Chapter 24

4.6K 53 57
                                    

Filoah Anne Romero
-present-

"Do you want to hear something interesting, Filoah?" seryosong turan ni Theo.

Napahinto ako sa pagtingin sa screen ng phone niya at napaangat ang tingin sa kaniya.

I suddenly forgot what he just confessed because of what I just saw right now.

"You said that the one you liked was Maeve?" I asked to confirm.

Humarap ng upo sa akin si Theo. Tumango siya.

"But do you want to hear what I say?"

It made me curious, so I slowly nodded my head.

"Do you want me to help get you back with your ex-boyfriend?" Seryoso pa rin si Theo. "Or since I also want to benefit from this, do you want to help me with Maeve?" dagdag niya pa.

His statement is so overwhelming that I'm afraid to even open my mouth to speak. Natahimik siya nang sinabi niya 'yon, habang ako naman ay tumitig ng matagal sa kaniya.

Walang nagsasalita sa amin. Nakatitig lang ako sa kaniya na parang binabasa ko siya... pero ang totoo ay iniisip ko ang mga salitang babanggitin ko na hindi makakasama sa akin, na hindi makakasama sa mag-asawang walang kaalam-alam sa pag-uusap na ito, at para kay Theo na maiintindihan ang side ko.

Pero napansin ko ang unti-unting pagkailang ni Theo sa titig ko, kaya umiwas siya ng tingin.

"Y-You are too serious," he murmured anxiously.

Huminga muna ako ng malalim.

"Pagod na ako, Theo. Ayoko na. Ayoko na ma-involve pa sa kaniya," iyon ang unang sinabi ko. Direct to the point kahit wala pa yung mahabang explanation ko, na alam kong maiintindihan niya.

"Pero alam mong nasa force marriage lang sila. How can you see them both suffering in the marriage they didn't want?" pagdadahilan pa ni Theo.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

Napahinto si Theo, pero mabilis siyang nakabawi. "Parehong tanyag ang mga pangalan ng mga Valenica at Mortimeroz sa business industry. It's obvious. Saka isa pa, Maeve didn't have a connection with Ivory before their engagement... at ikaw naman, nasabi mong nasa limang taon kayong relasyon ni Ivory. Hindi tatagal si Ivory sa relasyon niyo na hindi ka niya mahal."

Napaiwas ako ng tingin sa huli niyang sinabi. It gave me a little hope, but I knew better, as the woman who was with Ivory for five years.

Saka hindi naman ako nakipaghiwalay dahil ikakasal na si Ivory, nakipaghiwalay ako dahil alam kong maikli na lang ang buhay na mayroon ako. Ayokong matali sa akin si Ivory, alam kong mahaba pa ang buhay niya... marami pa siyang makikilala at mapagdadanan.

At ang kaalaman na na-realize ko lang din... alam kong may gusto o mahal na ni Maeve ang sariling asawa kahit nasa arrange marriage lang sila.

I know a woman's eyes when they're in love.

"I'm sorry, Theo. May plano na ako sa buhay ko na hindi na kasama si Ivory."

Napaiwas si Theo ng tingin sa mga salitang narinig sa akin. Alam kong alam na niya na iyon na ang pinaka-desisyon ko. Sana ay hindi niya na ako pilitin.

"I should be the one apologizing, so I'm sorry. I know I went overboard again. I'm just offering. Okay, hindi na kita pipilitin."

Nakatingin pa rin ako kay Theo. He really looked serious about Maeve.

"Just a piece of advice, Theo..." saad ko sa kalkuladong boses.

"Hmm?"

"Don't push yourself too much. Nasabi mo na college mo nagustuhan si Maeve at iyon ang huli niyong pagkikita, hindi ba? I advise you to just move forward. You might get hurt if you get attached deeply."

THE CROWDED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon