“HULING ANIBERSARYO”
Nandito kami ni Angela ngayon sa rooftop ng aming bahay. Kasalukuyan kaming kumakain ng hinanda ko kanina.
Simpleng handaan lang ang ginawa ko para sa aming pang-limang anibersaryo. Gusto ko nga sa mamahaling restaurant kami mag-celebrate pero ayaw niya. Gusto niya raw magluto nalang ako kaya ayun ang ginawa ko.
"Ang sarap talaga ng luto mong Carbonara, Dave! Dabest!" Masayang sabi niya habang may subo pang Carbonara sa bibig niya.
Ngumiti ako. Kahit kailan talaga tong girlfriend ko na 'to basta pagkain."Siyempree naman, love! Specialty ko yan eh!" Natatawang sabi ko.
Masaya kaming nagkwe-kwentuhan habang kumakain nang biglang umulan.
Nagkatanginan kami tsaka ngumiti. Alam ko na ang ibig niyang sabihin.Kilalang-kilala na talaga namin ang isa't-isa. Dahil sa simpleng pagtingin at pangiti lang ay alam na namin ang gusto naming mangyari.
Binilisan naming kumain upang maisagawa ang plano naming gawin.
Pagkatapos naming kumain ay bumaba na kami.
Nakita kami ni mama.
"Oh, mga anak saan kayo pupunta? Tapos na ba kayong kumain?" Tanong niya sa amin.
Si Angela ang sumagot.
"Ah opo, katatapos lang po, Tita. Sa labas lang po." Magalang niyang sabi.
"Ha? Umuulan ah. Anong gagawin niyo sa labas?" Tanong uli nito sa amin. Ngayon, ako naman ang sumagot.
"Maliligo kami ng ulan, Ma." Sabi ko sa kaniya saka inakbayan ang balikat ni Angela.
"Ha? Delikado yan anak, malakas ang ulan. Huwag na kayo tumuloy." Pakiusap sa amin ni mama.
"Payagan mo na kami, Ma. Gift mo na sa amin ngayong anniversary namin." Pagmamakaawa ko. Niyakap ko pa siya para talagang paniwalaan niya ako.
"Oo nga po, Tita. Sa gilid-gilid lang din naman po kami." Dagdag naman ni Angela.
"Hay nako, kayong mga bata talaga. O siya siya, sige na. Pero mag-iingat kayo ha." Pagpapayag at bilin sa amin ni Mama.
Agad naman kaming lumabas ng bahay ni Angela para maligo na sa ulan. Nang makarating kami sa labas, masaya kaming nagtakbuhan at naghabulan sa ulan.
"Love, habulin mo ako!" Sigaw niya sa akin.
"Habulan pala ha, o sige! Andito na ako!" Sabi ko saka ko siya hinabol.
Nang mahabol ko siya, hinawakan ko siya nang mahigpit sa may bewang tsaka siya pinaikot.
"Wooh! Ang saya!" Sigaw niya.
Nang maibaba ko siya, inilapit ko ang aking noo sa kaniyang noo saka hinawakan ang kaniyang mukha gamit ang aking dalawang kamay.
"Happy 5th anniversary, love. Mahal na mahal kita." Bigkas ko tsaka siya tinitigan sa mata.
"Happy 5th anniversary din, love! Mahal na mahal din kita, sagad hanggang buto!" Ikaw niya saka tumawa, maging ako ay nahawa na rin sa kaniyang tawa.
Pagkatapos nun ay binigyan ko siya ng matamis na halik sa kaniyang noo. At ganun din siya sa akin.
"Tara, doon naman tayo sa isang kalsada." Pag-aaya niya sa akin saka hinawakan ang aking kamay upang igaya doon sa kabilang gilid ng daan.
"Teka lang, isisintas ko lang 'tong tali ng sapatos ko." Sabi ko saka binitawan ang kaniyang kamay at yumuko para ayusin na ang tali ng aking sapatos.
Si Angela ay nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kabilang gulid ng kalsada. Nang iniangat ko ang aking mukha para siya tignan, saktong sumalpok sa kaniya ang isang napalaking sasakyan na siyang naging dahilan para siya ay tumilapon.
Hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan. Hindi pa rin makapaniwala sa biglaang nangyari.
Nang makabawi na ako sa gulat ay bigla akong nagtatakbo papunta sa kung saan siya tumilapon. Nahagilap ng aking mata ang driver ng sasakyan na nandoon din at tila nag-aalala. Marami na ring tao roon na nakapalipot at nanonood.
Nang tuluyan akong makalapit ay hindi ko malaman ang gagawin ko dahil halo-halo na ang nararamdaman ko. Ngunit sa huli ay napagpasiyahan kong lumapit sa kaniya at hawakan siya upang ilagay ang kaniyang katawan sa aking hita.
“A-angela?... N-no, love… W-wake up, p-please…” Pangungusap ko saka mahinang tinapik-tapik ang kaniyang mukha.
“L-love?... N-no, n-no… please, gumising ka na…” Pagmamakaawa ko pa sa kaniya ngunit wala talaga akong makuhang sagot.
Napansin kong ang mga tao sa paligid ko ay naiiyak at nagpapanic na rin. Narinig ko ring may tumatawag na ng ambulansiya.
Maya-maya lang ay may naramdaman akong yumakap sa akin. Pagtingin ko rito ay ang mukha ng Mama ko ang bumungad. Mabilis niya akong niyakap nang napakahigpit at sabay kaming humagulgol ng napakalakas.
“M-ma… Si A-angela… S-si Angela, w-wala na s-siya.” Nahihirapang sabi ko sa mama ko habang umiiyak.
“Shhh… T-tumahan ka na, anak. Hindi gugustuhin ni A-angela na g-ganito ka.” Pagpapatahan niya sa akin.
“Ma, k-kasalanan ko ito… K-kung…Kung s-sana hindi—”
“Shhh hindi anak… Wala kang k-kasalanan. Aksidente lang ang n-nangyari.” Pagpuputol ni mama sa aking sasabihin.
Maya-may ay nakarinig na kami ng huni ng ambulansiya.
Mabilis siyang inilagay sa sasakyan at pilit na nire-revive habang tumatakbo nang mabilis ang sasakyan. Mahigpit ko naming hinawakan ang kaniyang kamay.
“P-please, Angela… Lumaban ka, p-please.” Pakiusap ko habang hawak ang kaniyang kamay na anakalapit sa aking bibig. Hinaplos naman ng aking ina ang aking likod.
Ilang minuto na ang lumipas ngunit wala pa ring mahanap na pulso ang mga rescuer hanggang sa idinekalara na nila itong dead on the spot.
Pagkarinig na pagkarinig ko roon ay tila biglang nawala ang buhay sa aking katawan.
Ang sakit isipin na ito na pala ang huli naming anibersaryo.
Sana hindi nalang kami nagpumilit pa nung pinagbawalam kami ni mama.
Sana hindi nalang ako nagsintas ng sapatos ko.Sana sinulit ko na ang gabing ito at naipakita ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.
____________________________________
A/N:
Thank you so much for reading my story, fellas! A simple comment and/or vote would mean so much to me.
BINABASA MO ANG
One-shot stories
Short StoryIba't-ibang kwento. Iba't-ibang dyanra. Iba't-ibang katauhan. Handa ka na bang alamin ang kani-kanilang natatagong kwento? Halina't basahin at alamin.