Chapter 22

3K 57 34
                                    

Filoah Anne Romero
-present-

Tomorrow never excites me anymore.

Siguro noon nang kami pa ni Ivory. Yung pakiramdam na palagi kong ni-lo-look forward yung bukas dahil alam kong kasama ko na yung taong akala ko makakasama ko na buong buhay ko.

Pero ngayon? Ngayon bigla na lang nagbago ang lahat at dumadagdag pa ang sakit ko... kaya dumating na ako sa puntong hindi ko na hinihintay pa ang bukas.

Parang anytime, ayos na sa akin na mawala na lang sa mundo. Kaya naman sa tuwing gigising pa rin ako sa umaga, parang pakiramdam ko ay kailangan ko na lang ma-survive ang buong araw.

I'm not suicidal, but I'm just tired of my life. I'm afraid of death but at the same time, I welcome it.

But I know to myself, na sa huli ay kailangan ko pa ring ayusin ang sarili at buhay ko.

Hindi palaging ganito.

Hindi dapat sa lalaki iikot ang mundo ko.

Hindi sa pag-ibig titigil ang lahat.

I'm still alive and breathing. Hindi porket may sakit ako ay patay na ako. I shouldn't think of it that way... I've been fighting my whole life. I've been surviving my whole life. Nakaya ko nang walang pamilya, na walang mga magulang, na wala pang Ivory noon... kaya sa natitirang buwan o taon man ng buhay ko, I want to be happy without anyone again.

I wanted to be genuinely happy without depending on anyone but myself.

My heart was broken, and I opened my laptop and typed to my heart's content.

Malapit ko ng matapos yung librong sinusulat ko at nagsulat lang ako nang nagsulat na hindi ko pinapansin ang lahat ng mali sa gawa ko. I can edit it later.

And at the end of the book, I wrote something that my heart's been whispering to me.

"I wanted love, but I'm afraid of it at the same time. It's so powerful that it made me whole, so when that love died, it also destroyed and died inside of me.

I wanted love, but I wouldn't want to feel the pain of a dying love ever again.

So I'm accepting it now. The kind of love that is perfect for a lifetime is not for everyone. And I'm unlucky because I'm one of those not for everyone."

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko habang natatawa sa sarili.

"Grabe, hindi ko namalayang naluha na pala ako," banggit ko sa aking sarili habang umuunat at nakatingin sa screen ng laptop. 

Napangiti ako. "Sigurado akong may iilang readers na naman ako nito na mag re-reklamo dahil masasaktan ko na naman sila," dagdag ko pa.

Mas lalo akong napangiti nang maalala si Theo. Reader nga rin ko nga rin pala 'yon bilang PillowAnn. Ano kaya magiging reaction ng lalaking 'yon? For sure i-ba-bash niya rin ang ending, nasabi niya na sa akin na ayaw niya ng sad ending e... pero namatay yung isang main lead sa story na tinapos ko.

I actually don't want a sad ending... kapag nagbabasa rin ako ay nasasaktan ako kapag hindi maganda yung ending between the leads. Naiinis din ako sa kinalabasan ng story.

But there was just something about sad endings that always pulled me.

There was just beauty in the sadness that I always wanted to feel in fiction because I didn't want to feel it in real life.

I also want the sad endings in the stories I write or read to make me forget the pain I'm feeling in reality.

Napahinga na lang ako ng malalim, masyado akong na attach sa story na sinusulat ko. Kailangan ko munang i-distract ang sarili ko bago mag-edit.

THE CROWDED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon