Dean's POV
Saturday...
Papunta kami ngayon sa Batangas. Naiinis ako dahil kasama si Jema at katabi ko pa!
"Guys, thank you talaga at sumama kayo ha!" sabi ni Tots samin, "Ito na yata yung pinakamasayang birthday ko ngayon kasi kumpleto tayo!" dagdag nya pa, napangisi naman ako
"Hahahah! Biruin mo? Kasama si Dean at Jema? Hahah! Ngayon lang to nangyare!" sabi naman ni Bei
Tss! Hindi mo naman kasi sinabi na kasama pala tong babaeng to!
"Malamang mag asawa na sila ngayon, dapat lang na kung kasama si Jema dapat kasama din si Dean" sabi ni Ced
"Ced, correction! Mag asawa lang kami sa papel!" sabi ni Jema kaya napangiwi ako
"Hahahah! Ay oo nga pala!" sabi ni Ced
Tumingin sakin si Bei.
"Dean! Kapag nakita mo si Jema na naka two piece baka maglaway ka ha?!" sabi ni Bei sakin
"Asa! Hindi naman sexy yan!" sabi ko habang nakangiwi
"Yabang!" rinig kong bulong ni Jema
"Hahahah! Naku Dean, alam mo bang kapag nagsu-swimming kami sya lagi yung pinagtitinginan ng mga lalaki?" tanong sakin ni Tots
"Aba malay ko! Bat ako tatanungin mo? Basta ang alam ko hindi sya sexy!" pagmamatigas ko
"Hahah! Wokkeeyyy!! Sabi mo eh!" sabi ni Tots
"Matutulog muna ako! Gisingin nyo nalang ako kapag nandon na tayo!" sabi ko sa kanila pagkatapos pumikit na ako
Ilang oras pa ang nakalipas nakarating na kami sa resort.
"Ganda!" sabi ni Mela
"Girls, parang gusto ko ng mag swimming!" sabi ni Ced
"Ayusin na muna natin yung mga gamit natin sa kanya kanya nating room" sabi ni Bei, lumapit sya sakin inabot sakin yung susi, "Oh, iisa lang yung room nyo ni Jema, tutal mag asawa na kayo! Hahah!" sabi nya sakin, kunot noo akong tumingin sa kanya
"Bro naman! Gusto ko ako lang mag isa!" sabi ko sa kanya
"Sorry Dean, pero wala ng available room! Mabuti sana kung hindi kasama ni Kyla yung boyfriend nya, pwede sana silang roommate ni Jema, kaso wala eh, kasama nya eh" sabi ni Bei
Dahil wala na akong nagawa inis kong kinuha yung susi pagkatapos naglakad na ako papunt sa room namin, napansin kong nakasunod sakin si Jema kaya tiningnan ko sya ng masama pero inirapan nya lang ako.
Nang malarating kami sa room namin iginala ko yung paningin ko.
Mabuti naman at may sofa, dito nalang ako matutulog, ayaw ko ng tumabi sa babaeng to!
Inilapag ko sa gilid yung maleta ko pagkatapos lumabas na ako ng room namin, sinuot ko din yung sunglass ko para naman unli titig sa mga girls, heheh!
Paglabas ko ng hotel nakita ko si Bei, Tots, Kaye at Angel, yung boyfriend ni Kyla
Tumabi ako kay Bei habang nakangiti
"Ang daming chicks Bro! Tara, pakilala tayo!" aya ko sa kanila
"Hahahah! Dean, wag mo nga akong idamay dyan sa kalandian mo! Baka mamaya mag away lang kami ni Jho" sabi ni Bei
"Kaya nga, kung gusto mo ikaw nalang, hinihintay namin dito yung mga girlfriend namin eh" sabi ni Kaye
Ang k-KJ naman!