Dean's POV
Halos dalawang araw din akong nagkasakit kaya halos dalawang araw din akong hindi nakalabas ng bahay. Si Jema naman paminsan minsan umaalis kaya ako lang yung naiiwan dito.
Nandito ako ngayon sa sofa at nakaupo habang kausap si Bei.
"Deans, dinner naman tayo mamaya, ilang araw ka naming hindi nakita eh" sabi ni Bei sakin mula sa kabilang linya, "Isama mo na si Jema" dagdag nya pa
"Sige Bei, saan ba?" walang ganang tanong ko sa kanya
"Message ko sayo mamaya, naghahanap palang si Jho eh" sagot nya sakin
"Libre mo ba?" tanong ko sa kanya
"Oo na! Sige na, ako na yung taya mamaya pero dapat kumpleto tayo ha" sabi ni Bei, habang nagsasalita siya nakita kong dumaan si Jema sa harap ko kaya sinundan ko sya ng tingin.
Teka lang, may salawal ba yon? Bat parang nakakasanayan nyang magsuot ng mahabang damit, parang wala tuloy syang salawal...hmp!
"Hey! Deans! Are you listening??" tanong ni Bei kaya nagulat ako
"A-Ahh s-sorry nawalan ng signal Bei, ano nga uli yung sinabi mo?" tanong ko sa kanya
"Hay! Ang sabi ko may mahalaga akong sasabihin mamaya!" sabi niya sakin, nawala nanaman yung atensyon ko kay Bei dahil dumaan nanaman sa harap ko si Jema
"Deans??!" tawag uli ni Bei sakin
"A-Ahh, sige, sige... see you later!" sabi ko sa kanya pagkatapos binaba ko na yung phone ko
Ano ba kasing ginagawa ng babaeng yon? Bakit daan ng daan sa harap ko??
Maya maya dumaan nanaman sya sa harap ko
"Jema, pwede ba? Nahihilo ako sayo eh! Ano ba kasing ginagawa mo?" kunot noong tanong ko sa kanya, tumingin sya sakin
"May kinukuha lang ako sa labas, bakit ba??" irap nya sakin, napahawak ako sa noo ko
"Nadidistract ako sayo eh!" kunot noong sagot ko
"Hindi ko na problema yon!" sabi nya sakin pagkatapos pumunta uli sya sa kusina, napailing nalang ako pagkatapos sumunod ako sa kanya sa kusina
Nakita kong inaayos nya yung halaman sa paso.
Sumandal ako sa counter habang nakatingin sa kanya
"Bakit dito mo inaayos yan?" tanong ko sa kanya
"Mainit sa labas, bakit ba??" kunot noong tanong nya sakin
"Hay! gusto ko lang sabihin sayo na--"
"Alam ko na" putol nya sasasabihin ko, "Sinabihan na ako ni Jho" dagdag nya pa
"Okay, 5 PM tayo aalis" sabi ko, hindi ko na hinintay na sumagot sya, tumalikod na ako at umakyat sa kwarto ko.
Kinahapunan...
Papunta na kami ni Jema papunta sa L'Opera Restorante Italiano, medyo malayo dahil sa BGC pa yon.
Tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe.
Maya maya nakarating na kami sa restaurant, pagpasok namin agad kong nakita sila Bei.
"Ayan na pala yung mag asawa" sabi ni Kaye
"Hi Deans! Kamusta? Mabuti naman at magaling kana" sabi ni Mela sakin, nginitian ko sya
"Okay na ako Mela, oo nga eh" sabi ko pagkatapos tumingin ako kay Bei "Wait ano bang meron ngayon?" tanong ko sa kanila
"May sasabihin kasi kami" sabi ni Bei habang nakangiti
Umupo ako sa tabi ni Bei, inexpect ko na tatabi sakin si Jema pero nagkamali ako, tumabi sya kay Kyla kaya naman nakaramdam ako ng inis.
![](https://img.wattpad.com/cover/342182607-288-k894287.jpg)