Part 14

1.5K 80 39
                                        

Dean's POV

Umaga palang nandito na ako sa SM Megamall. Nakakabadtrip lang dahil sa sobrang excited ko nakalimutan kong 10 AM pala ang bukas ng mall kaya naman nag breakfast muna ako sa Jollibee.

Tumingin ako sa relo ko.

9:30 AM pa lang.

30 mins. pa... Bakit ba kasi ang aga ko dito?? Hay!

Maya maya tumawag si Bei kaya sinagot ko yung tawag nya. 

"Yes, Bei?" sagot ko sa call nya

"Deans, where are you?" tanong nya sakin

"Mall, may bibilihin lang" sagot ko

"Ahh, papunta kami sa bahay nyo eh, wait ka namin don ha!" sabi ni Bei sakin

"Sige" sagot ko

"Pasalubong bro" pahabol ni Bei

"Oo na!" sabi ko pagkatapos binaba ko na yung phone ko, tumingin uli ako sa relo ko at nakita kong 10:20 AM na pala kaya naman tumayo na ako at lumabas ng Jollibee para pumunta ng mall.

Pagpasok ko sa mall agad akong pumunta sa depertment store, hinanap ko yung section ng bilihan ng damit at laruan ng mga baby. Nang mahanap ko iyon bigla akong napangiti.

Heheheh! Ang cute! Ang liliit... 

Kumuha ako ng mga damit na color blue, kumuha din ako ng mga laruan at syempre yung safe, kumuha din ako ng carrier bag para sa baby para naman kapag maglalakad lakad kami hindi na kami mahihirapan ni Jema, kumuha din ako ng baby shoes, socks, at iba pa, halos mapuno din yung cart na dala dala ko.

Nakangiti lang ako habang kumukuha ng mga gamit ng baby. 

Nang nakuha ko na lahat ng kailangan ko pumila na ako para magbayad, habang nakapila ako tumingin ako sa relo ko.

12:30 PM na pala, kaya pala nagugutom na ako.

Pagkatapos kong mabayaran yung mga kinuha ko pumunta ako ng greenwich para bumili ng pasalubong, kumaen na din ako dahil gutom na gutom na ako.

Lagpas 1 PM na ng makalabas ako ng mall.

Hay Salamat makakauwi nadin!

Habang pauwi ako hindi parin maalis yung ngiti sa labi ko.

Ilang minuto pa ang lumipas nakarating na ako sa bahay, pagka-park ko ng sasakyan agad kong kinuha yung mga pinamili ko, nang makuha ko yung lahat ng pinamili ko naglakad na ako papasok ng bahay.

Bago ako makapasok narinig kong nagkukwentuhan sila Bei.

Nandito parin pala sila... 

Tutuloy na sana ako papasok ng biglang nagsalita si Jema kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Yun nga Jho, natatakot si Kyla na sabihin kay Angel na buntis sya kasi baka hindi sya panindigan" sabi ni Jema

"Eh bakit naman sya matatakot? Kung mahal sya ng tao papanindigan sya non, hayaan mo kakausapin ko sya" sabi ni Ate Jho

"Sige nga Jho, baka sumunod sayo, ilang araw na daw syang hindi nakakatulog! Pasaway nga yung babaeng yun! Hindi ko namalayan na nilagay nya pala sa bag ko yung PT nya kagabi, eh nung nabangga ako ni Dean nahulog, kaya nakita ni Dean yung PT" kwento ni Jema

Dahil sa narinig ko para bang binuhusan ako ng malamig na tubig. Nakaramdam din ako ng panghihinayang at lungkot. 

So, nagsayang lang pala ako ng pera at pagod... 

Life After MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon