Filoah Anne Romero
-past-I met Ivory Kyson Mortimeroz. Unexpectedly, he becomes my boyfriend.
And that was the happiest thing that happened in my simple life.
My life is just good, but it became better when I met him.
But I actually met him at an event that Miss Elani's team managed, and I was one of the event organizers that day.
"Huy, Filoah! Nakikita mo 'yon?!" Napatingin ako kay Shynna nang bigla itong may nginunguso.
Sinundan ko yung tinitignan niya at nakita yung lalaking naka salamin at tahimik kasama ang ilang kalalakihan, marami roon ay matatanda na kaya nag-stand out siya sa group kahit na tahimik at seryoso lang siya.
Bumalik ang tingin ko kay Shynna. "Why?" I curiously asked.
"Grabe 'to si idol! May once in a blue moon na mala-Adonis na kaguwapuhan na ang nagpakita tapos binabakit lang?" sarkastiko niyang sabi na tinawanan naman ni Henry na isa pa naming kasama.
"Alam mo naman na sa trabaho lang umiikot buhay niyan ni Filoah," sabat naman ni Henry.
Tinarayan siya ni Shynna. "Walang traba-trabaho rito, tutulungan nating lumandi ang gagang 'to," pakikipag-argumento naman ni Shynna kay Henry na para bang wala ako sa harapan nila.
"Dinadamay mo pa sa kalandian mo itong kaibigan natin," sagot naman ulit ni Henry.
Napabuntong hininga na lang ako nang magsimula silang magsagutan tungkol sa buhay ko. Support si Henry sa lahat ng ginagawa ko, pati na rin si Shynna, pero para kay Shynna ay mas may isasaya pa raw ang buhay ko kung may lovelife o kalandian man lang.
Palihim akong napatingin doon sa lalaking itinuturo ni Shynna. Mali naman si Shynna na puro ako trabaho. Well, parang gano'n na nga, pero wala lang naman akong lovelife dahil walang lalaking matino akong nakikilala. I secretly tried na makipag-usap sa iba, pero habang tumatagal na kausap ko sila ay may mga off akong nararamdaman, and I trust my instinct, so I leave them be.
Hindi ko napansin na napahaba pala ang paninitig ko sa lalaki na nagbigay ng magandang impression sa akin pagdating sa itsura nito at kung paano niya dalhin ang sarili na kahit mukha siyang seryoso sa buhay.
Pero halos mapaigtad ako nang biglang magtama ang mga mata namin.
His eyes pierced through me like he knew that I was thinking about him.
Agad kong pinunta ang tingin kina Shynna at Henry na kanina pa pala tahimik at malisyosong tumitingin sa akin. Pinunta rin nilang dalawa ang tingin sa lalaki kaya pinandilatan ko sila ng mata.
"Hoy, huwag kayong magpahalata! Baka mamaya sabihin niyan na papansin tayo," bulong ko sa kanila pero agad nila akong tinawanan.
"Bet mo 'no?" pang-aasar na rin ni Henry sa akin.
Tumaas ang isang kilay ko dahil nang-aasar pa rin ang tingin nila sa akin. "Anong bet? Ni hindi ko nga kilala 'yon o kung saang lupalop nagmula 'yan."
"Sus, tatanggi ka pa, Filoah. Ang mahalaga rito ay pogi at yummy," natatawang sabi ni Shynna at nakipag-apiran pa kay Henry na sinasabayan na ang kalokohan niya.
Hindi ko na lang sila pinansin. Tumigil din naman sila at pinagdiskitahan na yung libreng mga pagkain para sa aming mga organizers na tumulong sa event na 'to.
Sinubukan ko ulit tignan ang lalaki pero nagulat ako nang nakatingin pa rin siya sa gawi ko. Nakakunot na ang noo nito nang makumpirma niya na tinitignan ko siya.
May mga bagong ilang kalalakihan na nasa tabi niya. Mga maitsura at mukhang mayayaman din ito katulad niya, pero kinuha na ng lalaking nakasalamin ang atensyon ko.
BINABASA MO ANG
THE CROWDED MARRIAGE
Ficción GeneralILL-FATED SERIES #2: Ivory Kyson Mortimeroz (ONGOING) Ivory Kyson Mortimeroz has been deprived of love since he was a kid, so when the two women came into his life, he didn't know who he really loved, but all he knew was that the two women became im...