Filoah Anne Romero
-present-Whenever Ivory genuinely smiles, his eyes always smile with his lips. It's like his eyes form a crescent every time he's smiling.
I have one piece of proof that Ivory can still smile genuinely. I have a photo of us where he was smiling and his eyes were forming like a crescent moon.
I was holding the photo in my hands. Then my eyes went to the fire that I made in a metal drum. I've already fired some of the things that will remind me of Ivory.
Lumuluha ako habang labag sa loob na sinusunog ko yung iba.
Ayoko ng pagpantasyahan pa at maalala si Ivory sa mga bagay na nakikita ko sa apartment ko dahil may asawa na siya. Kahit sa isipan ay ayokong pagpantasyahan ang ala-ala ko na kasama si Ivory.
Pero itong litrato naming dalawa na pareho kaming masaya... hindi ko 'yon mabitawan sa aking kamay.
Nakunan yung litrato namin nang kaarawan ni Ivory. August 29. Malapit-lapit na ulit yung kaarawan niya... at ito na yung unang kaarawan niya na hindi kami magkasama. Limang taon din kaming nagsama... at naninibago pa rin ako.
The photo of us is worth more than any money or jewelry... it's a treasure.
I decided to keep the photo along with the bracelet that Ivory gifted to me.
Binalik ko yung photo naming dalawa ni Ivory at yung bracelet sa box na lagayan nito. Nang maitabi yung box ay pinanood kong matupok ng apoy ang mga gamit ni Ivory na nasa akin at yung mga binigay niya sa akin.
Siguro mukhang tanga ako sa pinaggagawa ko... pero ito yung way ko para mag-move on. Hangga't nandiyan pa rin kasi yung mga gamit na konektado si Ivory, pakiramdam ko hinding-hindi na ako makakabangon pa sa relasyon namin noon.
Habang nilalamon ng apoy ang mga bagay na naging importante sa akin ay parang unti-unti ring sinusunog nito ang puso ko.
Pinunasan ko na lamang ang luha kong tumutulo.
My hand went to my chest, where my heart is. I need to calm myself. I shouldn't feel too much emotion. I gently tap my chest like I'm calming a kid.
"Makakaya mo 'to," bulong ko sa aking puso. "Makakaya natin 'to."
Nang mawala yung apoy sa metal drum ay kinuha ko yung box... binalik ko ito sa aking kuwarto. Lumabas muli ako dala-dala yung garbage bag para ayusin na ang mga kalat.
Napatingin ako sa madilim na kalangitan. Inayos ko yung jacket na suot dahil malamig na rin ang panahon.
Nilinis ko ang mga naging kalat. Yung mga natupok ng apoy na mga gamit na sinunod ko sa paglagay rin sa garage bag nang alam kong hindi na 'yon mainit. Pati yung ibang kalat sa labas ng apartment ko ay winalis ko na rin.
Itatapon ko sa kabilang iskinita yung basura na nalikom ko buong araw. Ni-lock ko muna yung apartment saka lumabas. Nang maitapon ko 'yon ay napagpasyahan kong maglakad-lakad muna sa kalsada.
Sapat ang liwanag sa street lights para hindi matakot sa paglalakad... saka safe naman kahit papaano sa lugar namin.
Hinigpitan ko ang pagkakabalot ng jacket sa katawan ko saka niyakap ang sarili habang naglalakad.
"Theo?" bulong ko nang may makita akong pamilyar na pigura.
May dala-dala ang lalaki na malaking garbage bag. Mukhang naaninag niya rin ako nang tuluyan kaming maglapit.
"Filoah?" tanong niya nang makilala ako.
Agad na napangiti ako. "Ikaw nga. Why are you here?" tanong ko kaagad habang napatingin sa paligid dahil ang unsual na nandito siya sa area ko.
BINABASA MO ANG
THE CROWDED MARRIAGE
Narrativa generaleILL-FATED SERIES #2: Ivory Kyson Mortimeroz (ONGOING) Ivory Kyson Mortimeroz has been deprived of love since he was a kid, so when the two women came into his life, he didn't know who he really loved, but all he knew was that the two women became im...