"BETTER BOYFRIEND THAN HIM"
Nandito ako ngayon sa club, manonood sa gig ng boyfriend ko.
Drummer kasi siya sa banda and I'm here because I will be supporting him.
Prente lang akong nakaupo rito sa may gilid. Gusto ko sana sa gitna umupo para makita ko silang lahat na magperform pero may mga nauna nang umupo roon. Ngunit papano ay nakikita ko pa rin naman siya rito sa gilid.
Umiinom lang ako rito habang hinihintay silang lumabas.
Nang lumabas na sila, naghiyawan ang mga tao, nakisali na rin ako.
"Ahem ahem, sound check." Pag-test ng vocalist nila sa mic at sa simpleng pag ganun niya ay napuno ng hiyawan ang bar.
He just chuckled.
"Good evening!" Sabi ni Matte, ang vocalist nila. Kilala ko na silang lahat. Pinakilala noon sa akin ni Kurt, ang boyfriend ko, noong nagpractice sila sa bahay nila. Ngunit ang pakilala niya lang sa akin noon ay kaibigan niya hindi boyfriend. Hindi pa raw kasi siya ready na mag-out at naiintindihan ko naman yun kaya hinayaan ko nalang.
Apat silang magkakagrupo. Yung dalawa ay sina Christian at Aldrin, mga guitarist sa kanilang grupo.
Bumalik ako sa reyalidad nang magsalita ulit si Matte.
"Are you guys ready?" Tanong ni Matte.
"Yes!" Malakas naman na sigaw ng mga tao roon.
"Before we start, let me introduce my self first and my band mates. My name is Matte
Cyrus Ford." Pagpapakilala niya sa sarili niya. "Our guitarists' names are Christian Drew Lim and Aldrin John Suarez." Ang dalawa ay kumaway sa mga tao. "And our drummer's name is Kurt Justine Scott." Kumindat naman si Kurt sa kanila.Silang apat ay magkakaibigan na simula pa nung highschool. At lahat sila may mga lahi at galing sa mararangyang pamilya.
"Once again, we are the 4Kings!" Dagdag ni Matte tsaka sila pumunta sa kani-kanilang pwesto.
Nakita kong paling-linga si Kurt na tila may hinahanap. Kumaway-kaway ako para mapansin niya. Nang makita niya ako, malawak siyang ngumiti sa akin at kinindatan ako.
"So, our first song is titled boyfriend by Dove Cameron." Sabi niya tsaka sila nagsimulang tumugtog.
~I can't believe we're finally alone
I can't believe I almost went home
What are the chances? Everyone's dancing
And he's not with you (Hm, hm, hm, hm)Panimula niya sa kanta. Hindi maipagkakailang maganda talaga ang kaniyang boses plus nakadagdag pa ang kaniyang gwapong itsura.
~The universe must have divined this
What am I gonna do?
Not grab your wrist?Tumingin ako kay Kurt. Nakita kong tinitignan niya rin ako. Maya-maya ay kinindatan niya ako kaya ako ay natawa.
Nakita iyon ni Matte.
Hindi man namin nasabi sa kaniya ang totoo, alam kong may alam siya tungkol sa amin.
~I could be a better boyfriend than him
I could do the shit that he never did
Up all night, I won't quit
Thinking I'm gonna steal you from him
I could be such a gentleman
Plus all my clothes would fitHabang kinakanta niya ang chorus ay nakatitig siya sa akin.
Tinignan ko pa kung may tao ba sa likod ko dahil baka namamalik-mata lang ako na ako yung tinitignan niya ngunit wala talagang tao sa likod ko.
Napakunot ako ng noo, nagtataka kung bakit tinitignan niya ako. Pero siguro inaasar lang ako nito sahil nakita niyang kinindatan ako ni Kurt.
~I could be a better boyfriend
BINABASA MO ANG
One-shot stories
Short StoryIba't-ibang kwento. Iba't-ibang dyanra. Iba't-ibang katauhan. Handa ka na bang alamin ang kani-kanilang natatagong kwento? Halina't basahin at alamin.