"PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN"
"Hey, love" Christian said, trying to get my attention.
"Yes, love?" I asked as I sat down beside him. Nag-aayos kasi ako ng mga pagkain namin.
Araw ngayon ng linggo.
Nasa garden kami ngayon ni Christian, kasalukuyang nagpi-picnic. We are here to celebrate our 5th anniversary. Hindi ko ineexpect na magtatagal kami ng ganito katagal. Pero siguro ganoon talaga kapag mahal niyo at may tiwala kayo sa isa't-isa.
"Napakaganda mo talaga, Angel." he said while staring at my face.
I was caught off guard. Hindi ko inaasahan iyon. Paulit-ulit niya namang sinasabi sa akin iyon pero nagugulat at kinikilig pa rin ako.
"Oh s-shut up, Christian. Stop messing around," I rolled my eyes and hit him on his bicep.
"What no!? I'm not joking, baby. I'm telling the truth, silly." he said while putting his arms around my waist, hugging me from beside then planted a kiss on my shoulder.
God! How can this man still have the same effect on me every time he hugs and kisses me? What did I do to deserve this person? I'm so in love with him.
"Gutom mo lang yan. Tara na nga kumain." I said to change the topic dahil hindi na naman magkandalula ang mga paru-paro sa aking tiyan.
Umalis ako sa pagkakayakap niya sa akin ngunit bago pa man ako makaalis nang tuluyan ay hinila niya ulit ako. At ngayon ay nakaharap na ako sa kaniya.
"Okay okay, fine. But honestly love, napakaganda mo nga talaga. I can't really wait to call you my wife." he cupped my face. "I promise you, hindi kita sasaktan kailanman. I promise you, hindi kita papaiyakin. I promise you, I won't ever leave you. I promise you, ikaw lang ang mamahalin ko hanggang dulo. And I promise you, papakasalan kita at magkakaroon tayo ng sarili nating pamilya." he added while seriously staring at my eyes, like as if he's talking to my soul, then later on kissed my forehead.
That melted me. I smiled.
Napakaswerte ko talaga sa lalaking ito kahit kailan.
"Mahal na mahal kita, Christian Donida." I cupped his face and planted a kiss on his forehead.
"Mahal na mahal din kita nang sobra, future Mrs. Angel Donida." Then he hugged me and kissed the top of my head.
************
Ten days had passed.
Sampung araw na ang nakalipas simula nung mangyari ang kaganapang iyon ngunit sariwa pa rin sa utak ko. Those memories flashed into my mind as I looked the coffin in front of me.
Christian's coffin.
Sobra akong nasasaktan ngayon. Hindi ko kayang makita na yung taong mahal ko, natutulog na ngayon sa kabaong.
Naninikip ang dibdib ko habang papalapit ako sa kaniya.
"Love,b-bakit?!" Napasalampak nalang ako sa sahig at napahagulgol sa iyak nang tuluyan kong makita ang kaniyang katawan.
Inalo na ako ng mommy niya, pilit akong pinapatahan at pilit akong pinapatayo. Ngunit alam kong maging siya ay hindi na rin malaman ang gagawin dahil sa sinapit ng kaniyang pinakamamahal na anak.
"Kailangan mong maging malakas i-iha. Hindi gugustuhin ni Christian na maging miserable ka. T-tahan na iha. Tumayo ka na riyan at kausapin m-mo siya." Tita Joyce said, Christian's mom, habang nakangiti ngunit makikita mo pa rin ang sakit sa kaniyang mga mata.
Namatay siya dahil nag-crash yung pinapalipad niyang eroplano. He's a pilot. Marami sa mga pasahero ang nasugutan habang siya, kasama ang kaniyang co-pilot ay namatay. Isinakripisyo nila ang kanilang buhay para sa kapakanan ng kanilang mga pasahero.
Tuluyan na nga rin akong tumayo at humarap sa kabaong ni Christian. Ngunit muli na naman akong nanghina at napaluha nang masilayan kong muli ang kaniyang maamong mukha.
"L-love bakit mo ako i-iniwan? Sabi m-mo di ba, hindi mo ako iiwan? Sabi mo hindi mo ako kailanman s-sasaktan at papaiyakin? Sabi mo magkakaroon pa tayo ng sarili nating p-pamilya at mga anak? Nasan na ang mga p-promises mo mahal? Bakit ganito?! Why Christian?! Why?! Hindi ko kaya!" Saka ko niyakap ang kaniyang kabaong habang patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.
Yung taong mahal na mahal ko, wala na. Yung taong dapat na mapapangasawa ko, wala na. Wala na yung taong tutupad sa mga pangakong binigay niya. Wala na. Wala na siya.
Siguro nga hindi lahat ng pangako natutupad. Hindi lahat ay mangyayari. At ang mga pangako? Lahat mapapako. Because...
Promises are meant to be broken.
____________________________________
A/N:
Thank you so much for reading my story, fellas! A simple comment and/or vote would mean so much to me.
BINABASA MO ANG
One-shot stories
Short StoryIba't-ibang kwento. Iba't-ibang dyanra. Iba't-ibang katauhan. Handa ka na bang alamin ang kani-kanilang natatagong kwento? Halina't basahin at alamin.