STORY 17

10 5 0
                                    

"BREAK-UP SCENE"

"Are you guys ready? Ellaine? Nathaniel?" Tanong sa amin ng director ng pelikulang gagawin namin.

"Yes, direct." Sabay naming wika ni Nathaniel, my partner in this movie at the same time my partner in real life for almost six years.

May set kami ngayon. Gagawin namin yung next scene namin which is a break-up scene.

Sa part kasi na 'to, hihiwalayan na niya ako dahil kailangan niyang pumunta sa ibang bansa para tuparin ang pangarap niya.

Napansin kong parang walang gana ulit si Nathaniel na umarte ngayon. Hindi ko alam pero this past few days parang wala siyang ka ener-energy sa pag-aacting.

Napapansin ko rin na parang ang distant niya sa akin. Kapag nilalapitan ko siya bigla-bigla siyang aalis or biglang may gagawin. Kapag sinusubukan kong kausapin siya nagkukunwari siyang kausap iyong kasama niya tsaka hindi ako papansinin. Kapag naman nagkaroon ng pagkakataon na makausap ko siya, ang tipid lagi ng sagot niya.

Minsan, nung tinanong ko siya kung may problema ba siya ang sabi niya lang ay wala. Palagi kong tinatanong sa kaniya kung may problema ba siya pero ang palagi niya ring sinasagot ay wala. Hindi ko alam pero naguguluhan ako sa mga kinikilos niya ngunit hindi ko nalang pinapahalata at binibigyan siya ng oras at espasyo dahil iyon ang gusto niya para makapag-isip.

"Hey, Nat-nat, are you okay?" I asked him. I held his arm and caressed it using my thumb while giving a concerned look.

"Yeah." Then he just nodded.

"Okay okay guys, let's start." Sigaw ng director namin. Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kaniya tsaka parehas kaming umayos ng tayo.

"Camera ready?" Tanong niya sa camera man.

"Ready." Sagot ng camera man.

"Quiet on set." Sabi niya ulit pagkatapos ay marami pa siyang sinigurado bago tuluyang nag-umpisa.

"In 3, 2,1, ACTION!!" Pagtakapos nun ay nagsimula na kaming umarte.

"Joshua, p-please. Huwag naman ganito. Pag-usapan naman natin ito, oh." Nagsimulang pagpapakaawa ko sa kaniya. Hinawakan ko pa ang dalawang kamay niya para maiparamdam sa kaniyang hindi ko soya kayang mawala.

"I-i'm sorry, Mariel but I...I have to. I have no c-choice." Pagmamakaawa niya rin.

"P-please, J-josh." Nagsimulang tumulo ang luha sa aking mga mata.

"Pero p-para to sa pangarap ko, Mariel. Ito na yung m-matagal kong inaasam noon pa man, a-alam mo iyan." Pagpapaliwanag niya tsaka hinawakan ang aking mukha. Nakita kong nagsimula na ring manubig ang kaniyang mga mata.

"Naiintindihan ko n-naman iyon, Josh eh. Ang a-akin lang naman, bakit...bakit kailangan mong tapusin yung a-atin?" Nahihirapang tanong ko.

"Ayokong m-mapagod ka at masayang ang o-oras mo sa kahihintay sa akin, Mariel." Pinagdikit niya ang aming mga noo.

"K-kaya kong maghintay...Kaya kong maghintay kahit gaano pa yan k-katagal. Hihintayin k-kita hanggang kailan. Tsaka may c-cellphone naman eh...may cellphone tayo na pwedeng gamitin kapag...kapag nami-miss natin ang isa't-isa." Mahabang litanya ko. Umaasa na pagkinggan at pagbigyan niya ako.

"Please, M-mariel. Let's...let's b-break-up." He uttered.

Umiling-iling ako. Hindi sumasang-ayon s kaniyang mga tinuran.

"No..no..n-no, Joshua. Ayoko, p-please. I love you so damn much! Please, h-huwag mong gawin sa akin ito." I held his hands na nakahawak sa aking magkabilang pisngi.

"Fvck! I love you so damn much too, Ellaine. But I can't...I really can't.

"Bigla akong napatigil sa pag-arte. Hindi ito ang nasa script.

"Nat, iba ang nasabi mong pangalan tsaka wala rin yan sa script." May pagtatakang sabi ko sa kaniya.

Sa mga nagdaang pelikula na nagkasama kami, hindi ko pa siya kailanman nakitaan ng pagkakamali sa pagsasabi ng pangalan kaya labis akong nagtataka ngayon.

"CUT!" Napasigaw na rin ang director sa amin. May sasabihin pa sana siya ngunit napatagil siya nang magsalita ulit si Nathaniel.

"I'm really sorry, Ellaine. I...I can't really do this anymore."

Kumunot ang noo ko.

"N-nat, what...what are you s-saying?" Kinakabahang tanong ko sa kaniya tsaka tumawa nang mapakla.

Sa gilid ng aking mata ay nakita kong sumenyas ang director sa mga kasama namin dito sa set na tumigil at sila'y pinapalabas.

Hindi rin naman kase lingid sa kanilang kaalaman na may relasyon kami.

Nang makalabas sila, tumingin ako nang diretso kay Nathaniel.

"Ano b-bang sinasabi mo riyan, Nathaniel? O-okay ka lang ba, ha?" I asked him.

"I'm... I'm breaking up with you, Ellaine." Doon tuluyang nadurog ang puso ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. "I love you so much but...but I c-can't. I can't be with you. Please don't think of anything about you. You are an amazing person, Ellaine. It's not you, it's me. Our memories... I enjoyed them, I really do. I love all of our movie nights, our dates, our bonds. But I...l just don't see my self with you anymore, my future with you. I also don't know why but I'm... I'm really so sorry, Ellaine." Mahabang paliwanag niya.

Nanatiling estatwa lang ako habang tumutulo ang mga luha sa aking mata. Ang sakit, parang pinipiga yung puso ko.

I looked straight to his eyes, hoping I could see his soul, then asked.

"W-why?... Almost s-six years, N-nat...S-six years." Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko dahil mas lalo lang akong nasasaktan nang sobra kapag siya ay pinagmamasdan ko.

"I'm sorry...E-ellaine." "I-is there... Is there s-someone else, hmm?" I asked him.

"W-what? No...no...no, Ellaine. You know I can't do that to you. I just...I can't be with—" I cut him off.

"P-please, stop. U-umalis ka nalang, p-please." Pagmamakaawa ko na habang hindi sita tinitignan sa mata.

"I'm really sorry, Ellaine." He said then began to walk. Walk away from me.

Pagkaalis niya tila nawalan ako ng balanse sa katawan. Bigla akong napasalampak ng upo. Napatulala lang ako sa kawalan habang hinahayaang umagos ang mga luha sa aking mga mata.

Kaya ba siya lumalayo sa akin kasi nakahanda na siya? Kasi gusto niya na akong bitawan noon pa?

Ang sakit naman ng araw na ito.

Hindi lang pala ang break-up scene sa kwento nina Mariel and Joshua ang nangyari kundi pati ang totoong kwento namin.

____________________________________
A/N:
Thank you so much for reading my story, fellas! A simple comment and/or vote would mean so much to me.

One-shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon