STORY 6

29 9 0
                                    

"MY PIKON BOYFRIEND" 



"Tapos ayun na nga, bigla siyang tumakbo ng mabilis edi ayun nadapa! Grabe nga yung pagkakabagsak niya kanina eh, tapos maraming tal pa yung nakakita sa kaniya! Hindi talaga ako maka move—." Napatigil ako sa pagkwekwento sa boyfriend ko dahil sa biglang pagbaling nito ng tingin at pangiti sa aking likod. 


Nakakunot ang aking noong bumaling sa likuran ko para tignan kung sino ang nginitian nito sa likod ko. Ngunit pagbaling ng tingin ay nagtaka ako dahil wala namang tao roon. Luminga-linga pa ako para masigurong hindi ako namamalik-matang walang tao. Pero wala talaga akong makita.


Hindi kaya pinagtritripan lang na naman ako ng lalaking 'to?


Binalik ko ang tingin ko sa kaniya. Tama nga ang hinala ko, inaasar na naman niya ako. Pagkaharap na pagkaharap ko kase sa kaniya ay tumawa siya ng malakas.


'Heh!Tadyakan kita diyan eh 'tamo!'


"Gotcha!" Nakangising sabi pa nito. I just rolled my eyes at him and crossed my arms. The latter just chuckled.


'Tse akala mo ikaw lang ha!'


Tumingin din ako sa likod niya at ngumiti. It's time to take revenge!


"Nah, nah. You can't fool me, Nizza. Alam kong wala ring tao sa likod ko." He proudly said then chuckled again.


Hindi ko siya pinansin at kumaway lang ako sa lalaki.


"Hi." I mouthed sa taong kinakawayan ko. The man waved back at me shyly.


Napansin kong tumigil si Denzee sa pagtawa at kumunot ang noo. Tumingin siya sa kaniyang likuran. Nang makitang may kinakawayan talaga ako at lalaki pa, just like The Flash mabilis na nagbago ang timpla ng kaniyang mukha. Wala ka ng makikitang emosyon dito.


Pinagpatuloy ko ang pagkaway sa lalaki para mas lalo siyang asarin.


"Stop it, Nizza." He said coldly.


Ayan na! Nagsisimula na siyang maasar. He held my hand, pilit na pinapatigil sa pagkaway at binababa.


Ngumiti nalang ulit ako sa lalaking sa tingin ko ay nawiwirduhan na rin sa akin pero ngumiti pa rin.


"Urgh! Stop waving and smiling at him, Nizza Isabel!" Frustrated na sabi ng boyfriend ko habang pilit pa ring pinipigilan ang kamay ko at inihaharang ang kaniyang katawan para hindi ko makita ang lalaki. 


"Heh! Ayoko nga! Ikaw nagpasimula eh. Pikon! Pikon!" Binelatan ko pa siya saka ako tumawa. Ayan na naasar na siya!


Binitawan niya ang mga kamay ko saka siya humarap sa'kin. 


"Okay, then. Pumunta ka na run sa kaniya and siya na rin ang gawin mo boyfriend." He said then rolled his eyes at me bago siya naunang maglakad.


"You sure? Pwede?" Sabi ko pa para dagdagan pagkapikon niya.


He stopped walking. He clenched his fist and breath heavily. Pero ilang segubdo lang ay nagpatuloy na naman siya sa paglalakad. This time, mas mabilis na.


Tignan mo, sinimulan niya pero siya napikon. Napaka-pikunin talaga nitong lalaking mahal na mahal ko.


"Hoy! Denzee pikon, hintayin mo akoo! Hoy my pikon boyfriend, wait for me!" Sigaw ko sa kaniya habang tumatakbo pa para mahabol siya dahil napakabilis niya talagang maglakad.


'Tong lalaking 'to, ang lakas mang-asar pero pag siya naman inasar, pikon na pikon! Mahaba-habang suyuan na naman ang magaganap dito!



____________________________________

A/N:

Thank you so much for reading my story, fellas! A simple comment and/or vote would mean so much to me.

One-shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon