"SEQUEL OF STORY 22 AND 23"
Sa isang maingay at napakaraming tao, makikita ang isang babae at isang lalaking may mga pusong sugatan.
Ang babae ay nagngangalang Aria Gonzalez. Nakaupo siya isang bahagi ng bar. Samantala , ang lalaki naman ay nagngangalang Shawn Lopez. Nakaupo naman siya sa kabilang bahagi ng bar.
Nag-iinom sila pagkatapos ng masakit na maging rebelasyon sa kanila.
Biglang tumayo si Aria. Nagtungo siya sa cr para sana sumuka. Sa kabilang banda, tumayo rin si Shawn at nagtungo sa cr para umihi.
Hindi sinasadyang nagkabungguan sila nang magkasabay silang lumabas sa mga cr.
"I'm sorry, Miss, hindi ko sinasadya. Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Shawn kay Aria saka siya inalalayang tumayo nang maayos.
Tumingin si Aria sa kaniya. Napansin nito ang kulay asul niyang mga mata na nagpaalala na naman sa kaniya sa lalaking minahal niya, sa nangyari kanina.
"Hindi! Hindi na ako magiging okay dahil sa ginawa niyo!" Asik niya.
"I'm sorry, Miss, okay?" Paghingi ulit ni Shawn sa kaniya ngunit nagsimula nang humikbi si Aria.
"Oh shit! I'm sorry, okay? Hush now. Where do you sit, hmm? Let's go there." Mahinahong sabi ni Shawn ngunit tuluyan nang umiyak si Aria.
Nang hindi makakuha si Shawn ng sagot, iginaya nalang niya si Aria sa kaniyang pwesto kanina.
"Hey, stop crying." Pagpapatahan niya kay Aria. "What's your name?" Tanong niya.
"A-aria." Sagot naman niya habang pahikbi-hikbi pa ngunit maya-maya ay naging maayos na. "I-ikaw?" Tanong niya.
"Shawn. What are you doing here?" Tanong ulit ni Shawn.
Mapait na ngumiti si Aria.
"Makalimot." Tipid na sagot niya. "Ikaw?" Balik na tanong niya.
"Same reason." Tipid ding sagot ni Shawn. "Wanna know what happened?" Dagdag niya.
"Ikaw, kung gusto mo ikwento."
"I had this thing with a girl. With my twin brother's ex." Panimula niya at napasinghap si Aria. "When my twin brother went abroad to pursue his dream, they broke up. I was the one who's always there with her. I helped her move on. Until i fell in love." He stopped for a while tsaka itinuloy din. "But when we went to Boracay last week, it was our last day when it happened, I saw them. I saw them kissing each other." He forced a smile. "I thought that was the most painful thing for me to experience but there's so much more. That is when she told me earlier, when we are having lunch, that she didn't feel the same way. That she didn't love me. That she tried but she can't because she's still in love with my twin brother. That freaking hurts me, big time!" Mahabang kwento niya tsaka tumawa nang peke. Pinupunasan niya ang mga luhang kanina pa hindi niya namalayan na tumutulo.
Ibinigay ni Aria ang kaniyang panyo at agad naman iting kinuha ni Shawn at ipinunas sa kaniyang mga mata.
Maya-maya lang ay nagsalita si Aria.
"I actually had a situation too earlier today." Panimula niya. " Today is my sister's birthday. I flew from abroad to here just to surprise her on her 20th birthday. I decorated the house, I cooked her favorites, and bought her presents." Nakangiting kwento niya. "But when she... when they arrived, that's when my heart broke into pieces." Nawala ang ngiti sa kaniyang labi at napalitan ng lungkot. Naging malamlam na rin ang kaniyang mga mata at nagsimula na namang manubig. "She was with my boyfriend. My boyfriend for three years. And you know what painful? Yung kami pa pero sila rin. They've been together for 2 years. Damn! Ang sakit pa rin!" Mahabang litanya niya tsaka nagsimulang umiyak nang umiyak. Inalo naman siya Shawn.
"I-i'm sorry to hear that. Shush now, Aria. Everything will be fine. You will be fine. We will be fine." Pang-aalo ni Shawn sa kaniya.
Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil na si Aria. Kinuha niya ang beer na nakapatong sa lamesa.
"Tama na nga, mag-inom nalang tayo." Sabi ni Aria tsaka itinaas ang beer na kinuha niya. "Cheers para sa puso nating nasaktan. Cheers para sa ating sawi sa pag-ibig!" Dagdag niya.
"Cheers." Sabi naman ni Shawn tsaka inilapit ang bote sa hawak ni Aria.
Pagkatapos nun ay nag-inom lang sila nang nag-inom. Hinayaan nila ang kani-kanilang sarili na malunod sa alak at kalimutan ang kanilang mga problema.
____________________________________
A/N:Thank you so much for reading my story, fellas! A simple comment and/or vote would mean so much to me.
BINABASA MO ANG
One-shot stories
Short StoryIba't-ibang kwento. Iba't-ibang dyanra. Iba't-ibang katauhan. Handa ka na bang alamin ang kani-kanilang natatagong kwento? Halina't basahin at alamin.