"PATIENT 304"
Hay nakakapagod talaga ang buhay doctor.
Nandito ako ngayon sa harap ng elevator, tahimik na naghihintay na magbukas ito.
Nang magbukas ito, agad akong naglakad papasok sa elevator.
Pinindot ko ang 1.
Katatapos lang ng aking duty kaya ako ay uuwi na.
Nang malapit nang magsara, may biglang pumasok.
Sinundan ko siya ng tingin.
Yung pasyente pala sa room 304.
Tumingin ako sa kaniya.
"Oh, nay Celia kayo po pala. Saan po kayo pupunta?" Maligayang tanong ko sa kaniya ngunit wala akong nakuhang sagot. Ni hindi man lang siya tumingin sa akin. Nakatingin lang siya ng deretso sa pinto ng elevator.
"Ah, nay Celia, bakit po kayo nandito at wala kayo sa kwarto?" Tanong ko ulit ngunit hindi pa rin siya sumagot.
"Nay Celia, may kailangan ho ba kayo?" Pangatlong tanong ko ngunit wala pa rin akong nakuhang sagot kaya pinabayaan ko na.
Siguro ayaw lang magsalita ni Nanay o baka hindi niya ako naririnig.
Nagkibit balikat nalang ako tsaka humarap din ng deretso sa elevator.
Nang magbukas na ang elevator, bigla na siyang lumabas.
"Oh, nay saan po kayo pupunta?" May kalakasang pagkakasabi ko dahil medyo malayo na ang kaniyang nilakad. Ngunit sa pang-apat na beses ay wala pa rin akong narinig na sagot sa kaniya kaya pinabayaan ko nalang.
Lumabas na rin ako ng elevator. Doon ay nakita ko si kuya Abner, ang isa sa janitor dito sa hospital, na tinitignan ang daang tinatahak ni Nanay Celia.
Nang humarap siya sa akin ay nakakunot ang kaniyang noo, tila nagtataka.
"Oh, kuya Abner, ikaw po pala. Kamusta po trabaho?" Pagbati ko sa kaniya.
"Maayos naman po ma'am." Sagot niya naman.
"A-ah, ma'am p-pwede po bang magtanong?" Nag-aalangan niyang sabi sa akin.
"Sure po kuya. Ano po iyon?" Pagsang-ayon ko.
"M-ma'am sino po yung k-kinakausap niyo kanina?" May halong pagtataka at takot na kaniyang tanong.
Nagtaka naman ako kung bakit ganun ang tanong niya dahil nakakasiguro naman akong kilala niya iyon ngunit sinagot ko nalang.
"Ah si Nanay Celia po, kuya. Yung pasyente po sa room 304." Sagot ko.
"P-pero w-wal..." Mahina niyang sabi sa akin kaya hindi ko masyadong marinig.
"Ano po yun kuya?" Tanong ko.
Napakamot siya sa ulo.
"Ah w-wala po ma'am. M-mag-iingat nalang po kayo p-pauwi." Sabi niya.
Nagtataka man ay tumango nalang ako.
"Sige po, kuya Abner, salamat. Kayo rin po." Sabi ko naman tsaka ngumiti.
Pagkatapos nun ay pumunta na siya sa CR upang maglinis. Ngunit bago pa siya tuluyang mawala sa paningin ko ay nakita ko pa siyang nag sign of the cross.
Weird.
Pumunta ako sa nursing counter.
"Kate." Tawag ko sa nurse na nakatoka.
Mabilis siyang kumapit sa akin tsaka ngumiti.
"Yes po, ma'am?" Tanong niya.
"Bakit pagala-gala si nanay Celia?" Tanong ko.
Kumunot ang noo niya.
"P-po ma'am?" Naguguluhan niyang tanong.
"Si nanay Celia sabi ko, yung pasyente sa room 304?"
"Ano pong ibig niyong sabihin ma'am?" Tanong niya ulit sa akin.
"Nakasabay ko kase siya sa elevator kanina nung bumaba ako rito. Tanong ko, bakit siya pagala-gala, eh di ba hindi pa siya magaling?" Kwento ko sa kaniya.
Nang tignan ko siya ay may bahid ng takot at gulat sa kaniyang mukha.
"A-ah ma'am. Si nanay C-celia po, w-wala na. P-patay na po siya." Sabi niya na siyang gumimbal sa akin.
"Ha? Ano bang p-pinagsasasabi mo? N-nakasabay ko lang siya kanina eh." Natatawa kong tanong ngunit may bahid na rin ng takot.
"Totoo po ma'am, namatay po siya kaninang umaga lang din dahil hindi na po kinaya ng katawan niya." Pagku-kuwento niya sa akin.
Binalot ako ng takot. Nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko.
"Kung p-patay na siya kaninang umaga pa, sino yung n-nakasabay ko k-kanina?" Nagtatakang tanong ko sa sarili ko.
"H-hindi ko po a-alam, ma'am." Natatakot namang sagot ni Kate sa akin.
Ngayon lang pumasok sa isip ko, na kaya siguro ganun na lang mga tanong at reaksiyon ni mang Abner kanina dahil wala naman talaga akong kausap, wala akong kasabay!
____________________________________
A/N:Thank you so much for reading my story, fellas! A simple comment and/or vote would mean so much to me.
BINABASA MO ANG
One-shot stories
Short StoryIba't-ibang kwento. Iba't-ibang dyanra. Iba't-ibang katauhan. Handa ka na bang alamin ang kani-kanilang natatagong kwento? Halina't basahin at alamin.