Dean's POV
Ilang buwan na yung nakalipas... naging maayos yung pagsasama namin ni Jema, katulad ng pangako ko sa kanya, pinaramdam ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal.
Kaso ngayong buntis sya parang angsarap nya nalang ihagis sa ere... joke!!
Yes, buntis na si Jema, sobra yung pagkabugnutin nya, laging masungit sakin kaya kailangan ko ng pasensya na kasing haba ng EDSA, nagiging matakaw na sya kaya medyo tumaba sya, pero maganda parin.
"Bb!" tawag sakin ni Jema
"Yes po??" tanong ko sa kanya
"May gusto akong kainin!" sabi nya
Ayan nanaman sya! Pagkaen nanaman... hanggang kailan ba ako maghihirap sa paglilihi nito??
Noong nakaraan kasi gusto nya daw ng dinuguan, pero lasang adobong manok daw... hindi ko naibigay sa kanya kaya iyak ng iyak, tinawagan ko tuloy si mommy para magpapunta ng magaling na chef, kaso nung naluto na ayaw nya daw kainin kasi hindi ko naman daw luto iyon, kaya ang ending ako ang kumaen.
Lumapit ako sa kanya habang nakangiti. Oo, dapat nakangiti kasi ayaw nya daw akong makita na nakasimangot
"Anong gusto ng asawa ko??" tanong ko sa kanya
"Gusto ko ng pinya" sagot nya sakin, mas lalong lumaki yung ngiti ko
Mabuti naman at pinya lang!!!
"Eassyyyyy!!!" sabi ko sa kanya, "Wait bibili lang ako ha!" paalam ko sa kanya habang nakangiti, tumalikod na ako kaso bigla syang may pahabol,
"Bb, dapat fifteen lang yung mata ha... saka wag mong ipabalat, gusto ko kasi ako yung magbabalat, bibilangin ko din kung fifteen talaga yung mata ng pinya" sabi nya, biglang bumagsak yung balikat ko dahil sa narinig ko, pagkatapos humarap ako sa kanya habang nagdadabog ng paa
"BB naman eh!! Baka mamaya maging fifteen yung mata ng baby natin nyan ha!" sabi ko sa kanya
"Iihhh ayan ka nanaman eh! Nakasimangot ka nanaman!!" reklamo nya kaya pilit akong ngumiti
T*ng*n*!
"Yan! Smile lang! Dali na Bb! Gusto ko non!" pamimilit nya sakin, halata na naiiyak na din sya
"Paano kung walang fifteen na mata??" tanong ko sa kanya
"Maghanap ka!" sabi nya sakin
"Oo na po!" sabi ko habang pilit na nakangiti
Nang makalabas ako ng bahay napabuntong hininga ako.
Ganon ba kahirap maglihi? Minsan tuloy naiisip ko na pinagtitripan lang ako ni Jema.
Hay! Pasalamat talaga sya mahal ko sya!
Sumakay ako ng sasakyan at nagpunta sa market.
Pagdating ko sa market agad akong humanap ng pinya.
"Kuya, may pinya kayo?" tanong ko sa tindero
"Meron po" sagot ng tindero
"Yung fifteen yung mata" dagdag ko, tumingin sakin yung tindero
"Naku ijo! Mahirap maghanap ng ganon, talagang fifteen yung mata??" tanong ng tindero
"O-Opo eh, buntis po kasi yung asawa ko, yun yung pinapahanap" sabi ko, natawa yung tindero
"Hahahah, kahit libutin mo yung lahat ng tindahan ng pinya dito baka hindi ka makahanap non!" sabi ng tindero
"A-Ahh, sige po, hahanap muna ako" sabi ko sa kanya, tumango lang sya
