Jema's POV
Ilang araw na ang nakakalipas simula noong may nangyare samin ni Dean. Napapansin ko din na palagi syang nasa kwarto nya.
Ano kayang nangyare don? Himala yata at napirme dito sa bahay? Dati kasi palagi syang umaalis.
Kahapon maghapon syang nasa kwarto nya, lalabas lang sya kapag kakaen. Tapos ngayon hindi pa sya lumalabas sa kwarto nya, hindi din sya nag breakfast.
Hala baka napano na yon??!
Kakatukin ko ba??
Sige na nga...
Naglakad ako papunta sa kwarto ni Dean, nang makarating ako sa tapat ng pinto ng kwarto nya kumatok ako.
Tok! Tok! Tok!
Maya maya bumukas yung pinto at bumungad sakin yung mukha ni Dean, pinagmasdan ko yung mukha nya.
Anong nangyare dito??
Magulo ang buhok, medyo nangingitim yung mata nya at para bang puyat, namumula din yung pisngi nya
"B-Bakit??" seryosong tanong nya sakin
"O-Okay ka lang??" tanong ko sa kanya, "N-Nag aalala kasi ako, hindi kana kasi lumalabas para gumimik o mambabae" sabi ko sa kanya, bigla syang napapikit
"Kinatok mo ako dahil lang don??! Eh ayaw kong lumabas eh! *cough!" inis na sabi nya sabay ubo
"Teka lang, may sakit ka ba?" tanong ko sa kanya
"M-Masama lang yung pakiramdam ko" sagot nya sakin
Huminga ako ng malalim.
Mukhang wala naman akong choice kundi ang bigyan sya ng gamot...
"Dyan ka lang, kukuhaan lang kita ng gamot" sabi ko sa kanya pagkatapos pumunta ako sa kwarto ko, nang nakakuha ako ng gamot binalikan ko uli si Dean, natuwa naman ako dahil naghihintay parin sya sa pintuan nya, "Oh.. inumin mo to" inabot ko sa kanya yung gamot
"Thank you" walang ganang sabi nya
"Ah, aalis pala ako mama--"
"Saan ka nanaman pupunta?!" inis na tanong nya sakin at ikinabigla ko iyon, wala naman kasi tong paki sakin
"Wala ka na don.. sige na magpahinga kana, inumin mo nalang yang gamot" sabi ko sa kanya pagkatapos tumalikod na ako at naglakad papunta sa kwarto ko, bago ako makapasok biglang nagsalita si Dean
"Jema kapag umalis ka hindi ko iinumin itong gamot! Hindi din ako aalis dito sa kinatatayuan ko!" banta nya sakin, lumingon ako sa kanya
"Ikaw ang bahala, malaki kana, kaya mo na yang sarili mo!" sabi ko pagkatapos pumasok na ako sa kwarto ko, pagpasok ko ng kwarto narinig kong padabog na sinarado ni Dean yung pinto nya
Takutin ba naman ako? Hay!
Maliligo na sana ako kaso nakatanggap ako ng message galing kay Kyla, hindi na daw muna kami matutuloy dahil may emergency.
Hay! Sayang... gusto ko pa naman sanang umalis ngayon, ayaw kong makita yung pagmumukha ni Dean eh..
Maya maya nagpasya akong lumabas ng kwarto ko, nauuhaw kasi ako. Paglabas ko nagulat ako dahil nakita ko si Dean na nakatayo parin sa pintuan ng kwarto nya.
"Sabi ko naman sayo diba? Hindi ako iinom ng gamot at hindi ako aalis dito kapag umalis ka ng bahay" sabi nya sakin, halata yung pamumungay ng mga mata nya dahil siguro masama yung pakiramdam nya
"Tsk! Oo na, hindi na ako aalis! Ang arte ha!" inis na sabi ko pagkatapos bumaba na ako para pumunta ng kusina para uminom ng tubig
Habang umiinom ako muntik ko ng maibuga yung tubig dahil nakita ko si Dean na nakasandal sa counter