Part 5

1.1K 69 5
                                        

Jema's POV

Nang maihatid ako ni Johnvic sa tapat ng bahay namin agad syang umalis.

Tumingin ako sa bahay namin at nakita kong may ilaw na sa kwarto ni Dean

Himala, ang aga ha!

At dahil may susi naman ako ng gate namin hindi na ako kumatok. Kinuha ko yung susi sa bag ko pagkatapos binuksan ko yung gate, pero nung itinulak ko na yung pinto napakunot noo ako dahil hindi nabubuksan.

"Bakit??!" bulong ko sa sarili ko

Kinalabog ko yung gate para marinig ni Dean kaso hindi sya lumalabas

Shit! Alam ko na!

"Deeaaannn!!! Buksan mo yung gate!!" sigaw ko kaso hindi sya lumalabas

P*t*k!!! Nakakainis ha!!

"Deaaannn ano ba??!!! Buksan mo sabi eh!!" sigaw ko uli

Hindi ko itinigil yung pagkatok ko, wala din akong pake kung naingayan yung mga kapitbahay namin.

"Deenann!! Buksan mo sabi eh!! Ano ba?!" sigaw ko habang kinakalabog yung gate

Maya maya lumabas sya sa balcony nya habang nakangiti

"Ano??!" tanong nya sakin

"Buksan mo yung gate!!" galit na sigaw ko sa kanya

"Hindi kita marinig! Ano yon??!" tanong nya sakin habang natatawa

Dahil sa inis ko nagpapadyak ako habang nakatingin sa kanya

"Buksan mo na kasi! Gusto ko ng magpahinga! Ano ba?!" sigaw ko uli pero alam kong hindi nya narinig yung sinabi ko dahil nakaheadset sya

Talagang sinadya nyang mag headset!

"Hindi talaga kita marinig eh!" sabi nya sakin pagkatapos nakita kong sumayaw sya habang naglakakad papasok ng kwarto nya kaya mas lalo akong nainis

"Buwisit ka Dean Wong!!" sigaw ko

Iginala ko yung paningin ko sa paligid ng bahay namin at napansin kong medyo mababa naman yung bakod kaya alam kong kaya kong akyatin yon

Naglakad ako palapit sa bakod pagkatapos inihagis ko sa loob yung bag ko, pagkatapos kong maihagis yung bag ko agad akong umakyat sa bakod

"Yari ka talaga sakin Dean Wong! May araw ka din sakin!!" bulong ko sa sarili ko habang umaakyat sa bakod

Nang makatawid ako sa bakod naglakad na ako palapit sa main door kaso nakaramdam nanaman ako ng inis dahil naka lock nanaman iyon.

Buwisit naman!! Dinagdagan ng lock!!

Bigla kong naalala yung pinto sa likod ng bahay namin kaya kahit madilim naglakad ako papunta doon.

Pagdating ko sa ko sa likod ng bahay hinawakan ko yung door knob at napangiti ako dahil bukas iyon.

Hahahah! mabuti nalang at hindi nya naalala itong pinto dito! Heheh..

Derederetso akong naglakad papunta sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko nagpahinga muna ako, pinalipas ko yung inis na nararamdaman ko

Maya maya ginawa ko na yung night routine ko.

After 30 mins. natapos na din ako kaya naman umupo ako sa kama ko. Habang nagsusuklay ako nag iisip ako kung paano ko magagantihan si Dean.

Paano ko ba sya magagantihan?? Hindi naman pwede na ako lang yung kawawain nya dito, sumosobra na sya!

Life After MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon