Jema's POV
Nakatalikod ako kay Dean habang nakayakap sya sakin, naramdaman kong tumulo yung luha mula sa mga mata ko.
Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko manlang napigilan yung nangyare samin ni Dean ngayon, aaminin kong may pagtingin parin ako sa kanya pero hindi dahilan yon para mangyare samin yon, ang masakit din don ay yung alam kong wala namang feelings sakin si Dean, alam kong katawan ko lang yung gusto nya at alam kong dala lang din ng alak kung bakit nya nagawa sakin yon.
Ang tanga tanga mo talaga Jema!
Dahan dahan akong tumayo at naglakad papunta sa CR, nagbabad ako sa batthub at habang nakababad ako hindi parin matigil yung pagpatak ng luha ko.
Ilang minuto din ako sa loob ng CR, pagkatapos kong maligo nagbihis na ako at lumabas ng CR, umupo ako sa sofa at pinatuyo ko yung buhok ko. Habang pinapatuyo ko yung buhok ko nakatingin ako kay Dean na ang sarap ng tulog sa kama.
Alam kong walang mabubuo sa nangyare samin ngayon ni Dean, masyado syang maingat pagdating sa sex...
Pero pano kung may mabuo??
Napabuntong hininga ako at napailing.
Hindi, sigurado akong walang mabubuo...
Nang matuyo yung buhok ko kumuha ako ng unan sa kama pagkatapos bumalik ako sa sofa.
Dito nalang ako matutulog... hindi ko kayang tumabi sa kanya...
Kinabukasan...
Wala na si Dean sa kama ng magising ako. Napatingin din ako sa kumot na nakabalot sakin.
Baka si Dean ang naglagay??
Hay! Malamang sya nga, kaming dalawa lang naman dito!
Tumingin ako sa orasan ko.
11 AM na pala...
Umupo ako pero bigla akong napangiwi dahil ang sakit ng katawan ko, ang sakit din ng ari ko.
Tsk! Nakakainis naman!
Naglakad ako papasok sa CR para gawin yung morning routine ko, pagharap ko sa salamin nakita ko yung mapulang marka sa leeg ko kaya bigla akong napapikit dahil sa inis.
Kitang kita yung marka! Paano nalang kapag nakita to ng mga kasama namin??
Pagkatapos kong gawin yung morning routine ko nagpalit ako ng damit, hindi ko na din itinali yung buhok ko para maitago yung marka sa leeg ko.
Pagkatapos kong magbihis kinuha ko yung phone ko at nakita kong merong message si Kyla kaya binasa ko iyon.
📱
From: KylaBes, gising kana? Nandito kami sa restaurant sa baba ng hotel, punta ka dito para sabay sabay na tayong mag lunch 😊
📱Lumabas ako ng room namin at pumunta sa restaurant na sinasabi ni Kyla.
Nang makarating ako sa restaurant agad kong nakita yung mga kaibigan ko.
"Jema!" tawag nila sakin
Naglakad ako palapit sa kanila pero napatigil ako sa paglalakad ng magtama yung mga mata namin ni Dean, bumilis din yung tibok ng puso ko, nakaramdam din ako ng pagkailang kaya agad ko ding iniwas yung tingin ko sa kanya.
"Bes, dito kana sa tabi ko" aya sakin ni Kyla, tumango lang ako at umupo ako sa tabi nya
"Okay ka na Jema?" tanong sakin ni Jho, tumango lang ako pagkatapos lihim akong sumulyap kay Dean, nakita kong nakayuko sya, magkasalubong yung dalawang kilay nya habang kinakagat yung kuko nya