Author's Note:
For a better reading experience, read this story at exactly 12 am. Good luck!
______________________________
"MIDNIGHT"
Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa aking kwarto. Nagbabasa ako ng mga kwento sa Wattpad app ko.
Sobrang dilim ng paligid. Tanging ang liwanag lang na galing sa aking selpon ang nagsisilbi kong ilaw. Nagpapatay kasi kami ng ilaw kapag matutulog na kami. Hindi kami sanay matulog na may liwanag. Hindi ko alam pero hindi talaga kami nakakatulog nang maayos.
Mag-isa ko nalang na gising, tulog na ang mga magulang ko.
Tinignan ko ang oras sa aking selpon. Alas-dose na pala ng gabi pero heto at nagbabasa pa rin ako ng Wattpad. Grabe na talaga ang pagka-adik ko rito.
Habang nagbabasa, nakarinig ako ng mga yapak.
Maliit at masikip lang ang aming bahay kaya maririnig mo lahat ng mga ingay kahit pa mga kaluskos.
Hindi ko nalang pinansin dahil alam kong ang ina ko lang naman ito. Nakasanayan niya na kasing umihi kahit pa gabing-gabi na.
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.
Maya-maya ay may narinig na naman akong mga yapak. Naramdaman kong ang mga yapak ay papunta sa aking kwarto.
Mabilis kong pinatay ang selpon ko at nagkunwaring natutulog sa pag-aakalang sa Ina ko galing ang mga yapak.
Pagkatapos ng ilang segundo, iminulat ko ang aking mga mata. Bumangon ako para silipin kung bumalik na ba ang aking ina sa pagtulog.
Nakahinga naman ako ng maluwang dahil wala na ngang tao.
Humiga ulit ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa.
Ilang saglit lang ay may narinig na naman akong mga yapak.
Nagtaka ako. Hindi naman ganito kadalas umihi ang aking ina.
Kinutuban ako. Sino ito?
Napaisip ako kung titignan ko ba ito o hindi. Ngunit sa huli ay napagdesisyonan kong tignan ito kahit na ako ay kinakabahan.
Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga. Tinignan ko ito at nagulat ako sa aking nakita.
Isang babae na nakaputi at mahaba ang buhok.
Nakatalikod siya sa akin habang siya ay nagpapadyak-padyak na parang magmamartsa.
Doon ko napagtanto na galing sa kaniya ang mga yapak na narinig ko.
Pati kaya ang mga nauna ay galing din sa kaniya? Tanong ko sa aking sarili.
Bigla siyang napatigil sa pagpapadyak. Unti-unti siyang umikot upang humarap sa akin.
Napahawak ako ng mariin sa aking bibig. Napuno ng kaba, takot, at pangamba ang aking dibdib. Hindi ko na malaman ang aking gagawin. Gusto kong sumigaw ngunit natatakot ako sa maaaring mangyari, na baka kapag nagising ang aking mga magulang ay sila ay patayin.
Nang makaharap nang tuluyan ang mukha niya sa akin, doon ako natakot nang sobra.
Ang kaniyang mukha ay punong-puno ng dugo. Nakangiti rin siya ngunit ang ngiti niya ay nakakatakot at hindi normal. Napakalaki ng kaniyang ngiti na konti nalang ay aabot na sa kaniyang tenga. Ang mga mata niya ay nanlilisik at may mga dugo ring lumalabas dito. Tanging ilang parte lang ng kaniyang mukha ang nakikita dahil natatakpan ito ng kaniyang buhok ngunit sapat na rin upang makita ang nakakatakot niyang itsura.
Nanlaki ang aking mga mata nang nagsimula siyang maglakad papunta sa akin. Gusto kong igalaw ang aking katawan ngunit ayaw nitong makisama. Nang malapit na siya akin, ipinikit ko ang aking mga mata.
Pinakiramdaman ko ang paligid. Unti-unti kong minulat ang aking mata. Inilibot ko ang aking paningin sa harapan. Nakahinga ako nang maluwang nang makitang wala na siya. Hihiga na sana ulit ako ngunit parang naestatwa ako sa sunod na nangyari.
"Hi Angelica." Bulong niya sa aking tenga saka tumawa. Nanindig ang aking mga balahibo. Kung nakakatakot ang kaniyang itsura ay mas nakakatakot ang kaniyang boses.
Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili ngunit kinakabahan pa rin ako at natatakot.
Humarap ako sa aking gilid ngunit mas magulat ako at nanginig sa takot nang makaharap ko ang kaniyang mukha ng malapitan. Isang dangkal lang ang layo namin sa isa't-isa.
Para akong nalagutan ng hininga. Naninikip ang aking dibdib dahil sa sobrang takot at nginig. Nagsimula na ring tumulo ang nga luha sa aking mga mata.
"H-huwag." Tanging iyan nalang ang aking nasabi.
Lumayo siya nang kaunti at tumawa ng nakakapangilabot. Doon ay nakahanap ako ng pagkakataon para humiga at magkumot.
Tinawag-tawag niya ang pangalan ko.
"Angelica"
"Angelica"
"Angelica"
Mariin kong ipinikit ang aking mata at tinakpan ang aking tenga. Hinihiling na sana panaginip nalang ito.
Nang wala na akong marinig, iminulat ko ang aking mga mata at unti-unting ibinaba ang kumot.
Nakahinga ako nang maluwang nang tumambad sa akin ang mukha ng aking ina. Niyakap ko agad siya at nagsimulang umiyak.
Ngunit ilang saglit lang ay natanaw ko na sa kwarto ng aking mga magulang ay may dalawang pares ng paa.
Batid kong sa mga magulang ko ito.
Pero kung sa mga magulang ko ito, sino itong kayakap ko?
Bigla akong kinilabutan. Unti-unti akong bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya tsaka tinignan siya.
Ang kaninang pakiramdam na nakahinga nang maluwang ay biglang napalitan ng paninikip ng aking dibdib at hirap sa paghinga.
Pagkatapos ay inilapit niya ang kaniyang dalwang kamay sa akin, na tila ba ako ay kaniyang sasakalin.
Napasigaw nalang ako.
"HUWAG!!!"
Kasabay ng aking pagsigaw ay ang aking pagbangon sa aking higaan.
"Angelica, anak, ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa namin tinatawag." Tanong ng aking ina.
Tinignan ko lang siya. Hindi malaman kung yayakapin ko ba siya o hindi dahil baka maulit muli ang nangyari kanina.
"Anak, anong napanaginipan mo? Bakit ka nasigaw?"
Hindi ko pa rin pinansin ang mga tanong ng aking ina hangga't hindi ko nasisigurong siya nga ito.
Luminga-linga ako sa paligid upang hanapin ang babaeng nakaputi. Napatigil ako nang matagpuan ko siyang nakatayo, nakangiti at nakatingin sa akin.
Nagsimulang manginig ang katawan ko.
"Anak, ano ba?! Bakit ka nanginginig?" Hindi na mapakali ang aking ina.
Ilang segundo pa kaming nagtitigan ng babaeng nakaputi bago siya nawala. At doon ay nagsimulang magsitulo ang mga luha sa aking mga mata.
Niyakap ko nang mahigpit ang aking ina.
"Anak, bat ka ba naiyak? Anong nangyari?" Tanong ulit ng aking ina ngunit umiling-iling lang ako, takot na ikwento ang nangyari.
____________________________________
A/N:
Thank you so much for reading my story, fellas! A simple comment and/or vote would mean so much to me.
BINABASA MO ANG
One-shot stories
Short StoryIba't-ibang kwento. Iba't-ibang dyanra. Iba't-ibang katauhan. Handa ka na bang alamin ang kani-kanilang natatagong kwento? Halina't basahin at alamin.