Part 17

1.1K 57 1
                                    

Jema's POV

Umiiyak ako habang nag eempake ako ng mga gamit ko.

Nasasaktan din ako dahil sa nangyare kanina, kahit gustong gusto kong gamutin yung sugat ni Dean kanina sa mukha niya hindi ko magawa dahil galit na galit sya. 

Habang nag eempake ako nakarinig ako ng kalabog galing sa labas. 

Pagkatapos kong mag empake agad akong lumabas ng kwarto ko at mabilis na bumaba, nang makababa ako nakita ko na nagkalat yung bubog sa lapag.

Nang makalabas ako sa bahay agad kong isinakay yung mga gamit ko sa sasakyan, nang mailagay ko iyon sa compartment pumasok na din ako sa sasakyan ko. Bago ako umalis sumulyap ako sa bintana ng kwarto ni Dean. Pinunasan ko yung luha na dumaloy sa pisngi ko pagkatapos nag drive na ako palayo. 

Nagdrive ako papunta sa condo ni Kyla, halos isang oras din yung byahe, nang makarating ako sa tapat ng condo nya agad akong nag doorbell, sunod sunod akong nagdoorbell baka kasi tulog na sya.

"Wait laaangg!" rinig kong sigaw ni Kyla, maya maya bumukas yung pintuan, nang nakita ko si Kyla agad akong lumapit sa kanya at niyakap ko sya, "J-Jema, anong nanyare??" nag aalalang tanong nya sakin, inakay nya ako papasok, nang makapasok kami pinaupo nya ako sa sofa pagkatapos tumingin sya sa mukha ko, "Huy! Jema, anong nangyare???" tanong nya uli sakin, "Ano nanamang ginawa sayo ni Dean? Ha?!" galit na tanong nya sakin

Hindi ako nagsalita, umiyak lang ako ng umiyak, tinawagan na din ni Kyla sila Jho, Ced, at Ate Mela.

"Bes, ano nga, magkwento ka! Ano ba kasing ginawa sayo ni Dean? Pinagsamantalahan ka nanaman ba??!" nag aalalang tanong ni Kyla sakin, umiling naman ako, "Ehh ano??! Wait ikukuha kita ng tubig!" inis na sabi ni Kyla

Tumayo sya at pumunta sa kusina, pagbalik nya may dala na syang tubig at tissue. 

"Papunta na dito sila Jho, nagagalit na din sila kay Dean... papunta na din daw sila Bei sa bahay nyo ni Dean" kwento nya sakin pero hindi parin ako umimik

Hindi na uli ako pinilit ni Kyla na magsalita, hinayaan nya akong umiyak ng umiyak. 

Maya maya may nag doorbell

"Ayan na sila" sabi ni Kyla, tumayo sya at pumunta sa pintuan para pagbuksan sila Jho

"Anong nangyare?!!!" bungad ni Jho, mabilis silang lumapit sakin at niyakap nila ako kaya naiyak nanaman ako

"Jema anong nangyare??" nag aalalang tanong ni Ced

"Girls, hayaan na muna natin syang umiyak ng umiyak, magkukwento naman mamaya yan kapag nahimasmasan" sabi ni Ate Mela

Nakayakap lang sakin si Kyla at si Ced, si Jho at si Ate Mela naman nakatingin lang sakin. Nang mahimasmasan ako nagkwento na ako sa kanila. 

Napapaiyak parin ako habang nagkukwento sa kanila

"Eh gago pala si Dean eh! Bakit ba kasi nag amok ng away don? Nakakahiya! Birthday pa naman ng lolo ni Johnvic!" inis na sabi ni Ate Mela

"Ate Mels naman, kakasabi lang diba? Hindi nagustuhan ni Dean yung nakita nya kaya uminit yung ulo nya?? Parang hindi mo naman kilala si Dean, mainitin talaga yung ulo non" sabi ni Ced

"Oo nga! Kaso sana naman mamili naman sya ng lugar!! Pwede nya naman kausapin si Johnvic! Nakakaloka!!" sabi ni Ate Mela sabay hawak sa noo nya

"A-Aaminin kong hindi na ako kumportble nung inaakbayan ako ni Johnvic, *hik! aaminin kong nahihipuan na din nya ako nung time na yon, p-pero sana namin hindi ganon yung ginawa ni Dean" sabi ko sa kanila habang umiiyak

