"THE DAY YOU SAID GOODNIGHT"
"Ang ganda ng mga stars 'no, Justine?" Nakangiting saad ni Karen habang nakaturo ang kamay sa mga bituwin.
Nandito kami ngayon sa rooftop ng hospital at kasalukuyang nakaupo. Ako na nakaupo sa bench dito at si Karen naman na nakaupo sa kaniyang wheelchair.
Gusto niya raw makalanghap ng sariwang hangin kaya hindi na kami nag-atubiling dalhin siya rito. Sapakat hangga't maaari ay gusto naming lahat na gawin lahat ng nais niya.
She looked pale. Sobrang payat na rin niya. Makikita mo talagang sobrang laki ng mga pinagbago niya lalong-lalo na sa pangangatawan niya.
"Mas maganda ka pa rin kaysa sa mga bituwin, mahal ko." Sagot ko habang nakatingin sa kaniyang magagandang mga mata.
"Bolero ka pa rin talaga hanggang ngayon." And then she laughed slightly.
Napakaganda niya talaga kapag ngumingiti siya, lalong-lalo na kung tumatawa siya.
"Alam mo ba, nabasa ko dati sa isang post sa Facebook na kapag daw namatay ang isang tao, yung kaluluwa niya ay napupunta raw sa mga bituwin." She said while smiling.
Biglang nalukot ang mukha ko. Bigla akong naging seryoso dahil tila mukhang may gusto siyang ipahiwatig, tila hindi maganda ang patutunguhan ng pag-uusap namin.
"Karen..." I called her name to get her attention. She's still staring at the stars.
"Yung sa akin kaya mapupunta roon? Gusto ko pag namatay ako, sana sa pinaka-maliwanag na bituwin ako mapunta para ako yung magstand out sa lahat. At para na rin mabilis niyo akong mahagilap kung sakali. Maganda iyon hindi ba, Justine?" Nakangiting tanong niya nang humarap siya sa akin na akala mo ay parang walang iniinda.
"K-karen, stop." I cupped her face at doon ay tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina pa pilit gustong kumawala sa aking mga mata.
Umiling-iling si Karen, pilit na tinatanggal ang mga kamay kong nakahawak sa kaniyang mukha.
"N-narinig ko kayo, Justine. Narinig ko k-kayo! Sabi ng d-doctor...hindi na raw kaya ng katawan k-ko. Kumakalat na ang mga c-cancer cells sa katawan ko." Napahagulgol na siya sa pag-iyak pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon.
Nababasag ang puso ko sa nakikita ko at mga naririnig ko sa kaniya. Hindi ko siya kayang makita na ganito, nasasaktan ako.
"N-no, no...Magagamot pa yan, K-karen." Pangungumbinsi ko sa kaniya habanag pilit na pinapaharap siya sa akin.
"N-no, Justine!! Stage 4 na yung cancer ko! Hindi na to magagamot pa!" Sigaw niya sa akin habang nagpupumiglas na kumawala sa akin. " H-hindi ko na rin kaya pang lumaban, J-justine." Dagdag pa niya.
"H-hey, hey, no...L-look at me. Kakayanin mo yan, Karen. Malalabanan mo yan. Nandito lang kami p-para sayo. I-ilalaban ka namin hanggang dulo, kaya please, huwag mo kaming sukuan." Lumuhod na ako sa harap niya, nagmamakaawa, pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit dahil ayokong bumitaw siya.
"Pero...p-pagod na pagod n-na ako, Justine. Hindi ko na talaga kayang...l-lumaban pa." Nanghihina at nahihirapang wika niya.
"N-no...n-no. P-please, no..." Umiling-iling ako, hindi tinatanggap ang kaniyang mga sinasabi.
"Hindi n-na kaya ng katawan k-ko. Kaya h-hayaan niyo na ako, hmm?" Mahinang usal niya tsaka hinaplos ang aking mukha.
"Hindi k-ko kaya, a-ayoko."
Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakapatong sa aking mukha tsaka hinaplos-haplos din.
"P-please, Justine." Pagmamakaawa niya ngunit tanging iling lang ang naisagot ko sa kaniya.
Hindi ko siya kayang makitang ganito, umiiyak at nagmamakaawa sa akin na hayaan ko na siya, na hayaan na namin siya dahil pagod na siya.
Ayokong makita siyang ganito na nahihirapan nang dahil sa amin, sa akin, pero hindi ko rin makakayang bitawan siya. Hindi ko makakayang mawala siya sa akin. Hindi ko makakayang hindi na siya makita pa.
"H-halika, umupo ka na rito sa tabi k-ko at kwentuhan mo nalang ako." Nag-aalangan man ay sinunod ko ang gusto niya. Hindi na ako nagpumilit pa.
I looked at her intently. Damn! Why does it have to be her?! She doesn't deserve this. Sana ako nalang. Sana ako nalang yung nasa sitwasyon niya.
Ngumiti lang siya sa akin na para bang sinasabi na magiging ayos din ang lahat.
"Anong...o-oras na?" Biglang tanong niya sa akin nang makaupo ako.
Tinignan ko naman ang relo ko.
"9:57 na." Ngumiti lang siya pagkatapos kong banggitin iyon.
"Pagod na p-pagod na talaga ako, Justine." Aalma na naman sana ako ngunit mabilis niyang inilapit ang kaniyang hintuturo sa aking labi para patigilin ako.
"Sabihin mo sa p-pamilya ko, mahal na mahal ko s-sila." Ngumiti siya ngunit may tumulo na namang luha sa mga mata niya.
"At...mahal na mahal din kita, Justine." Humarap siya sa akin at saka lumapit. Bago pa man ako makapagsalita, naramdaman ko nalang ang kaniyang labi na lumapat sa aking labi.
Pinagdikit namin ang aming mga noo. Tinignan ko ang kaniyang mga mata. Punong-puno ng luha ngunit makikita mo ang saya.
Handa na ba ako? Kaya ko bang tanggapin?
"Mahal na...m-mahal din k-kita, Karen." Nahihirapang usal ko.
Lumayo kami sa isa't-isa at umayos ng upo. She leaned her head on my shoulder.
"Gusto ko nang magpahinga, m-mahal ko. Gusto ko nang matulog. Goodnight" pagkasabi niya ay ngumiti siya sa akin bago niya tuluyang ipikit ang kaniyang mga mata.
Makalipas ang ilang minuto, napansin kong hindi na siya gumagalaw. Napansin kong hindi na siya humihinga.
"Karen?" Tinapik-tapik ko siya nang marahan.
"H-hey, Karen?"
Kinabahan ako. Pilit ko siyang ginigising ngunit wala akong makuhang sagot. Until it hits me.
She is not breathing anymore.
"N-no! K-karen!!!!" Sigaw ko habang niyuyogyog pa ang katawan niya.
"P-please...N-no, n-no...Wake up, Karen!!" Napahagulgol nalang ako sa pag-iyak.
Kasabay ng pagtunog ng aking relo na hudyat ng alas dies, ang siyang pagliwanag ng isang bituwin sa langit.
"Natupad na g-gusto mo, m-mahal ko. Mahal na m-mahal kita" Tsaka ko hinayaan ang sarili ko na lamunin ng lungkot at sakit.
At exactly 10:00 pm,
The day she said goodnight,
She died.
____________________________________
A/N:
Thank you so much for reading my story, fellas! A simple comment and/or vote would mean so much to me.
The next update will be on Wednesday!
BINABASA MO ANG
One-shot stories
Short StoryIba't-ibang kwento. Iba't-ibang dyanra. Iba't-ibang katauhan. Handa ka na bang alamin ang kani-kanilang natatagong kwento? Halina't basahin at alamin.