Filoah Anne Romero
-present-
I hope it's not my heart that's sick right now... I hope it's just my brain so I can forget the past so that I can forget about him and us.
I'm here now at the hospital... it's because my heart is sick again.
"Sinabi ng iwas-iwasan mo ng titigan yung social media e," biglang sabi ni Henry na hinablot ang phone sa kamay ko. Nakabalik na kami sa apartment ko at ngayon ay sinusuway nila ako.
"Sinabi mong bibisitahin mo lang mga readers mo, pero pumunta ka na naman sa social media ng ex mo at asawa niya," dugtong ni Shynna na umiiling-iling pa.
Unti-unting tumulo ang luha ko kahit na pinipilit kong maging matatag.
Mabilis na lumapit ang dalawa kong kaibigan sakin na nag-aalala.
"Hey... we're sorry. HIndi ka namin dapat pinapagalitan," mahinahong saad ni Henry na hinahaplos na ang buhok ko.
"He's madly in love with her. May panghihinayang pa rin pero pero masaya ako. Masaya ako na nasaksihan kong masaya siya," umiiyak na sabi ko.
Siguro thankful ako na buhay pa rin ako dahil nasaksihan ko kung paano siya ma-inlove, kung paano siya totoong sumaya... kahit na sa iba pa.
I'm happy that I couldn't help but cry silently with a smile on my face.
Nagtatakang nagtitigan sina Shynna at Henry.
"Pa-double check kaya natin kung puso ba talaga ang may sakit o yung utak niya?" biglang sabi ni Henry.
I wiped my tears away and made sure that I had a normal expression like I used to.
"Ano ba kayo. Maayos lang ako... siguro sobrang emotional na ako these days dahil alam niyo na... I'm so close to death." Nagkibit-balikat pa ako na parang wala lang 'yon sa akin.
Masama kaagad akong tinignan nang dalawa.
"Hindi kami papayag," agad na pag de-deny ni Shynna sa katotohanan.
"Gagaling ka, okay? So remove remove those kinds of thoughts. Magtatampo talaga kami ng malala sayo kapag iniwan mo na naman kami." Masiyahin si Henry, pero ngayon ay kitang-kita ko ang pag-aalala at ang lungkot sa mga mata niya... kahit pa na alam kong tinatatagan din nila ang mga sarili nila kapag kinakausap nila ako.
I smiled at them. "I might accept the truth, but I'll fight. Gagawin ko ang lahat para gumaling... kahit 1% pa 'yan, ilalaban ko pa rin," I assured.
Napangiti ako nang niyakap ulit nila akong dalawa.
"Ang clingy niyo na, ah? Ano kayo jowa ko?" pagbibiro ko para gumaan-gaan naman kahit papaano yung atmospehere... ako na lang kasi palagi nag ca-cause kung bakit ang bigat-bigat palagi ng aura kapag magkakasama kaming tatlo.
"Alam naman naming tatanda ka ng dalaga, kaya kami na lang jowa mo. Aalagaan ka namin kahit pumuti na buhok nating tatlo," sabi ni Henry na pabiro... pero alam ko na may halong katotohanan.
Pagak akong tumawa. "Kahit uugod-ugod na tayong tatlo?" pakikisakay ko.
Tahimik lang si Shynna habang nakaakap sa isa kong braso. "Naiiyak ako bigla..." turan niya habang pinapahid yung pisngi niya.
"Gaga ka tapos ang soft hearted mo," pagbibiro ni Henry.
"Eh? Bakit umiiyak ka rin?" turo ko kay Henry na may luha-luha na sa pisngi.
"Itong gaga kasi umiiyak e, naiiyak na rin ako," tinuro rin ni Henry si Shynna. Maarteng pinapaypayan ni Henry yung mga mata niya na parang titigil 'yon sa paglabas ng luha.
BINABASA MO ANG
THE CROWDED MARRIAGE
General FictionILL-FATED SERIES #2: Ivory Kyson Mortimeroz (ONGOING) Ivory Kyson Mortimeroz has been deprived of love since he was a kid, so when the two women came into his life, he didn't know who he really loved, but all he knew was that the two women became im...
