STORY 22

12 5 0
                                    

"SORPRESA"

Kasalukuyan akong nag-aayos ngayon dito sa sala ng aming bahay. Inaayos ko ang dekorasyon para sa 20th birthday ng aking nakababatang kapatid.

Hindi niya alam na nakauwi na ako kaya isu-surprise ko siya. Ang alam niya kase sa susunod na araw pa ako uuwi dahil sa sobrang busy ko sa trabaho ko abroad. Pero ginulgol ko talaga ang oras ko sa pagtra-trabaho, nag-overtime na rin ako para lang makauwi ako nang maaga at masorpresa ang aking kapatid.

Binilisan ko na ang pagde-decorate dahil maya-maya ay darating na rin yun. Pumunta kase siyang mall kasama ang kaniyang kaibigan para manood ng sine at mamasyal. At nung tinanong ko siya kung mga anong oras ang dating niya, sabi niya baka mga alas tres ng hapon daw.

Tinignan ko ang oras sa aking relo, alas dos na ng hapon. Naisipan kong maligo muna para kapag dumating siya, fresh naman ako tignan.

Nang matapos akong maligo, inayos ko lang nang kaunti ang dinecorate ko kanina at mga pagkaing niluto ko. Kinuha ko na rin ang cake na binili ko kanina at nilagyan na ng kandila.

Maya-maya lang ay nakarinig na ako ng tawanan sa labas ng condo niya. Binuhat ko na ang cake at sinindihan ang kandila tsaka lumapit doon sa pintuan.

Nang buksan niya na ito agad akong nagsalita.

"Surprise! Happy birth—" Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko nang makita ko ang kasama niya.

"Sky..." Sambit ko sa pangalan ng kasama niya, sa pangalan ng boyfriend ko.

Kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mata ay ang bigla kong pagbitaw sa ang hawak kong cake.

"A-ate..."

"A-aria..."

Sabay nilang sabi tsaka biglang napabitaw sa magkawak na kamay ang dalawa.

"A-ate... S-sorry.. L-let me e-explain." Unang sabi sa akin ni Sofia tsaka lumapit at hinawakan ang kamay ko ngunit tinabig ko lang ito.

"Ate, p-please." Pakikiusap niya pa ngunit hindi ko siya pinansin.

"P-please, ate A-aria... Kausapin mo a-ako, let me explain a-ate." Muli niyang sabi tsaka lumuhod na sa harap ko at pilit na hinahawakan ang aking kamay. Naluhuran niya na rin ang cake na nahulog ko kanina.

"S-sofia... A-ang s-sakit. Ano p-pang... Ano pang gusto mong ipaliwanag? Hindi ko na y-yan kailangan! K-kitang-kita ko na ang k-katotohan!" Nahihirapang usal ko sa kaniya. Hindi ko na siya matignan nang malinaw dahil punong-puno na ng luha yung mata ko.

"A-aria." Tawag naman sa akin ni Sky kaya napatingin ako sa kaniya. Tinangka niyang lumapit sa akin ngunit mabilis akong umiling-iling.

"Please, A-aria... I'm s-sorry." Pagmamakaawa niya rin. Makikita sa kaniyang mata ang sakit, guilt, at hiya ngunit wala akong pakealam.

"S-sky... B-bakit? Of all people... Of all people, b-bakit yung k-kapatid ko pa?!" Sigaw ko sa kaniya habang patuloy pa rin sa pag-agos ng luha ang aking mata.

"I'm s-sorry, A-aria." Nauutal niyang sabi tsaka yumuko.

"K-kailan pa?" Tanong ko sa kaniya ngunit nag-angat lang siya ng tingin sa akin at tsaka umiling. "Kailan pa, Sky?! Sagutin mo ako!" Pagalit ko nang sabi.

"2 y-years na." Mahinang sabi niya tsaka yumuko ulit.

Napatawa ako nang mapakla dahil sa rebelasyong iyon.

"2 years? So, habang tayo pa, kayo rin? 3 years na tayo, Sky... T-three years... Anong g-ginawa mo? B-bakit mo ako g-ginago? Bakit niyo ako p-pinagmukhang t-tanga?!" Masakit na sigaw ko sa kanila.

Nanatili lang siyang nakayuko habang si Sofia naman ay nakaluhod at patuloy pa rin sa paghagulgol.

"I-i'm really s-sorry." Paghingi niya ulit ng tawad.

Samantala, hinawakan naman muli ni Sofia ang aking kamay.

"A-ate, please... S-sorry a-ate. Hindi ko s-sinasadya... Hindi n-namin sinasadya. P-patawarin mo ako ate." Hagulgol niyang sabi sa akin.

Gusto ko man siyang itayo sa pagkakaluhod ay hindi ko kaya, wala na rin akong lakas pa. Naawa man ako sa kaniya pero mas naawa ako sa sarili ko.

"S-sofia... B-bakit? A-ate mo ako eh. Paaanong... P-papaano niyo nagawa s-sa akin i-ito? Kayo yung d-dalawang pinakamalapit sa a-akin eh. I-ikaw... Ikaw nalang yung t-taong natitira sa akin simula nung n-nawala yung m-magulang natin. P-paano mo ako n-nagawang p-pagtaksilan?" Hirap na hirap kong usal.

Umiling-iling lang siya habang patuloy pa rin sa pag-iyak habang ako ay hindi na malaman kung ano ang aking gagawin.

"B-bitawan m-mo ako, S-sofia." Mahinang usal ko ngunit umiling-iling lang siya.

Naglakad na si Sky papalapit sa'min. Pumunta siya kay Sofia upang patigilin siya sa pagluhod at alalayan sa pagtayo.

Nang mabitawan na ni Sofia ang aking mga kamay at tuluyang nakalayo, hindi na ako nagsayang pa ng oras para makaalis.

Kahit na wala na akong lakas ay pinilit ko pa ring hinakbang ang aking mga paa at tumakbo paalis sa condong iyon.

Narinig ko pang tinawag ng kapatid ko yung pangalan ko ngunit hindi ako lumingon. Hindi ko siya kayang makita pa pagkatapos ng ginawa nilang pagtataksil sa akin.

Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa elevator. Pumasok agad nang magbukas ito. Mabuti nalang at walang tao. Doon ko sinimulang ilabas ang lahat ng iyak at sakit na nararamdaman ko.

Ang sakit.

Ang sakit sakit.

Akala ko kaibigan lang kasama, kai-bigan na pala.

Akala ko siya ang masusorpresa, ako pala.

____________________________________
A/N:

Thank you so much for reading my story, fellas! A simple comment and/or vote would mean so much to me.

One-shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon