Dean's POV
"WHAT??!!!" parehas naming sigaw ng babaeng katabi ko
"AKO? MAGPAPAKASAL SA BABAENG TO?? NO WAY! IT'S A BIG BIG NO DAD!" pasigaw na sabi ko, halos magdikit na din yung dalawang kilay ko dahil sa inis
"AT MAS LALONG AYAW KO DIN SAYO NO?! ANG YABANG NITO! KALA MO ANG GWAPO!!" sigaw nya sakin, inis akong tumingin sa kanya
"BAKIT? GWAPO NAMAN TALAGA AKO HA! DIBA NGA AKO YUNG HEARTTHROB SA SCHOOL NATIN DATI??! AT KUNG HINDI AKO NAGKAKAMALI MAY GUSTO KA DIN SAKIN DIBA?? TAMA DIBA?!" asar ko sa kanya, tiningnan nya ako ng masama
"HOY! DATI YON! PERO NGAYON HINDI NA! LALAKING MAKATI!!" inis na sigaw nya sakin
Tumingin ako sa daddy ko.
"Dad, please naman oh! kung parusa lang din naman yung ibibigay nyo sakin bakit ito pa? Ang pangit nito eh!! Bakit??!" tanong ko kay daddy habang nakaturo sa babaeng katabi ko
"Grabe sya oh! Edi sya na yung gwapo! Kapal talaga!" rinig kong bulong nya
Huminga ng malalim si daddy, napahawak na din sya sa noo nya.
"Anak, siya yung gusto kong mapangasawa mo, okay?? Sa ayaw at sa gusto mo sya ang pakakasalan mo!" sabi nya sakin
"Pero dad--"
"Kung hindi lang din sya yung pakakasalan mo wala kang mana na makukuha mula sakin, ibibigay ko ang lahat ng mamanahin mo kay Dean Joseph!" nanlaki yung mata ko dahil sa sinabi nya
Parusa to!!
"Dad!" sigaw ko sa kanya
"Wag mo akong sisigawan!" sigaw nya din sakin
Kung hindi ko makukuha yung mana ko maghihirap ako, wala akong alam gawin kundi ang gumimik at mambabae...
"A-Ah Sir, ganito po k-kasi, ayaw ko din hong pakasalan itong anak nyong babaero, gusto ko po ng normal life!" sabi ng babae na nasa tabi ko habang nakangiwi
"Pero ija, diba marami kayong utang samin? Kahit maganda na yung trabaho mo hindi nyo parin mabayaran... kaya ito nalang yung naiisip kong paraan para makabayad kayo ng utang nyo samin, eh kasi naman ikaw talaga yung gusto ko para kay Dean..." sagot ni daddy sa kanya kaya napakamot ako sa ulo ko
Jusko po! Tulungan mo po ako! Ayaw kong matali sa babaeng to, kilala ko bawat sulok ng lamang loob nito eh! Dragona to eh! Pangit na nga, dragona pa!
No way talaga!!
"Nakausap ko na din yung daddy mo at pumayag sya" dagdag pa ni daddy pagkatapos tumingin sya sakin
"At ikaw naman Dean Wong, magpapakasal ka sa kanya... maliwanag? Kung hindi wala kang mana..." sabi ni dad sakin kaya napayuko ako, napapadyak ako ng paa
Nakakainis naman eh!
"Makakaalis na kayo, sa Sunday may family dinner tayo para mapag usapan natin yung kasal nyo" sabi ni dad pagkatapos tumayo na sya at naglakad paakyat ng kwarto nya
Nakagat ko yung labi ko pagkatapos tumingin ako sa babaeng nasa tabi ko, tiningnan ko lang sya ng masama pagkatapos mabilis akong naglakad palabas
"Hoy!!" tawag nya sakin
Bahala ka dyan!
"Dean! Ano ba? Hintayin mo ako!" inis na sabi nya sakin
Huminto ako sa paglalakad pagkatapos humarap ako sa kanya.
"Jema, hindi ako magpapakasal sayo! Okay?! Gumawa ka ng paraan para mabayaran nyo yung utang nyo samin!" galit na sabi ko pagkatapos mabilis akong sumakay ng sasakyan, nang makasakay ako ng sasakyan pinaharurot ko iyon.