Part 3

946 56 1
                                    

Dean's POV

Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant, kasama namin sila yung Galanza Family. 

"Natutuwa talaga ako dahil napapayag ko silang dalawa magpakasal haha!" sabi ni daddy 

"Oo nga po sir" sabi ng daddy ni Jema kaya biglag tumaas yung kilay ko

Tsss!

"Anong sir? Balae nalang... magiging mag asawa na ang mga anak natin at magiging magbalae na tayo hahah!" sabi ni daddy pagkatapos tumingin sakin si dad, "Ikaw naman anak, daddy na din ang itawag mo kay Jesse, tapos ikaw naman Jema daddy na din sakin" sabi ni daddy

"O-Opo" nahihiyang sabi ni Jema pagkatapos tumingin sya sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay, nakita kong inirapan nya naman ako

Naku! Kailangan ko talagang maghanda kapag naging asawa ko to...

Pero sabagay, wala naman kaming pakialamanan... kaya wala akong pake sa kanya...

Uminom ako ng tubig dahil natutuyo yung lalamunan ko. 

"Bale gusto kong ganapin yung kasal nila next month" sabi ni dad

"*cough!!!" ubo ko

Nasamid ako dahil sa narinig ko kaya nagsitinginan sila sakin. 

"Oh, Dean, okay ka lang ba?" nag aalalang tanong sakin ni daddy

"Y-Yes dad! I'm o-okay..." sagot ko sa kanya

Bakit naman kasi agad agad?? Next month agad?? Ang OA naman!

"So ayon na nga, kailangan ayusin kaagad yung kasal" sabi ni daddy samin

"Saan po ba ikakasal si Jema at si Dean?" tanong ng daddy ni Jema

Sa tindahan po.... char! Syempre sa simbahan!

"Gusto ko sa Tagaytay sila ikakasal" sagot ni daddy, napangiwi ako

Hala si dad, paladesisyon, ano? Ikaw ikakasal?

"Mas maganda nga po, ang alam ko may magandang simbahan doon yung Our Lady of Lourdes Parish Church" sabi ng mommy ni Jema

"Pwede! Eh kung sa Pink Sisters Convent & Chapel??" tanong din ni mommy

"Pwede din dun..." sagot naman ng daddy ni Jema, "Pero ang alam ko maganda din sa Madre de Dios" sabi ng daddy ni Jema

"Chapel on the Hill kaya?" tanong din ni daddy

Eh kung kayo nalang kaya yung ikasal?? Paladesisyon kayo eh...

"Dad, mom, bakit hindi sila Kuya yung itanong nyo? hahaha sila ang ikakasal" sabi ni Joseph

"Kaya nga, parang mas excited pa kayo kesa sa ikakasal eh" sang ayon ni Ate Cy

"Ahahaha! Oo nga! Yung dalawang ikakasal ang tahimik lang" sabi naman ni Ate Nics

"Oo nga no, saan nyo ba gustong ikasal anak?" tanong sakin ni daddy

"Kahit saan dad, basta si Jema yung pakakasalan ko" sagot ko pagkatapos sumulyap ako kay Jema, nakita kong namula yung pisngi nya

Tsss! Kinikilig...

"Hahahahahha! Ang sweet talaga ng anak ko no?" tanong ni daddy sa parents ni Jema

"Hahaha oo nga eh" sabi ng daddy ni Jema

Hay naku!

"Dean, Jema, yung mga requirements nyo ayusin nyo na ha.." sabi ni daddy samin

Life After MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon