Chapter 8

4.1K 45 15
                                        

Filoah Anne Romero
-past-

It only took me a short period to fall for Ivory. So hard.

At first, I just admitted to myself that I liked him... but as the days go by, I'm carelessly falling in love with a man who is so hard to reach.

I just took the risk when we admitted that we enjoy each other's company. Pareho kami ni Ivory na hindi nagpapatumpik-tumpik pa... kaya naman nang niligawan niya ako ng isang buwan, sinagot ko rin kaagad siya.

If along the way I get turned off or something, I'll just end it... but it turns out differently. I'm falling deeply in love as our days as a couple go on.

"Hoy! Anong balita doon sa chupapi mo?"

I halted in my place when I heard Shynna's voice.

"Chupapi? Sino?" maang-maangan ko.

"Tangina mo, 'te! Huwag ka na pa-inosente. Yung Ivory! Diba tapos na yung birthday event niya? Oh? Anong ganap niyo?"

Kahit si Henry na katabi ko ay nakatitig sa akin at nag-aabang.

Actually, wala na silang balita tungkol sa amin ni Ivory. Ang alam lang nila noon ay naka-follow kami sa isa't isa at nag-usap patungkol sa event, maliban doon ay wala na. Hindi sila nakasama sa team ko sa pag-ayos ng event para Ivory dahil busy din sila at may ibang client at sa iba pa nilang trabaho... kaya ngayon na lang ulit sila nakikibalita.

"Wala..." sagot ko sa kanila.

Parehong bumagsak ang parehong mga balikat nila dahil sa sinabi ko.

"Bakit wala? Walang naging progress nung nagkikita kayo for event planning?" singit naman ni Henry.

Umiling-iling ako. "We keep it professional. Saka sobrang yaman no'n, out of reach."

I don't want to lie to my friends... but Ivory and I agreed to keep our relationship together. Kaya walang nakaalam na kami na.

"Pero sabagay. Kahit gaga type of friend naman ako, ayoko namang nasasaktan itong friend natin. Kung i-pu-push pa ni Filoah 'yang si yaman boy, baka siya lang din ang masaktan sa huli. May mga ilang nagkakatuluyan na langit at lupa peg na lovelife, pero mostly sa movie o story mo lang 'yan makikita... but in real life? Sila-sila ring mayayaman ang nagkakagustuhan," biglang sabi ni Shynna saka inakbayan ako.

Para akong sinampal sa mga sinabi niya.

"Tama-tama," pag sang-ayon ni Henry na umakbay din sa akin. Dalawa na sila ngayon.

This is the reason why I don't want to tell them. Para kung masasaktan man ako sa pag-risk ko sa relasyon ni Ivory... ako lang yung masasaktan. Walang expectation galing sa iba.

Nang maging kami kasi ni Ivory, nalaman ko kung gaano kayaman ang pamilya niya. Sobrang yaman nila na hindi ko ma-imagine kung gaano karami ang businesses at propoerties nila... and Ivory is the only son.

Siya ang tagapagmana ng ari-arian at yaman ng pamilya niya... kaya ang rason kaya tinago namin ang relasyon namin ay dahil nasabi sa kanya na ipapakasal siya sa iba. Pero matagal na raw 'yon, baka hindi na mangyari. At saka, isa na rin daw siyang ganap na abogado, kung ipapakasal daw siya sa iba ay dapat noon pa pinakilala sa kanya.

Aaminin kong natakot ako sa mga sinabi sa akin ni Ivory tungkol doon. Pakiramdam ko hindi ako matatanggap sa mundo niya, kaya ako ang nag-push na itago ang relasyon namin kahit sa mga sarili naming kaibigan.

Pero sa ngayon ay gusto kong isipin na kasama ko siya at masaya kami kahit na kaming dalawa lang.

"Filoah!" sigaw ni Shynna.

THE CROWDED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon