STORY 16

19 5 0
                                    

"HEATHER"

Kasalukuyan akong nasa gilid ng daan ngayon, kumakain ng fishball kasama si Conan, my childhood best friend.

"Grabe, ang sarap talaga ng fishball!" Masayang sabi niya.

"Agreed!" Pagsang-ayon ko naman.

"Ooh wait, Cindy, tignan mo yun oh!" Biglang sabi niya tsaka may kung itinuro sa aking likod.

Agad ko naman itong nilingon. Ngunit bigla akong nagsisi at nanlumo na lumingon pa ako dahil ang walanghiyang lalaking 'to ay kumukuha na pala ng fishball.

"Hoy, Conan, ibalik mo yan! Bakit ka kumuha ng fishball ko?!" Sigaw ko sa kaniya tsaka sinimulan siyang habulin.

Ngunit ang gago ay mabilis na isinubo ang nakuha niya.

"Sige! Kunin mo dito!" Sabi pa niya tsaka ngumanga.

"Kadiri ka talaga kahit kailan! Palitan mo yun! Andami-dami pa ng iyo tapos kukuha ka sa'kin. Palitan mo yun kung ayaw mong isumbong kita kay Tita!" Pananakot ko sa kaniya.

"Go on, Cindy!" Panghahamon pa niya tsaka  bumelat na parang nang-iinsulto.

"Urghh! Nakakainis ka talaga! Kuhang-kuha mo pagkainis ko, sagad hanggang buto!" Naiinis kong sabi sa kaniya but the latter just laughed.

Maya-maya lang ay bigla kaming napatigil sa pag-aaway nang dumaan si Heather, ang babaeng gusto niya.

"Fvck! Ang ganda niya talaga!" Bigla niyang nasabi nang makita niya ito.

"A-agreed." Nahihirapang litanya ko.

Bigla siyang hindi mapakali nang tumingin sa kaniya si Heather at nagsimulang maglakad papunta sa direksyon namin.

"Oh shit! She's coming towards our direction!" Humarap siya sa akin. "Cindy, look at me, do I look clean right now? Do I look handsome?" Sunod-sunod niyang tanong.

I just nodded my head, unable to speak because of sudden ache in my heart.

Prente siyang tumayo nang makalapit sa amin si Heather.

"Hey, Conan." Bati niya.

"H-hey, Heather." Nauutal niyang bati.

Hinintay ko siyang ipakilala ako pero wala.  Ganun nga talaga siguro kapag taong gusto mo na yung kaharap mo, nakakalimutan mo lahat pati ang paligid mo.

Tumikhim ako ngunit tila wala talaga siyang naririnig. Kung di pa ako tinignan at tintanong ni Heather ay hindi pa ako nito papansinin.

"And you are?" Nakangiting tanong nito sa akin.

"Ah, Heather, she's Cindy. Cindy, Heather." Iminuwestra niya ang bawat isa sa amin.

We shook our hands off and smile at each other.

Aside from she's pretty, she's so kind too. Walang-wala ako.

"Hey, look what I'm wearing." Binaling niya ang tingin kay Conan.

"That's my s-sweater." Hindi makapaniwalang sabi ni Conan.

Tinignan ko ito. Doon ko napansin na she's wearing Conan's favorite sweater. Alam ko dahil iyon rin yung ipinahiram niya sa akin noong December 3.

Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari noong araw na iyon.

Nasa rooftop kami ng bahay nila noon nang ibigay niya ang kaniyang sweater na 'yun sa akin. Gabi iyon at nags-star gazing kami.

Sobrang ganda ng moment na yun para sa akin. Yung pakiramdam na naramdaman ko before, alam ko pa rin hanggang ngayon.

And ngayon, ang sakit isipin na ipinahiram niya rin sa iba, sa taong gusto niya pa talaga.

Napabalik ako sa reyalidad nang tawagin ni Heather ang pangalan ko.

"Hey, Cindy, do you wanna come with us? Punta kaming coffee shop." She asked.

Tinignan ko si Conan. Ngumiti siya sa'kin pero yung ngiti niya ay mas gustong ipabatid. Alam ko na ang nais niyang gawin ko.

I shook my head.

"Ah h-hindi na, Heather. Next time nalang, may ano..may k-kukunin pa kasi ako sa classroom namin. K-kayo nalang." Saad ko.

"You sure?" I nodded. "Okay, then. See you next time?"

"S-sige."

Nung tumalikod na sila palihim na humarap sa akin si Conan tsaka nag-thank you.

"Thank you." Binasa ko ang sinabi ng bibig niya. Ngumiti lang ako.

Nang makalayo na sila doon tumulo ang luhang kanina pa gustong kumawala.

"Damn! I wish I was her. I wish I was Heather." Nasabi ko nalang bago pinunasan ang luhang tumulo sa aking mata. "Sakit niyo sa mata." Saad ko pa bago tuluyang umalis sa kinatatayuan ko.

____________________________________

A/N:

Thank you so much for reading my story, fellas! A simple comment and/or vote would mean so much to me.

One-shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon