maraming chicks!" sabi ko habang nakangisi

"Hahahah! Ewan ko sayo!" sabi ni Bei

Nagkwentuhan lang kami nila Bei, Tots at Kaye, paminsan minsan nakikipagkwentuhan din samin si Angel.

Maya maya nagpaalam na sila saakin, babalik daw muna sila sa mga room nila at magpapahinga kaya wala akong choice kundi ang bumalik na din sa room namin.

Pagpasok ko sa room namin nakita ko si Jema na nakaupo sa kama habang nagse-cellphone, may suot na syang robe dress, napatingin sya sakin pero inirapan nya lang ako kaya napangiwi ako

Tsss!! Pangit!

Pabagsak akong umupo sa sofa, nang makaupo ako napacrossed arm ako at tumingin kay Jema habang nakakunot noo.

Yung totoo hindi ko din alam kung bakit ako nainis sa kanya kanina...

Maya maya naramdaman yata ni Jema na nakatingin ako sa kanya kaya tumingin sya sakin pagkatapos tinaasan nya ako ng kilay.

"Ano? Galit ka nanaman?! Wag mo nga akong tingnan! Naiirita lalo ako eh!" sabi nya sakin

"Feeling maganda!" bulong ko

"Anong binubulong bulong mo dyan?!" tanong nya sakin

"Wala!! Matutulog ako! Wag kang maingay!" sabi ko sa kanya pagkatapos humiga ako sa sofa

Mas mabuti pa nga ata na matulog nalang ako!

----------

Update guys..

Sorry ang tagal ng walang update, hindi kasi ako makapag isip ng maayos, pero wag po kayong mag alala babawi ako kapag okay na ko.. Salamat 😊😊

Life After MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon