CHAPTER THIRTEEN

813 38 14
                                    

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Ang ingay ng paligid. Tila may nananangis at nagsisigawan. Gusto kong ibuka ang mga mata para tingnan kung ano iyon, pero ang bigat-bigat ng mga talukap ko. At ang pinakanakapagtataka, hindi ko maigalaw ang katawan! Napasigaw ako sa takot. Humingi ako ng tulong. Subalit tila walang nakarinig sa akin.

Mayamaya pa, naramdaman ko na lamang ang biglang paglamig ng silid. Nawala ang ingay at napalitan naman iyon ng nakabibinging katahimikan. Dahan-dahan, sinubukan kong muling idilat ang aking mga mata. Napapikit din ako agad nang binulaga ako ng matinding liwanag. Sumubok akong muli. Sa pagkakataong ito'y niliitan ko lamang ang buka ng mga mata.

Nagtaka ako kung bakit naiba ang hitsura ng dingding sa paligid. Tandang-tanda ko ang aking kuwarto. Kulay rosas ang paligid, pero ngayo'y...

"Ay, salamat at gising ka na! Pinakaba mo kaming lahat!" natutuwang sabi ng isang magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida. Mayroon din siyang suot na kulay puti ring head cap.

Nurse? May nurse sa silid?

Dumagundong sa kaba ang puso ko nang mapagtanto kung nasaan na ako. Kasama ng reyalisasyong iyon, may dumaloy na alaala sa aking isipan.

Hindi ako nagtagumpay! Buhay pa ako! Buhay!

Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot.

**********

ELIZA ROSARIO JARDELEZA

Bigla akong napadilat dahil tila kinapos ako ng hininga. Sa pagmamadaling tumayo ay muntik na akong ma-off balance. Mabuti na lang at napakapit ako sa armrest ng rocking chair.

Panaginip lang pala ang lahat. Ang buong akala ko'y naospital na naman ako at mayroong malubhang karamdaman. Damang-dama ko pa ang pamimigat ng katawan kanina. Parang totoong nangyari. At ang pakiramdam ko nang mapagtantong buhay pa ako'y tila totoong-totoo.

"My brother says you came from the Philippines."

Bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Ang kapatid ni Alessio. Si Concetta! Naka-postura ang babae na tila bagang rarampa sa isang fashion show. Nakasuot siya ng floral design na bestida na maikli sa harapan, halos ay hindi umabot sa tuhod, at hanggang kalagitnaan naman ng binti sa likuran. Bagay na bagay sa kanya ang kulay berde niyang suot. Mga mata niya lang ang mukhang maldita, pero ang overall look niya ay tila sa isang anghel.

"Yes. I am from the Philippines."

"Really? Why is it that something tells me you're lying?"

Nangunot ang noo ko. Ano ang ibig sabihin ng mahaderang ito?

"For one, you have a well-shaped nose like ours! People in your country have flat noses!"

Aruy! Pinuri niya ako at ininsulto, all at the same time!

"Not all Filipinos have flat noses," sabi ko agad. Pinagtanggol ko ang mga kababayan kong pango. "And I am not the only one with a nose that has a bridge like yours."

Pinaningkitan niya ako na para bagang binibistahang mabuti ang lahat kong facial features.

"I just received some update from my private detective and he said that you are Aurora's daughter!"

Sinong Au---? For a while ay nakalimutan ko ang tungkol sa babaeng lagi na lang ay pinagkakamali sa akin. Kamukha ko nga raw iyon. Kaso, Italian iyon, eh. Ako'y Filipino at wala akong dugong banyaga. Iyan ay ayon sa mga magulang ko.

Pinasinungalingan ko ang mga sinabi niya siyempre. "I'm not Italian, Concetta. You know that. I do not have Italian roots either. So I am sure your detective is just making up stories," kalmado kong sagot.

KNIGHT IN SHINING CADILLAC [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon