Part 11

1.5K 86 16
                                    

Dean's POV

"Wag na! Pwede bang wag na nating pag usapan yon?! Gusto ko ng kalimutan yon, isipin nalang natin na panaginip lang yon! S-Saka p-pwede bang wag mo na akong mahawak-hawakan?! Tumatayo yung balahibo ko eh!" seryosong sabi ni Jema, tiningnan nya muna ako ng masama bago sya tumalikod at naglakad papunta sa loob ng hotel

Napakamot ako sa sintido ko.

"Gusto ko lang naman mag-sorry eh... Saka ano daw?? Isipin ko nalang daw na panaginip yon?? Saka gusto nya na daw kalimutan?? Edi okay!!" bulong ko sa sarili ko habang nakakunot noo

"Dean!" rinig kong tawag ni Bei kaya lumingon ako sa kanya, nakita kong kasama nya si Tots, Kaye, at Angel

"Bakit?!" tanong ko sa kanya

"Hahahah! Bakit parang galit ka?!" tanong sakin ni Bei

"W-Wala! Naiinis lang ako!" sagot ko

"Hahah! Nag away nanaman ba kayo ni Jema?" tanong ni Bei sakin

"Ewan ko ba sa babaeng yon!" inis na sabi ko, tinawanan naman nila ako

"Alam nyo, napapansin ko na nagkakailangan silang dalawa... hmmmmm!!! Feeling ko may nangyare eh!" sabi ni Kaye, bigla akong napalunok

"Hahah! Naku, malabo yang sinasabi mo Kaye, hindi yun papayag si Jema, hahah!" sabi ni Bei

Eh may nangyare nga!

Nakukunsensya pa ako kasi sapilitan yon!

Napakamot ako sa ulo ko

Sasabihin ko ba sa kanila??

Pero baka asarin nila ako... Alam kasi nila na ayaw ko kay Jema.

Nagkwentuhan lang kami dito sa labas, nabanggit din kasi nila na may pag uusapan daw sila Ate Jho sa kwarto nila.

Ano naman kaya yon??

Baka yung nangyare samin ni Jema??

Maya maya nag aya na si Bei bumalik sa kanya kanya naming room para mag ayos ng gamit, hanggang 1 PM lang kasi kami dito.

Pagpasok ko sa room namin nakita ko si Jema na nag aayos na ng mga gamit nya, tiningnan nya lang ako saglit.

Awkward...

Kinuha ko na din yung mga gamit ko at inayos ko na din.

Maya maya lang nagkita kita na kami sa lobby ng hotel, napansin kong ang sama ng tingin sakin nila Ate Jho.

Shit! Parang alam na nila...

"Guys, nandyan na yung van" sabi ni Bei kaya sabay sabay kaming lumabas ng hotel, nagulat ako ng bigla akong banggain ni Ate Jho

"Mag uusap tayo mamaya!" bulong nya sakin kaya kinabahan ako

Naku! Sermon nanaman!

Nang nakasakay na kami sa sasakyan hindi tumabi sakin si Jema.

Tumingin ako sa labas at nagmuni-muni

Nakukunsensya talaga ako sa ginawa ko kay Jema, alam kong mali ko yon, pero hindi ko alam kung bakit ko nagawa yon.

Nakagat ko yung kuko ko habang nag iisip.

Bigla kong naalala yung nangyare samin kagabi kaya napalunok ako.

Sa buong buhay ko hindi ko aakalain na mangyayare samin ni Jema yon.

Nang nasa kalagitnaan na kami ng byahe biglang nagsalita si Tots

Life After MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon