"PANAGINIP"
Naglalakad ako rito sa corridor ng aming classroom nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Marie Juana Delos Reyes!" Tawag ng kung sino sa aking likod.
Nainis akong humarap sa aking likod. Ayaw na ayaw ko kasing tinatawag ako sa buong pangalan lalo na kapag pinagsasama ang una at pangalawa kong pangalan. Nagmumukha kase iyong ipinagbabawal na gamot. Ewan ko ba sa mga magulang ko at iyon yung pinangalan sa akin. Mga adik siguro sila nung ginawa ako.
Bumalik ako sa reyalidad
"Ano na naman ba ang—!" Hindi ko na maituloy pa ang sasabihin ko nang makita ko kung sino ang tumawag sa akin.
Inayos ko ang aking buhok. Sinuklay-suklay ko ito gamit ang aking mga daliri tsaka ko inilagay sa aking tenga ang mga naiwang buhok na tumatakip na sa aking mukha.
"Oh, ikaw pala, L-lester. Ano iyon?" Pabebe kong tanong sa kaniya.
Hindi kasi ako makapaniwala na kinakausap na niya ako. Sa school kasi namin parang hangin lang ako sa kaniya, ni hindi niya nga alam na nag-eexist ako.
Ako naman eto, yung tahimik lang gilid na pinagpapantasyahan siya.
"I've been wanting to tell you this." Hinihingal niyang sabi. Napagod sa pagtawag at paghabol niya sa akin.
"H-ha? Ang a-alin?" Uutal-utal kong tanong.
Sino ba naman kaseng mauutal kung yung heartthrob sa school niyo kinakausap ka! Sinong di mauutal kung yung crush mo kaharap mo!
"I like you. And I want to court you." Deretso niyang sabi habang nakatingin sa aking mga mata.
Siyempre kahit gustong-gusto kong mag-oo agad, kailangan ko pa ring magpakipot ng very light.
"Bakit a-ako? Madaming iba riyan na nagkakagusto sayo tsaka mas maganda sa akin. S-sila nalang ligawan mo." Kunwaring malungkot kong sabi tsaka yumuko.
Ngunit lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking baba. Iniangat niya ito nang bahagya para makita ko siya sa mata.
"Well, I don't care about them. I don't like like them. It's you whom I like and whom I wanted to court to." Sabi niya tsaka inilapit ang mukha.
Naramdaman kong gumalaw ang mga bulate sa aking tiyan. Oo, mga bulate talaga hindi mga butterflies dahil para lang iyon sa mga magaganda hindi sa kagaya kong dugyutin.
"So, can I court you?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
Tumango naman ako at ngumiti. Pagkatapos nun ay ngumiti rin siya nang napakalaki.
Unti-unti niyang nilapit ang kaniyang mukha sa akin kaya unti-unti ko ring isinara ang mga mata ko.
Ngunit bago niya pa ako tuluyang mahalikan ay may tumawag sa akin.
Palapit ito nang palapit at palakas nang palakas. Hanggang sa may narinig akong kaserola na pinupokpok.
Napamulat agad ako ng mata.
"Jusmeyo kang bata ka! Kanina pa kita ginigising! Male-late ka na sa school!" Sigaw ng Nanay ko sa akin tsaka ipinalo ang hawak niyang sandok.
"Nay, naman eh! Bat niyo po ako ginising?! Magki-kiss na po kami ni Lester eh!" Inis kong sabi sa nanay ko, maiiyak na dahil hindi natuloy yung kiss namin ni Lester.
"Aba talagang sumasagot ka pa ha! At anong kiss kiss ang pinagsasasabi mo riyan ha?! Ang bata bata mo pa, pati sa panaginip lumalandi ka!" Pasigaw na sabi ngiya tsaka inambahan ulit ako ng palo.
"Eh, kase naman Nay, eh, dapat hindi mo ako ginising. Yung crush ko na yung manghahalik sa akin."
"Aba kung hindi kita ginsing, male-late ka na sa school! Tumayo ka na nga diyan at maligo!"
"Opo, Nay! Eto na, eto na!" Tsaka agad akong tumayo at lumabas na ng aking kwarto.
Ang saklap naman panaginip lang pala iyon. Pero mas masaklap na ginising ako ni Nanay nung maghahalikan na kami!
____________________________________
A/N:Thank you so much for reading my story, fellas! A simple comment and/or vote would mean so much to me.
BINABASA MO ANG
One-shot stories
Short StoryIba't-ibang kwento. Iba't-ibang dyanra. Iba't-ibang katauhan. Handa ka na bang alamin ang kani-kanilang natatagong kwento? Halina't basahin at alamin.