"MARRY YOUR DAUGHTER"
Kasalukuyang nag-aayos ng higaan si Kyla kasama ang kaniyang ama at ang kapatid niyang si Zyla. Wala na ang kanilang ina, pitong taon na ang nakalipas. Namatay ito matapos ipanganak ang kaniyang bunsong kapatid.
Habang nag-aayos, nakarinig sila ng kanta na nanggagaling sa labas ng kanilang bahay.
~Sir, I'm a bit nervous
'Bout being here today
Still not real sure of what I'm going to say
So bare with me please
If I take up too much of your time~
Napatigil sa pag-aayos si Kyla. Hindi siya maaring magkamali. Kilalang-kilala niya ang boses na ito.
Dumungaw siya sa bintana mula sa ikalawang palapag ng kanilang munting bahay. Hindi nga siya nagkamali, ang malamyos na boses na kanilang naririnig ay pagmamay-ari ng kaniyang kasintahan. Si Jayian ang kumakanta at kasama pa nito ang kaibigan niyang si Ariel na siyang may hawak ng gitara.
Bakas ang gulat at pagtataka sa kaniyang mukha nang makita ang kaniyang kasintahan na kumakanta sa tapat ng kanilang bahay. Ngunit mas namutawi ang lakas ng kabog ng kaniyang puso at kilig na nararamdaman.
~But you see, in this box is a ring for your oldest
She's my everything and all that I know is
It would be such a relief if I knew that we were on the same side
'Cause very soon I'm hoping that I~
"Hala, si kuya Jayian kumakanta!" Masayang wika ng kapatid niya. Hindi niya namalayan na nasa tabi niya na ito maging ang kaniyang ang ama.
"Halika na anak, bumaba na tayo. Hinihintay ka na ng prinsipe mo." Nakangiting wika ng kaniyang ama sa kaniya saka siya nito hinawakan sa magkabilang balikat upang lumakad na.
Sumama na rin sa kanila ang kapatid niya. Lmulundag-lundag pa ito habang naglalakad. Gustong-gusto kasi nito ang musika.
~Can marry your daughter
And make her my wife
I want her to be the only girl that I love for the rest of my life
And give her the best of me 'til the day that I die, yeah~
Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nadarama habang papalapit sila sa lalaking mahal na mahal niya.
Hindi niya mapigilang mapangiti nang nasa harapan na niya ang kaniyang kasintahan. Gusto niyang maiyak sa labis na saya pero pinipigilan niya ang sarili niya.
~I'm gonna marry your princess
And make her my queen
She'll be the most beautiful bride that I've ever seen
I can't wait to smile
As she walks down the aisle
On the arm of her father
On the day that I marry your daughter~
Pumalakpak si Zyla pagkatapos ng kanilang kanta habang binubuksan ng kanilang ama ang kanilang gate. Samantalang nanatiling nakatayo si Kyla at nakatingin sa kaniyang kasintahan.
Pinapasok ng ama ang dalawang binata.
"Magandang gabi po, Tito Michael." Bati ni Jayian saka nagmano sa kaniyang ama.
"Good eve po, Tito." Bati rin ni Ariel.
"Hi mahal. Hi Zyla." Bati rin ni Jayian sa dalawa sabay halik sa noo ni Kyla at ginulo ang buhok ni Zyla.
"Hi kuya, Jayian!" Masayang saad ni Zyla.
"Magandang gabi rin sa inyo mga iho." Sagot naman ng kanilang ama.
"Pasensya na po Tito kung mukhang nakaabala po kami sa inyo." Paghingi nito ng tawad sa ama nila. "Gusto ko lang po sabihin na nais ko pong pakasalan ang inyong anak. At nais ko pong tanungin ito sa inyo ng personal. Maaari ko po bang pakasalan ang inyong anak, Tito?" Dagdag nito.
Ngumiti naman ang ama nila at hinawakan ang binata sa balikat.
"Wala sa akin ang desisyon iho, pero kung ako ang tatanungin, gusto kita para sa anak ko."
Labis ang naramdamang saya ni Jayian nang marinig ang sinabi nito sa kaniya tsaka siya humarap at lumuhod sa harap ni Kyla.
"Kyla May Calamayan, will you marry me?." Sinserong tanong nito sa kaniya.
Tinignan muna nito ang kaniyang ama, tumango ito sa kaniya at ngumiti. Pagkatapos ay tinignan niya ang kapatid niya at nag thumbs up ito sa kaniya. Tsaka siya tumingin sa kaibigan nitong si Ariel at ito'y ngumiti sa kaniya.
Ipinako niya ang kaniyang paningin sa kasintahan. Tumango siya nang dahan-dahan.
"Y-yes Jayian, I will marry you."
Tumayong bigla si Jayian at niyakap si Kyla nang mahigpit.
"I love you, Kyla May Calamayan." Bulong nito sa kaniya bago humiwalay.
"Mahal na mahal din kita, Jayian." Tsaka niya sinuot ang singsing sa kamay ng dalaga. Doon ay tuluyan nang tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata na kanina niya pa pilit pinipigilan.
Hinawakan ni Jayian ang mukha ni Kyla saka pinagdikit ang kanilang mga noo. Hinalikan siya nito nang marahan.
"Ehem ehem, nandito pa kami mga anak." Pagputol ng kanilang ama sa kanila.
"Hala, nagkiss si ate at kuya!" Singit naman ni Zyla saka tinakpan ang mga mata ngunit huli na sapagkat nakita na niya rin ito.
"Wews hoo!" Sipol naman ni Ariel sa kanila saka tumalikod.
Tumigil ang dalawa at tumingin sa mga kasama tsaka sabay-sabay na natawa.
____________________________________
A/N:
Thank you so much for reading my story, fellas! A simple comment and/or vote would mean so much to me.
BINABASA MO ANG
One-shot stories
Short StoryIba't-ibang kwento. Iba't-ibang dyanra. Iba't-ibang katauhan. Handa ka na bang alamin ang kani-kanilang natatagong kwento? Halina't basahin at alamin.