CHAPTER TWENTY-SIX

851 49 7
                                    

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Nakita ko na lang ang sarili na naglalakad sa isang kalye na walang klarong patutunguhan. Natigil nga ako bigla at napalingon sa pinanggalingan ko. Na-shock ako nang mapagtanto na mahigit sampong kilometro na ang nalakad ko nang hindi namamalayan. Nag-panic ako nang mapansing hindi pamilyar ang nasa paligid. Lalo akong natakot nang makapa ang bulsa. Wala akong dalang pera!

Umikot-ikot ako at naghanap ng maaaring puntahan at mahingan ng tulong. Lumapit ako sa isang matandang babaeng naglalakad din.

"Ale, pasensya na po, pero kailangan ko lang talaga ng----"

Hindi ako pinatapos. Tiningnan lang ako tapos ay nagpatuloy ito sa paglalakad. Nakailang lapit pa ako sa mga tao bago may nagmagandang loob na mama. Kilala niya raw ang papa ko! Nag-offer siyang isakay ako sa kanyang kotse para maihatid pauwi. Sinunggaban ko naman ang alok niya nang biglang may maramdamang panganib pagkahawak ko sa pintuan ng passenger's seat. Nakita ko kasi sa side mirror ang pagngisi niya na parang may masamang balak. Naisara ko tuloy ang pintuan at umatras palayo.

"Oy! Saan ka pupunta? Walang tutulong sa iyo riyan!"

Hindi ko siya pinansin. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa matunton ko ang gusali na pinagtatrabahuhan ni Francesco. Wrong timing ang dating ko. Kasama niyang lumalabas ng building ang mga magulang niya. Naka-formal attire silang tatlo samantalang ako nama'y nakasuot lang ng kupasing bestida na pambahay at flat shoes na may maliit na butas sa sole.

Ganunpaman, hindi nag-atubiling lumapit ni Francesco. Nagtaka siya kung ano ang ginagawa ko roon. Imbes na sumagot, yumakap na lamang ako sa kanya at humagulgol. Ang bigat ng pakiramdam ko, pero hindi ko lubusang naiintindihan kung bakit.

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Nakita kong naglalakad papunta sa kumedor ang ina at kapatid ni Alessio, pero pagkakita sa akin kaagad silang tumigil at binigyan ako ng hair flip.

"Giovana, pakihatiran kami ng lunch sa hardin!" mando ni Signora Concha. "Ayaw ko ng masangsang na amoy habang kumakain."

Kumusut-kusot naman ng ilong si Concetta habang bumubuntot sa ina. Ni hindi na nga nila nabati si Alessio sa pagmamadaling makaiwas sa akin. Narinig ko pa silang napabulalas ng, "Ano ba iyan! Biglang bumantot at nag-amoy kanal ang bahay!"

Nanggigil ako, pero hindi ko lang pinansin. Dedma rin naman kasi ang mag-ama. Signore Lorenzo pretended he didn't see nor hear them, kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Giovana!" tawag ng matandang Conti sa mayordoma na tulak-tulak ang trolley ng pagkain.

"Signore," sagot naman nito at nilapitan ang matanda.

"Ibalik ang mga iyan sa kusina. Magpahinga ka na. Kaya na nila Emma ang pagsisilbi sa amin."

Nagulat si Giovana. "Pero signore, malinaw pong---"

Kumumpas ang matanda na tila binabalewala ang pagprotesta ng mayordoma.

"Kami lang ang amo mo rito wala nang iba. Wala ka nang ibang pagsisilbihan pa kundi kaming tatlo lang. Maliwanag ba?"

Natigil ako saglit sa paglapit sa mesa. Tatlo. Kasali ako!

Walang reaksyon si Alessio. Tahimik lang itong humugot ng upuan para sa akin, bago umupo sa kabilang kabisera kaharap ng ama. Nasa gitna naman ako nakaupo. Nasa right side ko si Alessio at sa left side naman ang kanyang ama.

Binati ko ang matanda at nagpasalamat sa paanyaya niyang sumabay ako sa kanila sa panghalian. Tango lang ang sagot niya sa akin. Tapos, ay kinausap na nito si Alessio. Mabilisang Italian ang gamit nilang salita. Kakaiba sa karaniwan na binabagalan nila para maunawaan ko. This time, parang hindi importante na maintindihan ko sila. Nakinig na lang ako nang maigi sa usapan nila sakaling makuha ko ang paksa. Kahit papaano ay may naintindihan naman ako. They were talking about Signore Vitale!

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon