STORY 9

23 7 0
                                    

"CALLSIGN"


"Hoy John Paul, ano maganda tawagan natin?" Tanong ko sa katabi kong lalaki na kumakain pa ng paborito niyang spaghetti.

"Ha? Saan? Anong tawagan na naman yan?" Tanong niya habang may nakasubo pang pagkain sa bunganga niya.

"Ang dugyot mo naman, ubusin mo muna kaya yung nasa bunganga mo bago ka magsalita?" Sabi ko kaniya saka naman siya nag peace sign. "So ayun nga, tawagan! I mean callsign ng magka-relasyon ganun." paliwanag ko sa kaniya.

Kinain niya muna yung pagkain na nasa bunganga niya bago nagsalita.

"Required ba? Hindi naman ah kaya huwag na lang. Mas maganda nga kapag name na lang natin eh, John Paul, Cristine, oh 'di ba?" Paliwanag naman niya sa akin.

"Wala ka man lang ba ka sweet'an sa katawan! Aba siyempre naman. Required sa mga magjowa yun no. Kaya dalian mo na, magsabi ka na kase!" Pagpupumilit ko sa kaniya.

Nagsimula siyang mag-isip.

"O sige, pwede na ba honeybunch? Ayun kase narinig kong tawag ng isa nating kakalse sa jowa niya eh." Kwento niya.

"Eww no!" Asik ko naman. 

"Sugar plum?" Sunod niyang sinabi.

"Cringe, no!" Pangongontra ko.

Saglit siyang nagseryoso at saka nag-isip nang malalim.

"Pumpy-umpy-umpkin?"

Nagbuntong hininga ako. Akala ko seryoso na.

"Nanggagago ka ba, ha? Wala ka na bang magawang maayos sa mundo? Ano to kokompletuhin mo yung kanta, ganun? Iba pa!" Naiinis kong sabi sa kaniya.

"Oo? Like, You're my honeybunch, sugarplum, pumpy-umpy-umpkin, you're my sweetie pie, you're my cuppycake, gumdrop, snoogums-boogums, you're the apple of my eye~" Pang-iinsulto niya.

Napatampal nalang ako ng noo ko dahil talagang kinanta niya nga ito.

"Joke lang!" Saka pa siya tumawa. "O sige, eto na. Eh, paano kung babe nalang?" Tanong niya ulit.

"Ayoko, gasgas na yan, eh." Ani ko.

"Love?"

"Ayoko rin, gamit na gamit na rin yan."

"Ano bang gusto mo? Ang gulo gulo mo rin eh. Edi mahal?"

"Ayoko, balita ko mga nagtatawagan ganiya hindi raw tumatagal, eh."

"Ay, hindi, huwag pala ang mahal kung ganun. Edi baby nalang kase, you are my baby." Kumindat-kindat pa siya.

"Ang bantot! Di yan babagay satin! Hindi na tayo mga bata 'no!" Saad ko.

Saglit akong nag-isip.

"Meron na akong naisip! Adi nalang!" Masayang sabi ko.

"Oh tamo! Nagpa suggest suggest ka sa'kin ending ikaw din na—teka nga, anong adi? Hoy Cristine Calpito, sinong adi pinagsasabi mo? Anong relasyon niyong dalawa? Ipagpapalit mo na ba ako kay diyan? Alam ba ng mga magulang mo yan? Saan mo siya—" sunod-sunod niyang turan ngunit pinigil ko siya.

"Teka nga! Ang dami mo na namang nasabi, hindi kase makapaghintay eh! Adi ang tawagan natin sa isa't-isa. Adi means blessing from God. And since we are each other's gifts from God, maganda yan. Now, gets?" Pagpapaliwanag ko sa kaniya ngunit ang walang hiya ay hindi makapagsalita. 

"Hoy, ano? Gets mo na ba?" Tanong ko pa ulit ngunit ang mokong ay parang natuod na linta habang ang mukha pati ang tenga ay pulang pula.

"Hoy, anyare sayo? Bat parang nagmukha kang kamatis diyan?" Tanong ko habang tatawa-tawa pa. 

"Wala!" Saka siya biglang tumayo at lumabas na ng cafeteria. Dun ko napagtanto ang dahilan ng pagblu-blush ng kaniyang mukha.

"Hoy adii, teka lang hintayon mo ako!" Sigaw ko habang tatawa-tawa pang humahabol sa kaniya.

"Adii wait!" Pang-aasar ko pa ngunit bigla na lang siyang tumakbo ng mabilis at hindi man lang lumingon sa'kin.

"John Paul, my adiiii!"

Napangiti nalang ako habang pinagma-masdan siyang tumakbo. Grabe ang isang John Paul Singpet, namula at tumakbo dahil lang sa callsign.



____________________________________

A/N:

Thank you so much for reading my story, fellas! A simple comment and/or vote would mean so much to me.

One-shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon