Part 16

1.3K 51 3
                                        

Dean's POV

Nang nakita ko yung takot sa mukha ni Jema agad kong binitawan yung kamay nya. Mabilis naman syang tumalikod at patakbong umakyat papunta sa kwarto nya. Sinundan ko lang sya ng tingin.

Alam ko kung ano yung nasa isip nya, alam kong naalala nya nanaman yung ginawa ko sa kanya sa Batangas. Napaupo ako sa sofa pagkapatapos napahilamos ako sa mukha ko dahil sa inis. 

Ah basta! Sasama parin ako sa kanya kapag pumunta sya don kila Johnvic!!

Sa pagkaka-alala ko bukas na yung birthday. Nabasa ko kasi kanina sa invitation..

KINABUKASAN...

Tanghali palang nakabihis na ako, nandito ako ngayon sa sala at nakaupo sa sofa habang inaantay si Jema.

Nasaan na ba yon??! Ang tagal naman!

Dahil sa kakahintay ko sa kanya nakaidlip na ako sa sofa.

(3,000 years later...)

"Huy!" nagulat ako dahil sa tumapik sa balikat ko, nakita ko si Jema na nakabihis na, tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa

Naka dress sya, hindi naman masyadong maiksi yung dress nya, yung sakto lang...

"A-Aalis na tayo?" tanong ko sa kanya

"Tayo?? Sasama ka ba??" seryosong tanong nya sakin

Hindi pa nga pala kami okay nito...

Mabilis akong tumayo kahit na inaantok pa ako

"O-Oo naman!" mabilis na sagot ko

Tinitigan nya ako sa mukha.

"Bakit?? Diba sabi ko kahapon sasama ako??" paalala ko sa kanya

"Seryoso ka ba talaga??" tanong nya sakin

"Oo nga!!" kunot noong sagot ko

"Edi tara na!" sabi nya sakin pagkatapos naglakad na sya palabas kaya sumunod ako sa kanya

Ako na yung nag drive ng sasakyan. Hindi kami nagpapansinan ni Jema habang nasa byahe.

Mag so-sorry ba ako sa kanya dahil don sa nangyare kahapon??

Huminga ako ng malalim pagkatapos sumulyap ako ng mabilis kay Jema, nakatingin lang sya sa labas.

Wag nalang kaya??

Pero sige na nga...

"*Eheeemm!! Uhmm J-Jema" tawag ko sa kanya, nakita kong lumingon sya sakin

"Bakit?" seryosong tanong nya

"Ano, s-sorry pala don sa nangyare kahapon" sabi ko sa kanya, nagulat ako ng bigla nyang hawakan yung leeg ko kaya medyo lumayo ako, "B-Bakit??" kunot noong tanong ko sa kanya

"Anong nangyare sayo? Ikaw ba talaga yan?? Nilalagnat ka ba??" tanong nya sakin

"Hindi! Bakit ba? Nagso-sorry lang naman ako eh!" kunot noong sabi ko sa kanya

"Alam mo kasi ngayon ka lang nagsorry sakin, sa dinami-dami ng ginawa mo sakin na hindi maganda ngayon ko lang narinig sa bibig mo yan" sabi nya sakin

"Bakit? Masama bang mag sorry??" tanong ko sa kanya

"Hindi, eh bakit ba kasi ang init init ng dugo mo sakin kahapon??" tanong nya sakin, medyo natuwa naman ako dahil hindi ko na nararamdaman na naiilang sya sakin

Kung alam mo lang...

"Basta!!" sabi ko habang nakakunot noo, "Pwede namang tanggapin yung sorry ko ng hindi nagtatanong diba??!" dagdag ko pa

Life After MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon