Filoah Anne Romero
-present-I am the crack in their marriage.
Ivory and Maeve's marriage is almost perfect, but I was the only flaw.
Hindi pa rin nag si-sink in sa akin ang lahat ng mga nalaman, nabasa, at kung ano-anong pambabatikos tungkol sa akin.
I couldn't think of anyone who would do this. Nakatago ang lugar na pinagkitaan namin ni Ivory, at walang nakakaalam kung saan at anong oras kami magkikita.
Maliban...
Parang isang mabilis na kidlat sa aking isipan na biglang nagpakita si Theo.
Akala ko guni-guni ko lang iyon, pero nakita ko nga si Theo nang gabing 'yon. He was looking at me... hindi ko lang siya napagtuunan ng pansin dahil masyado akong occupied sa pakikipag-usap ko kay Ivory.
Parang naninikip ang dibdib ko. Ayokong akusahan kaagad si Theo, pero ang bawat mga tuldok ay sa kaniya lahat patungo.
"Filoah!"
"Filoah!"
"Filoah Anne?!"
"Nandito ka ba?"
Nabalik ako sa aking sarili nang marinig ang mga boses nina Henry at Shynna.
Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Pinunasan ko ang mga luhang hindi ko namalayang tumulo.
Tumungo ako sa harap ng pinto saka huminga ng malalim at pinihit ang doorknob.
Ngumiti ako sa kanila. I don't want to always cry in front of them, even though I'm on the verge of breaking down again because they didn't hesitate to come for me.
"May trabaho kayo, ah? Anong ginagawa niyo rito?" simpleng tanong ko saka mas nilakihan ang pagbukas ng pinto para makapasok sila.
"Because we're your friends?! Hello? And you're in the middle of the dilemma," si Henry.
"The pictures were true," I confirmed. Alam ko naman na iyon ang pinunta nila. Nakita na rin nila.
Naramdaman ko ang pag hinto nila. Wala silang kaalam-alam tungkol sa pakikipagkita at pakikipag-usap ko kay Ivory.
"Totoo man ang litratong 'yon o hindi, sa huli ay alam namin natin ang katotohanan na hindi ikaw yung—" hindi natuloy ang sasabihin ni Shynna nang pinutol ko kaagad siya.
"They might be true. Because I'm still in love with a man..." I felt a lump in my throat, but I continued the painful truth that defines me now. "...a man who's married."
"Filoah..."
I tried to smile. "Don't worry, it will pass. I'm going back to being invisible again. I'm going to get through this. I'm sick... I already experienced worse than this."
Dahil sa mga naging sagot ko sa kanila ay hindi sila nagtanong tungkol sa lumabas na issue ngayong umaga.
My friends stayed with me. Even without their comforting words, their presence comforted me. It feels like there are still people who believe in me and know the truth about me.
Kasi kahit ako... hindi ko na alam kung ano yung totoo sa sarili ko.
Night came. My friends are still here at my place. Pilit nilang iniiwas sa akin na hawakan ang kahit na anong gadget ko.
Pasalamat na rin ako na Saturday ngayon. Wala akong pasok ngayong araw at bukas. Hindi ko pa ata kayang pumasok sa trabaho na ganito ako.
"Am I not tiring?" biglang tanong ko habang nakasandal ang aking ulo sa balikat ni Shynna.
![](https://img.wattpad.com/cover/330850265-288-k837565.jpg)
BINABASA MO ANG
THE CROWDED MARRIAGE
General FictionILL-FATED SERIES #2: Ivory Kyson Mortimeroz (ONGOING) Ivory Kyson Mortimeroz has been deprived of love since he was a kid, so when the two women came into his life, he didn't know who he really loved, but all he knew was that the two women became im...