"Tama! Jusko po! Birthday ng lolo ni Johnvic, nakakahiya!" sabi ni Ate Mela, nakikinig lang samin si Jho

"Alam kong nakakahiya nga yung ginawa ni Dean kanina, pero sana intindihin nalang natin yung reason nya kung bakit nya ginawa yon, baka talagang hindi nya nagustuhan? Kilala natin si Dean, hangga't kaya nyang magtimpi, magtitimpi yon.." sabi ni Jho samin

"Ayan! Ayan! Sinapian ka ba ni Bei at pinagtatanggol mo yang si Dean?? Nagagalit ka kay Bei kapag kinukunsinte yang si Dean, pero ano yang ginagawa mo ngayon girl?? Kaya nagiging ganyan yung ugali non kasi kinukunsinte nyo!" inis na sabi ni Ate Mela

"Oh tama na yan, mamaya kayo naman yung mag away" saway ni Ced sa kanila

"Sya kasi!" inis na sabi ni Ate Mela

"Edi sorry, hindi na!" irap ni Jho, tumingin sakin si Jho, "Eh ano ng plano nyo??" tanong ni Jho sakin

"Hindi na muna ako babalik don sa bahay, magpalamig muna sya" sagot ko sa kanya

"Pano kapag nalaman ng parents nyo yan?" tanong ni Kyla

"B-Bahala na..." sagot ko

"Maghihiwalay na ba kayo?" tanong ni Ate Mela, hindi naman ako nakasagot

"Jema, mahal mo parin ba si Dean??" tanong ni Ced sakin, dahan dahan naman akong tumango

"Grabe, iba na yan... kung ano ano ng ginawa nya sayo haa! Pero mahal mo parin!" sabi ni Ate Mela

"Wala kang magagawa Ate Mels, mahal nya yung tao eh" sabi ni Jho

"Hmp!! Ayaw matauhan??" tanong sakin ni Ate Mela pero hindi ko sya sinagot

Eh anong magagawa ko? Kahit anong gawin ng tao mahal ko parin sya eh... Hindi ko naman ginusto 'to...

"Eh Bes, saan ka titira ngayon? Uuwi ka sa Laguna?" tanong ni Kyla sakin, tumingin ako sa kanya

"P-Pwedeng dito muna ako?" tanong ko sa kanya

"Hmmm pwede naman..." sagot nya sakin

"Thank you bes" sabi ko sa kanya

"Basta ikaw!" sabi nya pagkatapos niyakap nya uli ako

"Basta Jema sasama ka parin sa Sunday haaa" sabi ni Jho sakin

"Oo naman" sagot ko sabay punas ng sipon

"Yan! Okay lang sayo na magkita kayo ni Dean?" tanong nya sakin, tumango naman ako

"Hindi ko nalang sya papansinin" sagot ko

"Pero alam mo, feeling ko inlove na sayo si Dean... ayiiee!!" asar ni Jho sakin

"Yan! Paasahin mo si Jema, kaloka ha!" sabi ni Ate Mela, natawa naman si Ced at Kyla

"Eh totoo naman!" irap ni Jho

"Osige nga! Pano mo nasabi?" tanong ni Ate Mela sa kanya

"Kasi hindi naman yon magagalit ng ganon kung wala... kilala natin si Dean, wala syang pake kay Jema, pero nakakapagtaka lang na ganon yung reaction nya sa nakita nya" sagot ni Jho

Gusto kong maniwala kay Jho, pero ayaw kong umasa... 

"Sige, paasahin pa natin si Jema hahah!" sabi ni Kyla

"Jema wag maging marupok ha!" inis na sabi ni Ate Mela

"Kontrabida ka Ate Mela ha!" asar ni Ced kay Ate Mela

"Eh ayaw ko lang kasi na nasasaktan yang si Jema!" sabi ni Ate Mela, napangiti ako habang nagpupunas ng sipon

"Salamat sa inyo haaa" sabi ko sa kanila

Lumapit na din si Ate Mela sakin at niyakap nya ako.

Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan, dito na din natulog sila Jho, Ced at ate Mela, kinabukasan umuwi lang din sila. 

Ilang araw akong nag stay dito sa condo ni Kyla, at aaminin kong namimiss ko din si Dean. Nasanay na din kasi ako na araw araw ko syang nakikita. 

Pero dibale na, makikita ko din naman sya sa Sunday, sana pumunta parin sya... 

_______

Update uli 🫡🫡

Intindihin nyo nalang.... 🥴

Life After MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon