STORY 15

17 5 0
                                    

"FRAME-UP"

"I didn't do it! Bitawan niyo ako!" Umalingawngaw ang sigaw na iyon ng isang babae sa napakaraming tao sa loob ng police station.

Humarap siya sa mga pulis maging sa ina ng biktima.

"Tita Hazel, believe me I didn't do it. M-mahal na mahal ko po ang anak niyo. Hindi ko po siya kayang p-patayin." She said as she faced the woman.

Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mga mata ng ina ng biktima. Inalo siya ng kanyang bunsong anak na babae.

"Aireen, maniwala ka kay ate hindi ko yun magagawa sa k-kuya mo." Pagmamakaawa naman niya sa babaeng kapatid ng lalaki.

"How can you explain the blood in your hands and shirt then, huh?! Bakit ikaw ang naabutan doon na nakahawak ng kutsilyo!" She shouted. "Ate S-sharlene...mahal na mahal ka ni k-kuya eh. Ikaw palagi ang una sa k-kaniya. Ikaw palagi nasusunod. I-ikaw muna bago kami. Ganun ka niya kamahal!Pero bakit nagawa mo siyang p-patayin?!" Her voice cracked as she said those words then started to burst out crying.

"N-no..N-no..No..Trust me hindi ko siya p-pinatay." Iiling-iling niyang sinabi saka nagsimulang umiyak. "Pumunta ako sa room namin p-para sana yayain siyang magswimming p-pero..nadatnan ko siyang naliligo na sa kaniyang sariling d-dugo. Sinubukan kong p-patigilin ang dugo pero ayaw tumigil.." Tumigil siya sandali at pinunasan ang kaniyang mga luha."Tumayo ako a-at lalabas na sana para humingi ng t-tulong pero may nakita akong k-kutsilyo. Kinuha ko ito dahil alam kong pwede itong maging e-ebidensiya...Pero n-nagkamali ako dahil maari akong mapagbintangan dahil dun at i-iyon nga iyong nadatnang nakita ng janitor." Dagdag niya sa kwento niya tungkol sa nangyari.

Nanatiling nakinig ang mga pulis samantalang iyak naman ng iyak ang mag-ina.

"B-believe me Tita Hazel, Aireen. Hindi ko magagawa iyon kay A-arman." Lumapit ito sa kanila at hinawakan ang mga kamay ngunit tinabig lang nila ito. "Maniwala po kayo. Hindi po ako yun." Pagtanggi niya.

"Kung hindi ikaw, sino ang pumatay sa kaniya?! Sino ha?! Sino Sharlene?!" Pagalit na tanong ng nanay ng  biktima.

"I-im not sure Tita but i know someone is trying to framed me u—." Napatigil siya sa pagsasalita nang may nakita siyang pigura ng tao na tila pamilyar sa kaniya.

Nagsimula siyang lumapit dito at sinundan ito ng tingin ng mga tao sa loob.

"Ikaw!" Tinuro niya ito."Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Aminin mo sa kanilang lahat na ikaw ang pumatay!" Dagdag niya habang dinuro-duro niya ito.

Labis na pagtataka, gulat, at takot ang sumilay sa mukha ng mga tao sa loob lalong-lalo na ang mag-ina.

"Aminin mo sa kanila na ginawa mo yun dahil naiinggit ka! Dahil nagseselos ka! Dahil gusto mo sayo lang siya palagi at hindi mo matanggap na palagi nalang pamilya niya ang inuuna niya! Aminin mong p-pinatay mo ang boyfriend ko!" She shouted saka niya sinampal ito ng paulit-ulit.

Hindi na napigilan pa ng ginang ang mapaupo at mapahagulgol ng iyak dahil sa mga rebelasyong nasabi ng babae.

Samantalang lumapit naman ang mga pulis sa babae upang pigilan ito sa kaniyang ginagawa.

"Huliin niyo at ikulong niyo ang babaemg ito. Siya ang tunay na may kasalanan. Siya ang pumatay sa boyfriend ko!" Sabi niya sa mga pulis.

Nagtinginan naman ang pulis dahil sa napagtanto nila.

"Ano pang hinihintay niyo?! Handcuff her bago pa siya makawala!" Sigaw nito sa mga pulis.

Nagtaka siya nang biglang hinawakan siya ng mga pulis at posasan.

"Ha? T-teka? Bakit niyo ako pinoposasan?! Hindi ako ang may kasalanan! Ang babaeng ito ang may sala! Ano ba?! Bitawan niyo ako!" Pilit siyang nagpumiglas ngunit huli dahil naikulong na nila ang kaniyang mga kamay.

"Nakaharap ka sa salamin, Ma'am Sharlene. You're talking to your reflection. You are referring to your self. " Ani ng isang pulis.

She frozed.

She then laughed and cried again while mumbling, 'Hindi ako ang pumatay' repeatedly.

"You're under arrest of killing Mr. Arman, your boyfriend, Ms. Sharlene Reyes." Sabi ng isang pulis sa babae habang inaalalayan itong maglakad.

Napatayo at naglakad papalapit ang kapatid ng biktima sa babae.

"You crazy monster! You killed my k-kuyaa!You deserve to rot in jail! We trusted you ate Shar, how...how could you do this to him?!" She said while crying so hard then she slapped the girl many times but the latter just laughed at her then cried again.

She's indeed a crazy monster.

And it turned out that the girl is really being framed up.

Being framed up on her own.

____________________________________

A/N:

Thank you so much for reading my story, fellas! A simple comment and/or vote would mean so much to me.

P.s. This is my fave part so far. What's yours?

One-shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon