CHAPTER ELEVEN

919 52 3
                                    

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Hindi ko lam kung bakit pero bigla ko na lang ninais na bumaba ng bahay makaraan ang hindi mabilang na araw na pagmumukmok sa aking silid. Nasa pasilyo pa lang ako sa ikalawang palapag, may naulinigan na akong pamilyar na mga boses. Napatakbo ako patungo sa hagdan, hanggang sa pagbaba sa pinaka-sala namin. At doon nakita kong kahuntahan ng aking mga magulang ang tatlong lalaking humalay sa akin noong nakaraan. Hindi ako maaaring magkamali. Kilala ko ang mga boses nila gawa ng kung ilang araw din nila akong sinundan-sundan.

Naramdaman agad ng lider-lideran ng grupo ang aking presensya dahil tumingin siya sa direksyon ko. Biglang napalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Napatingin din sa direksyon ko ang dalawa niyang kasama. Pagkatapos no'n, nagtinginan silang tatlo na parang nagtatanong sa isa't isa.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Tinakbo ko ang pagitan namin at inubos ko ang aking lakas sa pagsampal sa lider-lideran nila. Tinadyakan ko naman ang dalawa nitong kasama at pinagsusuntok sa kung saan ko matamaan.

"Anak! Tama na!" sigaw ni Papa. Hinawakan nito ang magkabila kong braso.

Kahit hawak-hawak na ako ni Papa pinapalipad ko pa rin ang aking mga binti sa tatlo. Tumulong na rin si Mama sa pagpigil sa akin. Ang tatlo naman ay agad-agad na nagpaalam at halos kumaripas ng takbo palabas ng aming bahay.

Nang wala na sila, saka ako hinarap ng aking mga magulang. Shocked sila pareho.

"Alam mo ba kung sino ang pinagsasampal mong bata ka? Kaisa-isang anak lamang iyon ng Marchese di Pietralata (Marquess of Pietralata)! Ang dalawa namang sinipa mo ay anak nila Signore Bernardi at Signore Arnato!"

Kilala ko ang dalawang huling nabanggit. Mga kilalang negosyante ito sa lugar namin.

"Ano'ng nangyari sa iyo, anak?" naiiyak namang tanong ni Mama.

Hindi ako nakasagot. Napakuyom na lamang ang aking mga palad sa tindi ng galit. Wala akong pakialam kung sino man ang mga hinayupak na iyon. Kahit pa sabihing may espesyal na pabor na iginawad sa kanila ang Santo Papa, lalo na sa anak ng marchese. Ang nais ko lamang ay saktan sila. Saktan!

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Nang nasa labas na ako ng gusali nila Alessio, bigla rin akong nag-alala. Naisip ko ang mukhang manyak na si Signore Vitale at bigla akong kinilabutan. Iyong pakiramdam na parang natatakot na nandidiri at the same time. Kung ikompara roon, di hamak na mas safe si Alessio.

Bigla akong napahawak sa lower lip ko. Ramdam ko pa ang mainit at malambot na labi ni Alessio roon. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ako ng init. Feeling ko pinamumulahan na ako nang husto. Idagdag pa roon ang pagdagundong ng aking dibdib. Ba't gano'n? Inis na inis ako sa lalaking iyon, eh? Pakiramdam ko kasi'y nagbabait-baitan lang at hindi totoo ang mga pakita niya sa akin. May gut-feeling akong gusto lamang niya akong ikama.

"Ano ka ba naman, Eliza! Maghunos-dili ka nga sa pinag-iisip mo! Kaguwapo ng lalaking iyon, eh! Saka sa yaman no'n ba't naman iyon magkakainteres sa isang pobresitang katulad mo?"

Tama nga naman ang aking konsensya. Kahit saang anggulo tingnan, wala talagang rason si Alessio na pag-interesan ako. Ang dinig ko kay Emma may dini-date na supermodel ngayon ang lalaki at sa kanyang obserbasyon ay seryoso ang relasyon ng dalawa. Ang kaso nga lang daw ay nagkaselosan sila nitong huli. Na-link daw kasi sa isang sikat na footballer ang babae at ilang beses iyong naging laman ng lahat ng kilalang pahayagan at celebrity magazines. Baka gusto raw maghiganti ng kanyang amo sa pamamagitan niya. Hindi raw kasi isang ordinaryong tsismis lang ang nangyari. Nahuli pa raw ng mga paparazzi ang nobya nitong papalabas ng penthouse ng footballer isang umaga.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon