Dean's POV
Nandito kami ngayon sa isang bar.
Natuwa naman ako dahil sobrang daming magagandang babae.
"Nice! Hahah!" sabi ko habang nakangiti at nakatingin sa mga naggagandahang babae.
"Umorder na ako ng beer natin" sabi ni Bei
"Bes! Ang daming pogi! hahah! Pagkakataon mo na to!" rinig kong sabi ni Kyla kaya napatingin ako sa kanila
Napansin kong nakatingin si Jema sa dance floor habang nakangiti
Biglang lumapit sakin si Kaye
"Bro, kapag nalasing yan si Jema magugulat ka! Hahah! Iba yan malasing!" bulong nya sakin, kunot noo akong tumingin kay Kaye
"Wala akong pake!" sabi ko sa kanya
"Hahahah! Talaga lang ha?! Hahah! Sabagay wala pala kayong pakialamanan, hindi ko na sya pinansin
Maya maya dumating na yung order namin kaya nagsimula na kaming mag inuman, ilang oras pa ang nakakalipas napaparami na yung inom namin pero wala parin akong tama. Ilang beses na din akong napapatingin kay Jema at hindi ko alam kung bakit.
"Happy Birthday Tots!!" sabay sabay naming sabi sabay taas ng baso
"Thank you guys! Ang saya ko ngayon kasi kumpleto tayo!" sabi ni Tots habang nakangiti
Nagsaya lang kami hanggang sa lumalim yung gabi.
"Bes! Sayaw tayo!" aya ni Kyla kay Jema, halatang may tama na si Jema dahil namumula na yung mukha nya
"Tara!" sabi ni Jema habang nakangiti pagkatapos tumayo sya at hinila si Kyla
"Uy sama! Hahah!" sabi ni Ced pagkatapos tumayo na din sya at sumunod kila Jema
Natulala ako ng makita kong sumayaw si Jema sa gitna ng dance floor, pinagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa.
Shit! Bakit ang hot nyang sumayaw??! Bakit parang biglang uminit dito??!
Naramdaman kong nanuyo yung lalamunan ko kaya kinuha ko yung beer ko at ininom iyon.
Ah! Hindi! Nakainom lang ako kaya ganto yung nararamdaman ko!
"Hahah! Lasing na si Jema! Mag aakay na yan ng lalaki para makisayaw sa kanya hahah!" sabi ni Bei kaya kunot noo akong tumingin sa kanya
"Okay lang yan! Wala namang magseselos eh, saka wala silang pakialamanan ni Dean" sabi ni Kaye habang nakatingin sakin at nakangiti
"Ayan na nga! Hahahh!" sabi ni Tots habang nakatingin sa dance floor kaya napatingin uli ako may Jema, biglang nanlaki yung mata ko nang makita kong may kasayaw si Jema na lalaki
Ewan ko ba pero biglang uminit yung ulo ko.
Tatayo na sana ako pero bigla akong pinigilan ni Tots
"Oooppsss! Hahaha wag mong lalapitan bro, ganyan talaga yan! Hahahah!" sabi ni Tots, mas lalong kumunot yung noo ko
"A-Anong wag lapitan??! Bro tingnan mo! Ang pangit tingnan!!" inis na sabi ko
"Ano ka ba, ganyan talaga yan! Hahah! Enjoy nalang tayo! Siguro nagseselos ka no??!" asar sakin ni Tots
"Hindi ah!!" mabilis na sagot ko
"Oh! hindi naman pala eh, hayaan mo na sila don! Nag eenjoy sila eh, saka sayaw lang naman, mukhang hindi naman sya babastusin!" sabi ni Tots
"Eh paano kung binastos?!" inis na tanong ko sa kanya
"Edi lagot sila samin! Hahah! Subukan nilang bastusin yung mga girls na kasama natin, makakatikim sila ng kamao!" sabi naman ni Bei, "Lalo na kay Jho, makakita lang ako ng isang lalaki na babastos sa kanya kamao ko yung sasalubong sa kanya!" dagdag nya pa
![](https://img.wattpad.com/cover/342182607-288-k894287.jpg)