Jema's POV
Hapon na ng magising ako.
Nakatulog pala ako dito sa sofa.
Wait, nandito na ba si Dean??
Maya maya nakita ko si Dean na naglalakad at may dalang coffee.
Himala, hindi ba sya umalis?? Akala ko umalis sya?
Huminto sya sa harap ko pagkatapos uminom sya ng coffee, nang makainom sya tumingin uli sya sakin.
"Hahah! Ngayon ko lang nalaman, ang ganda mo pala?!" sabi nya sakin habang nakangisi
Inirapan ko sya.
"Matagal na!!" pagsusungit ko sa kanya
"Kamukha mo si pikachu! hahah!" asar nya sakin
"Alam mo kung wala kang magandang sasabihin umalis ka sa harap ko!" inis na sabi ko sa kanya, "Kakagising ko lang eh!" dagdag ko pa
"Meron akong magandang sasabihin" sabi nya sakin
"Ano nanaman?!" kunot noong tanong ko sa kanya
"Ang gwapo ko!" sagot nya pagkatapos tinaas baba nya yung kilay nya habang nakangiti, naparoll eyes ako
"Epal! Alis nga dyan! Masamang magbiro sa bagong gising!" sabi ko sa kanya
Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto ko, pero bago ako makapasok sa kwarto ko narinig kong natawa sya.
"Hahahhahah!!" tawa nya
"Demonyo talaga!" bulong ko sa sarili ko
Pagpasok ko sa kwarto ko agad akong dumeretso sa CR para naghilamos kaso pagtingin ko sa salamin mas lalong kumunot yung noo ko, napapikit ako dahil sa inis.
"DEEEAAAAANNN WWWOOOOONNNG!!! BUWISIT KA TALAGA!!" inis na sigaw ko
Buwisit!! Gawin ba namang papel yung mukha ko?!
Merong dalawang bilog yung pisngi ko tapos may bakasulat na ugly sa noo ko, nilagyan nya din ako ng mustache at beard!
Permanent marker pa ang ginamit ha!!
Pilit kong inalis yung nakasulat sa mukha ko.
Ilang minuto din yung itinagal ko sa CR para lang tanggalin yung mga drawing at sulat.
Nang matanggal ko na yung sulat at drawing sa mukha ko lumabas ako ng kwarto ko at bumaba sa sala. Nakita ko si Dean na nakaupo sa sofa at may binabasa, nang maramdaman nya ako napatingin sya sakin at ngumisi
"Hahah! Natanggal mo na pala? Sayang bagay pa naman sayo yon..." sabi nya sakin, inis akong tumingin sa kanya pagkatapos tinaasan ko sya ng kilay
"Oo tinanggal ko, ang sagwa kasi eh, akala ko kinder yung nagsulat, ang pangit kasi!" asar ko sa kanya pero nginisihan nya lang ako kay ako yung mas nainis
"Aakyat na ako sa kwarto ko, may pangit kasi dito!" asar nya sakin habang nakangisi pagkatapos tumayo na sya at naglakad
"Dean, sino kaya yung nakita ko sa tapat ng pinto mo ngayon lang? Babaeng nakaputi at mahaba yung buhok" pananakot ko sa kanya, lumingon sya sakin at nakakunot na yung noo nya
"W-What??" tanong nya sakin, napa crossed arm ako.
"Kako kanina may nakita akong babae na nakatayo sa tapat ng pinto mo, babaeng naka white at mahaba ang buhok" sabi ko uli sa kanya, nakita kong napalunok sya
"T-Tinatakot mo ba ako??" tanong nya sakin
"Hala! Nagtatanong lang naman ako, baka kasi may inuwi kang babae dito eh" pananakot ko uli sa kanya, "Ahh alam ko na, baka pumasok yun sa kwarto mo" dagdag ko pa
![](https://img.wattpad.com/cover/342182607-288-k894287.jpg)