“POSSESSIVE YOUNGER BOYFRIEND”
“Lovey, let’s go na!” Masayang tawag ko sa aking boyfriend nang makababa ako sa hagdan ng aming bahay.
Prente siyang nakaupo sa may upuan habang hawak ang kaniyang cellphone.
Nakangiti siyang nag-angat ng tingin sa akin ngunit nang masipat ang aking suot ay napalitan ng pagtataka ang kaniyang awra.
I’m wearing a black spaghetti strap backless with thigh-high slit dress. Ang haba nito ay hanggang sa paa ko at kumikikinang-kinang pa ito na siyang lalong mas nagpaganda sa disenyo ng damit.
“What are you wearing, Natasha?” Tanong ni Vander sa akin saka siya tumayo sa kaniyang pagkakaupo. Napakunot naman ako ng noo.
“A dress?” Patanong kong sagot. Nagtataka dahil obvious naman ngunit tinatanong pa rin.
He creased his eyebrows.
“You called that thing a dress?” He asked again habang nakturo pa sa aking damit and I just nodded. “Is that what you’re gonna wear to the party?” Pangatlong tanong niya.
Yung party na pupuntahan namin ay birthday party ng kapatid niyang babae. At ang theme ng kaniyang party ay black kaya ito ang napili kong isuot.
“Uh yes?” Sabi ko habang tumatango-tango pa nang dahan-dahan. “Bakit? Pangit ba?” Sunod kong tanong sa kaniya saka ko tinignan ang suot ko.
“No. But you need to change it.” Sabi niya tsaka inayos ang pagkakakabit ng kaniyang relo.
Sinundan ko iyon ng tingin.
‘Damn! Kahit sa simpleng galaw niya napaka hot niya pa rin! Ha? Erase! Erase! Focus, Nat! Focus!’
“Ha? Bakit? Kung hindi naman pala pangit, bakit ako magpapalit? Ang sexy-sexy at ang hot-hot ko kaya dito oh, tignan mo!” Sabi ko saka umikot pa.
“Exactly! You look too sexy and hot in there!” He exclaimed.
“Oh yun naman pala, edi anong mali run? Bakit pa ako magpapalit?” Tanong ko naman.
“Everyone will look at you!”
“And so? Bahala silang maglaway diyan!”
“No. I don’t want that. Not even the smallest chance.” Sabi niya habang paunti-unting nagalalakad palapit sa akin. “Your thighs…” Hinawakan niya ang aking hita kung saan may slit ang dress saka niya iginapang ang kaniyang kamay patungo sa aking likuran. It sent shivers on my spine. “Your back…” He suddenly grabbed my back and pulled me closer to him. “And your boobies…” Then he looked at my cleavage that’s showing. Agad ko itong tinakpan gamit ang aking dalawang kamay. He chuckled. “Are all mine. Those are for my eyes only. Mine only. Mine.” Madiin niyang pagkakasabi sa bawat salita habang nakatingin nang taimtim sa aking mga mata.
“O-oh s-shut up…” Nahihirapang utal ko tsaka siya mahinang itinulak papalayo sa akin para makawala. “You don’t d-dare to boss me around, kiddo. I’m still older than you!” Panlaban ko.
He smirked.
“Oh yeah? And so? I’m still taller than you. Better not use your age in our argument, baby, that doesn’t work with me. You can’t win against me when it comes with this matter.” Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin tsaka hinawakan ang aking baba. “Now, go and change then after that we’ll go.” Tinabig ko ang kamay niya then I rolled my eyes at him.
Tumalikod na ako tsaka sinimulang maglakad sa hagdan papunta sa aking kwarto.
“Ang ganda-ganda na nga lang nitong suot ko! Napakaepal talaga nitong bat ana to, napaka spoiled brat! Akala mo naman gwa—” Napatigil ako sa pagrereklamo nang marinig ko ang kaniyang sinabi.
“I heard you, woman.” Sabi niya habang nakatingin sa kaniyang cellphone at prente nang nakaupo ulit.
“Utot mo woman! Tsee!” Sabi ko nalang saka pinagpatuloy na ang paglalakad.
____________________________________
A/N:
Thank you so much for reading my story, fellas! A simple comment and/or vote would mean so much to me.
BINABASA MO ANG
One-shot stories
Short StoryIba't-ibang kwento. Iba't-ibang dyanra. Iba't-ibang katauhan. Handa ka na bang alamin ang kani-kanilang natatagong kwento? Halina't basahin at alamin.