"SECRET RELATIONSHIP"
"Kervin, ibigay mo na kasi sa akin yan!" Sigaw ni Geraldine habang pilit na inaagaw yung pentel pen sa kaniya.
"Ayoko nga. Kunin mo kung kaya mo. Talon, Ms. President, talon!" natatawang usal naman ni Kervin habang iwinawagayway pa paitaas ang pentel pen.
"Kapag hindi mo binigay sa akin yan, tatanggalin talaga kita bilang SSG Officer, Mr. Kervin Vista. Huwag mo akong subukan, sinasabi ko sayo." pananakot ni Geraldine sa kaniya but the latter just smirked.
Maya-maya ay natigil ang dalawa dahil sa pagdating ng kanilang mga kasama.
"Seriously guys? Pati ba naman sa simpleng pentel pen nag-aaway pa rin kayo? Hanep kayo ha, walang pinapalampas." Nakapalumbabang tanong ng kararating lang na si Annabelle, ang kanilang secretary.
Tumawa naman ang dalawang lalaki at isa pang babae na kasama niya. Si Gerome na kanilang SSG auditor. Si Nicole bilang isang SSG treasurer. At si Sherwin na kanilang escort.
Ang ibang mga kasama nilang officers ay hindi pa dumarating. Nandoon palang sila sa cafeteria, marahil ay bumibili pa ng pagkain.
Kasalukuyan silang nasa SSG room ngayon para sa planong pagme-meeting. Pag-uusapan nila ang tungkol sa gaganaping okasyon sa kanilang paaralan.
"Oo nga Pres. and Vp., palagi nalang kayong nag-aaway sa mga walang kwentang bagay, sa mga maliliit na bagay. Nung nakaraan nag-away kayo dahil lang mas nauna siyang bigyan ng pancit ng tindera sa cafeteria, ngayon naman pentel pen? Grabe, para kayong mga bata." Mahabang litanya ni Gerome. "Mamaya kayo pala ang magkatuluyan niyan ha, gaya ng ating muse at escort." Dagdag pa niya tsaka tumawa ng malakas.
"Tama, tama! Naalala ko rin dati, sa ganiyan nagsimula yung relasyon ng lolo at lola ko eh. From enemies to lovers. Baka kayo talaga ang para sa isa't-isa, ores and vp!" gatong naman ni Nicole.
"A-ano ba! Tumahimik nga k-kayo! Tara na nga at mag-meeting!" Sigaw na sabi ni Geraldine sa kanila.
"Or baka naman..." Binitin ni Sherwin ang kaniyang sasabihin, hindi pinansin ang sinabi ng kanilang SSG President. "Sila na kasi guys hindi lang nila sinasabi o pinapahalata sa atin? Tapos baka yung mga pinapakita nilang pag-aaway kunware lang para hindi natin sila mabuko?" Dagdag nito na dahilan ng paghiyaw ng mga babae at pagtawa ng mga lalaki. Ngunit si Geraldine ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa labis na inis niya sa kaniyang mga kasama.
"That's absurd! What are you guys t-thinking?! Never ever mangyayari yan! Kervin? Oh no freaking way!" Naiinis niya ng sabi.
"Uyy si pres and vp, sila na! Dine-deny lang." Tudyo ulit sa kanila ni Gerome.
"Oh shut up guys! Nakakadiri ang mga pinag-iisip niyoo! Pwede ba? Never magiging kami niyan okay?! Over my dead body!" Iritadong sabi ulit ni Geraldine sa mga kasama niya ngunit tumawa lamang sila.
"Wahh sanaol naman pres! Whenn naman kaya ang sa akin?!" sabi naman ni Annabelle tsaka nagkunwaring malungkot.
"Nandito naman kasi ako, Annabelle eh. Ayaw mo lang ako pansinin!" Sagot ni Gerome sa kaniya habang natatawa tsaka kinindatan siya.
"Tsee! No way! Ayoko sayo, pangit mo kaya! Hindi ka pa naliligo!!" Nandidiring saad ni Annabelle habang ikinukumpas ang kamay palayo kay Gerome.
Tumawa naman sina Nicole, Sherwin at Kervin habang si Gerome ay nagkunwaring nasaktan sa mga sinabi ni Annabelle. Samantala, makikita pa rin ang labis na pagkairitado sa mukha ni Geraldine.
"Pero hay nako, pres umamin na kayo. Tayo lang naman makakaalam eh, promise!" pangbabalik ulit ni Nicole sa usapan nila kanina.
"Oo nga pres. Or vp ikaw nalang magsabi." Sabi naman ni Sherwin but Kervin just shrugged his shoulder then chuckled.
"No comment." Then he zipped his mouth.
"Urghh you guys are really so annoying!! Wala kaming aaminin dahil walang kamii, okay?!! Get it people!?" Inis na inis na talagang wika ng kanilang SSG President pagkatapos ay walang malay na hinawakan ang kamay ni Kervin.
"Let's go, baby." Tsaka tumalikod na.
But before she could even step her feet again, a realization hits her. She stopped walking.
"Oh s-shit!" She mumbled as she let go of Denver's hand then face her co-officers.
She looked at them and smiled awkwardly. Samantala, ang mga kasamahan niya ay may gulat sa kanilang mga mukha at pilit na pinipigilang tumawa.
"D-don't start. I-it's not...w-what you think g-guys." Nahihirapang usal ni Geraldine sa kaniyang mga kasama. Hindi na rin ito makatingin pa sa kanila ng derestso.
Samantalang si Kervin ay nanatiling nakangiti at pilit ring pinipigilan ang kaniyang tawa.
"Ha? Alin pres? Wala po kaming naririnig ha. May narinig ba kayo guys? Di ba wala?" Annabelle said trying to suppressed her laugh.
"Oo nga pres, wala naman po kaming narinig. Wala ka naman pong sinasabi eh. Promise po, wala talaga kaming narinig. Over our dead body. " Saad din ni Nicole sa kanila habang pinipigilang matawa.
"Yes, baby...I mean yes po pres, wala kaming narinig talaga. As in wala." Pakikisali na rin ni Gerome at Sherwin.
Dahil sa labis na hiya, hindi na napigilan na umalis ni Geraldine ngunit hinila niyang muli si Kervin tsaka sabay na lumabas sa kwartong iyon.
Pagkalabas nila ay humagalpak ng tawa ang apat dahil hindi nila akalaing kakainin ni Geraldine ang kaniyang mga sinabi.
"Baby pala ha." Nasabi nalang nila sa kanilang isip saka sabay-sabay na tumawa ulit ng malakas.
____________________________________
A/N:
Thank you so much for reading my story, fellas! A simple comment and/or vote would mean so much to me.
BINABASA MO ANG
One-shot stories
Short StoryIba't-ibang kwento. Iba't-ibang dyanra. Iba't-ibang katauhan. Handa ka na bang alamin ang kani-kanilang natatagong kwento? Halina't basahin at alamin.